[18] Boomza~ Good or not?

3.3K 33 8
                                    

[18] Boomza~ Good or not?

Tinanghali ako ng gising kinabukasan.. Kasi naman! Kinakabahan talaga ako kay Mamita! Alam ko ung pwede nyang gawin kapag di nya nagustuhan ung isang tao.

Mabait naman talaga sya.. Pero.. =______= Hindi sa lahat ng tao.

Pagbangon ko.. Wala na si Jeanne? Nasan un? Naghilamos ako at bumaba na.. Quarter to 12 na pala. Hala. Late na talaga akong nagising.

Pagbaba ko nakita ko si Mama sa kitchen. "Ma, san si Jeanne?"

"Ah? Sinama ng mama."

O________________O "What?! San sila nagpunta, Ma?!"

"O, nak. Wag kang OA. Nagpunta sila ng Nueva Ecija. Pinuntahan ung mga kamaganak natin dun."

"Say whaaaaaaat?!" Hala! Nako! Ung mga kamaganak pa naman namin dun!

"Oh! San ka pupunta?" Pahabol na sabi ni Mama sakin.

"Susunod sa kanila. >///<"

"Nako ikaw na bata ka. Hahahah! Hindi aagawin ng gma pinsan mo si Jeanne.. There's nothing to worry about!"

"Kahit na Ma! Sa daan nalang ako kakain!" Tumakbo na agad ako sa taas para maligo at magbihis.

Wagas kasi sa kalandian ung gma pinsan kong babae dun! Nakoooo! Naalala ko nung nagpunta kami dun ni Alex one time.. NIYAKAP AGAD UNG BEST FRIEND KO?!

"Ah! Traffic nalang lagi dito sa SCTEX! Nakakainis!" Tinawagan ko si Jeanne peri unattended ang phone nya.

May burborygmic sounds na ako sa tummy ko. Nagugutom na ako! Kaya napagpasyahan kong mag-drive thru sa Jollibee. Kaya ayun. Kain kain din ang peg ko. 3-4hours ang byahe. So makakarating ako dun mga around 3pm na.

Drive lang ng drive.. Maya maya andun na ako. Nakita ko ung kotse ni Jeanne. So dun pala sila sumakay ni Mamita.. Nakita kong walang tao sa labas.. NASAN SILA?!

Bumaba na ako sa car ko at nagsimula nang maglakad papasok ng bakuran.

"Nasan ang mga tao dito?"

"Ine, sino ka ba?" May lumapit sakin na medyo matanda ng babae.

"Ah. Apo po ako ni Amanda Medina. Andito po sila hindi ba?"

"Ah! Oo si Andeng! Nako nasa may patubig sila. May kasamang binata na ubod ng gwapo." >O< Asawa ko po yon!

"Ah! Sige po, salamat.."

"Kamusta nga pala ang nanay mo?"

"Ah. Okay naman po ang mama ko. Nako pasensya napo. Kailangan ko silang puntahan. Salamat ho!"

Mabilis akong sumakay sa sasakyan. Alam ko naman kung saan ung patubig o ung irrigation na tinatawag. Diretso tapos kakanan.

5 minutes in time. Nakarating din ako. Kaso lalakad pa bago ako makarating sa mismong irrigation. Good thing, nag-slippers lang ako ngayon! Nako! Kundi.. TT__TT

Mga 10 minutes away ung patubig sa mismong kalsada. Napaglakad nila si Mamita ng ganito ka init at ganito kalayo? Sounds amazing yet.. weird?

Natatanaw ko na ang patubig kasabay nun.. Nakarinig ako ng mga hagikgikan. >//////< Parang alam ko na kung kaning mga tawa un ah!

Binilisan ko ang lakad at hindi ako nagkamali! Kasama ni Mamita at ni Jeanne ung kambal kong pinsan na si Mina at Nina. >o<

"Mamita!" Sigaw ko. Napalingon naman sila sakin.

"Wow~ AMY!" Biglang tumakbo ung dalawa kong pinsan sakin at niyakap ako. Oh, well. Kahit naman totoong malandi itong dalawa kong pinsan na to. Sa lahat ng kamaganak ko sila ang pinaka-ka-close ko.

We Got Married! Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon