Mika's POV
What the? Seryoso ba siya sa sinasabi niya parang di ako makapaniwala. Nananaginip ba ko? Hindi ako agad nakareact.
Vic: miks? Pede ba kitang ligawan?
Tumingin ako sakanya. Nakikita kong totoo ang sinasabi niya. What can i say.
Mika: oo naman ara.
Yumakap siya sakin. Niyakap ko rin siya. Matagal rin kaming nagyakapan, siya ang unang bumitaw. At nagpunta sa may likuran ko. Nilabas niya yung necklace at isunuot sakin.
Magkahawak kami nang kamay nang bumalik kami sa bahay nila andrei. Nakakapagod pero masaya. Si kim panay gasgas ang likot kasi niya, nadulas sa batuhan. Natatawa na lang si mela. Si camille at carol kain lang nang kain. Si ara at cienne naman nagkakatinginan nahahalata ko yon. Bakit kaya?
Papunta na kami sa kwarto namin. Gabi na rin naman. Maaga kaming matutulog ngayon sarap nang buhay sa province.
Vic: mika, una ka na sa kwarto.
Mika: bakit?
Vic: may kakausapin lang ako.
Mika: sino?
Kaya ba sila nagtitinginan ni cienne kanina. Kasi siya yung kakausapin nya ngayon, di talaga mawala ang pagiging selosa ko ngayon.
Vic: trust me na lang.
Nagsmile siya, wala naman akong magagawa nanliligaw lang siya sakin. Di ko pa siya pedeng pagbawalan.
Tumango na lang ako. At nagsmile para di niya isiping ayaw ko. She kiss my forehead. And smiles at me. Alam ko naman na ako ang mahal niya. Ramdam kong ako lang. Swerte ko sakanya.
Pumasok na ko. Nagbihis at nagshower. Nag suot ako nang shirt ko. Hiniram ko naman yung boxer ni ara. Ayaw niya kasing pagamit sakin yung sakin. Ang igsi daw at baka may makakita. Nagkwentuhan naman kami nila kim bago matulog.
Sinabi ko sakanila na nanliligaw na si ara sakin. Masaya sila para sakin. Samin. Hanggang sa inantok na rin sila.
Kim: alam mong ikaw ang mahal nun. Matulog ka na.
Tumango na lang ako. Ara trust me. I should trust her din. Makatulog na, puro selos at pagdududa na lang ang ginagawa ko. Hindi to healthy wala pa kami pero makapag isip na ko agad.
Nakatulog na pala ako. Naramdaman kong may yumakap sakin sa likuran ko. Tinignan ko yung phone ko. 4 am in the morning. Humarap ako sakanya.
Vic: nagising ba kita?
Mika: hindi naman, kakauwi mo lang?
Vic: oo, sorry. Sleep ka pa. Aga pa.
Tumango na lang ako. Pero bakit ganito. Ngayon lang siya umuwi sobrang tagal naman nilang nag usap. Nakakapag selos na talaga. Tumalikod ako sakanya. Di ko kayang makita muna si ara. Nasasaktan ako. Harap harapang ginagawa niya sakin. Naiinis ako.
Nakita ko maliwanag na. 10 am na pala,. Sarap nang tulog ko. Pag harap ko, wala si ara sa tabi ko. Nakakainis lang 4am siya umuwi. Tapos agang umalis sa tabi ko. Urgh! Di naman lang ako ginising.
Makatayo na nga kakainis siya.
May sticky note sa door nang c.r di ko naman agad makita nakasulat wala kong contacts. Pag lapit ko. Mukha akong sira. Kanina naiinis ngayon napapangiti.
"Good morning daks. Sorry late ako kagabi at maaga kong umalis sa tabi mo"
Buti alam niya. Hmm. Basta inis ako sakanya. Kinuha ko na lang yung sticky note baka magtaka sila kim na nanliligaw si ara inaaway ko na agad.
Naghugas ako nang mukha, napatingin ako sa salamin para tignan kung may something sa mukha ko. Napangiti nanaman ako. May sticky note nanaman.
"Sorry na daks. Wag ka nang mainis"
Ahh, hindi pa pede. Inis pa rin ako. Bahala siya, pag di siya nagpakita di ako makikipag bati. Magpapalit na ko nang damit, kukuha na sana ako nang may nakita akong sun flower sa taas nang cabinet at may sulat.
