Pinakacute na bata sa balat ng lupa Jiro Martin on the right. :3
#BAE
Para sa inyo to! I love y'all! :*
~
WGM Special -- 1
Nandito kami ngayon sa parking lot. Kakatapos lang ng concert ni Jeanne kagabi. Ni-request nya kay Tita Pinky na kung pwede i-delay muna ung concert nila sa Hong Kong na dapat bukas na, kahit mga dalawang araw lang. Sobrang namimiss nya na daw kasi kami. >___<
Well, limang taon na ang nakalipas. Masasabi ko ngang sobrang na-miss ko talaga si Jeanne.
Imagine? Kahit married kami.. Ang hirap kaya magpalaki ng anak mag-isa no! Kahit nanjan sina Mama at Papa na handang mag-guide sakin. Ngayon ko lang napagtanto na ang strong pala nung mga single parent sa mundo. Lalo pa ung mga walang magulang na umaalalay sa kanila.
Kay Jeanne na kami sumabay ni Jiro. Natutuwa naman ako sa batang to. Parang kanina lang ayaw pansinin si Jeanne. Ngayon naman ayaw ng humiwalay. Aba't ayaw na bumitaw sa daddy nya at hanggang sa pag-d-drive ni Jeanne e nakakalong sa kanya si Jiro. Hahahah. Kinukuha ko nga si Jiro kaso.. May pinagmanahan talaga tong batang to. Suplado na agad.
"Jiro, baby, hindi ka pwedeng kumalong kay Daddy. Kay mommy ka muna kasi magddrive si Daddy o."
"No, mommy. Jiro want daddy." Sabi nung bata at sumiksik pa dun sa kabilang side. Ang kulit kulit na ni Jiro!
"Hahaha. Hayaan mo na Marie. Kaya ko 'to."
Balak pa sana naming kumain sa mall kaso.. May mall pa bang bukas sa mga oras na'to? Halos umaga na e.
"Marie."
"Hmm?"
"Si Jiro nakatulog na." Nakangiting sabi ni Jeanne.
"Ihinto mo muna. Ako na jan." Itinabi ni Jeanne ung kotse tapos binuhat nya si Jiro at iniabot sa akin.
"*sniff* M-mommy?"
"Sssssh. Tulog pa baby. Maaga pa oh."
"M-mommy.. Where's daddy?" Naiiyak na tanong ni Jiro.
"Nag-d-drive si Daddy, baby. Tulog ka. Don't worry pag-gising mo.. Andyan parin si Daddy. Sleep na baby ko." Sabi ko kay Jiro at tinatapik tapik sya sa may side nya. Maya maya lang nakatulog na si Jiro.
Mabilis lang din naman kaming nakauwi. Wala na kayang traffic. Hahaha.
Bumaba na ako habang buhat ko si Jiro. No wonder, may maskels na ako. Ang bigat e. >___>
"Ako na." Kinuha sakin ni Jeanne si Jiro tapos ako naman binitbit ko ung ma gamit nung baby ko. Mas marami pa atang dala tong anak ko kesa sakin e.
Nung nakapasok na kami. Actually, bahay namin to. Sariling binili ni Jeanne para samin.
"Dito ka na ba matutulog o babalik ka nang hotel?" Tanong ko sa kanya habang binibihisan si Jiro. Naramdaman kong lumundo ung kama tapos ung kamay nya nasa bewang ko.
"Bakit ayaw mo ba?" >/////< Nababaliw na si Jeanne.
"H-heh. Dun ka nga. >////<"
"Hahahahaha. Eto naman. Alam mo namang miss na miss na kita e." Sabi nya tapos.. Hiniga nya ako sa kama.
"Huy! Ano kaba! Dahan dahan! Ung bata oh!" sabi ko habang nakatingin kay Jiro. Nakooo! Eto pa namang batang to kapag naistorbo sa tulog akala mong sinong master na bawal istorbuhin! Manang mana kay Jeanne!