"*huk* D-daddy. Wag na ikaw alis. Puh-lease? T___T" Ayan. Ganyan nayang si Jiro simula nung makita nya si Jeanne kaninang umaga, kasi alam nya ngayon ung alis ng dada nya papuntang Hong Kong para nga dun sa world tour nila. Nasa may pinto lang ako at nakatanaw dun sa dalawa.
Ang cute nilang tingnan.. Si Jeanne nagaayos ng gamit si Jiro naman nakapasan sa likod nya tapos nakahilig ung ulo sa balikat ni Jeanne. Ang cute nila! :3
Pero, somehow.. Nakakalungkot din.. Kakadating lang nya tapos aalis nanaman. :( Diba? Naman. Pwedeng i-postpone nalang ulit? :>
Lumapit ako sa kanila at binuhat si Jiro.. Pero ayaw! Hahahaha! Natawa tuloy ako kay Jeanne. XD Paghila ko kay Jiro natumba sya kasi nakakapit sa leeg nya si Jiro. XD
"Hahaha. Sorry, daddy. XD" Natatawa kong sabi.
"Uwaaah! Daddy.. Wag na ikaw alis!" Iyak nang iyak si Jiro. Hay nako. Hindi ko masisisi tong batang to. Na-attached sya kaagad kay Jeanne. Binuhat ko nalang si Jiro at iniyugyog para di na maiyak.
"Baby, babalik naman si Daddy. Wag na iyak." Sabi ko sabay kiss sa cheeks nang baby ko. Ang cute cute nang anak ko sa totoo lang. :3
"M-m-mommy.. *huks* Is daddy gonna come back? T^T"
"Yes, baby. Babalik si Daddy after two months."
"T-two?" Sabi pa nya habang naka-taas ung pointer at middle finger nya. "Matagal ba un, mommy?"
"Hmm. Sixty days ung baby."
"S-sixty? Mommy! Ang tagal! *huks* I won't see daddy anymore!" Iyak nanaman sya nang iyak. Naramdaman ko nalang bigla may parang pumalupot sa bewang ko pagtingin ko si Jeanne tapos nakapatong ung ulo nya balikat ko.
"Malulungkot ba ang anak ko kapag umalis si Daddy?" Tanong ni Jeanne.
"O-opo. Daddy! Wag na ikaw alis!" Bigla namang yumakap si Jiro kay Jeanne. Ang cute cute talaga nilang tingnan.. Hinayaan ko nalang sila at nagpunta sa kitchen para magluto.
~
Parang kanina lang kakagising lang namin.. Ngyaon.. Aalis na kami papuntang airport. :( Ayan, nalulungkot narin ako. Aalis nanaman kasi si Jeanne. Maiiwan nanaman kami ni Jiro sa bahay.
Nung papunta kami, si Mama at si Kuya ung sumundo samin sa bahay. Nasa likod kaming tatlo. Akap ko ung braso ni Jeanne habang kandong naman nya si Jiro.