"Di ba effective sticky notes ko? Siya eto sunflower. Ikaw yung sun ako yung sunflower. Sayo lang ako tumitingin. I know how you feel. Sorry i didnt explain it last night, later ko explain. Sorry daks. I love you. Ikaw lang"
Nakakainis na talaga to. Ang sweet nawala na tuluyan ang inis ko. Makababa na nga. Kailangan kong makipag usap kay ara.
Nakita ko lola ni andrei at si erika sa garden, nandon din si ara. Nakikipag kwentuhan sakanila. Pero parang ang close nila ni erika. Napataas tuloy ako nang kilay. Tawa nang tawa si lola at si erika. Di pa rin ako napapansin nitong si ara. Palapit na ko nang palapit. Tska niya lang ako napansin nang nasa malapit na ko kay erika.
Nagseselos nanaman ako.
Vic's POV
nakakatawa tong sila lola, tinatanong ko lang naman kung ano. Kung sino ang totoong andrei. Kailangan kong malaman, kaya ko late nakauwi kagabi ay kausap ko si andrei. Alam kong nag isip si mika kung sino ang kausap ko. Di ko pedeng sabihing si andrei. Siya rin yung katext ko kahapon. Kailangan niya raw akong makausap. Kaya ayon nag usap kami, he wants to surprise cienne. Kami lang ang may alam. Alam kong magseselos si mika. Pero kailangan di ko agad sabihin.
Etong si erika naman panay tukso samin ni mika. Under daw kasi ako. Minsan defensive. Kaya kami nagtatawanan. Di ko namalayang anjan na pala si mika. Plain nang mukha niya, masama ba ang gising? Di ba niya nakita yung mga notes ko. Tumayo ako agad para lapitan siya.
Vic: mika, good morning.
Nag smile ako sakanya. Mejo nag smile siya. Anung nangyare? Kala ko pa naman pagbaba niya dito naka smile na siya sakin. Di kaya.
Selosa nang nililigawan ko. Nagselos kaya to kay erika. Malamang alangang kay lola. Siguro kung si lola at ako ang andito baka pinagselosan na rin niya.
Mika: good morning. Good morning din sa inyo ( referring to erika and andrei's lola)
Lola: oh iha? Sarap nang tulog natin. Kain ka na. Kanina ka pa inaantay nito.
Mika: ay opo, napagod po kasi ako kahapon.
Sabay turo sakin. Nako si lola talaga. Napangiti na lang ako, tumingin naman sakin si mika. Ganon pa rin reaction nang face niya
Vic: lola, erika. Kain lang po kami.
Hinawakan ko siya sa braso. At nagpunta sa dining. Pano ko kakausapin to. Nag prepare naman ako nang plate namin. Bahala na.
Vic: daks?
Tumingin lang siya sakin. Sasabihin ko na ba sakanya? Kaso di pa nasusurprise ni andrei si cienne. Mamaya na lang dadalhin ko siya don.
Mika: asan sila?
Hala galit sakin to. Patay kang galang ka.
Vic: ahh, nagpunta sa bayan. Mab iikot ikot lang daw.
Tumango lang siya. Gago ko naman kung tatanong kung may problema na kami. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko, tetext ko si andrei. Ako naman ang may kailangan nang tulog niya.
Walang ganang kumakain si mika. Hala pano to. Nagreply naman si andrei. Magkatext na kami ngayon. Nakita kong nakatingin sakin si mika. Binilisan niya ang pagkain. Selos?
Nako. Nako. Sorry. Pero urgh! Pano ba to. Pano ko lulusot.
Mika: akyat lang ako. Magpapahangin lang.
Sabay alis. Umalis na lang siya naiwan akong mag isa. Niligpit ko naman yung pinagkainan namin. Umakyat naman ako para sundan siya. Kailangan kong mag explain.
Nakapasok na ko. Nasa may verdana siya. Parang may kausap sa phone.
"Nakakainis lang. May katext siya kanina"
"Oo na, ako na. Ako na. Pero thank you. I miss you too"
"Sige bye..
...jeron"
---anu nang mangyayare? Hi guys! Update again, sorry kung lame wala na rin kasi akong maisip. Try ko ulit mag updte mamaya. Para makabawi ako. May hang over pa ko eh.
BINABASA MO ANG
the story of our life (mika reyes and ara galang)
Fanfictionthe tendency to fall in love to one another is to be close to each other. maybe our love will never last but our friendship will. i love you. you love me nothings wrong with that. just say you don't love. i will let you go.