chapter 16 (cienne's story)

3.9K 54 4
                                    

cienne's POV

papalapit na ko sakanya. aba? lakas mag inom nito ngayon ah? mapigilan na at baka madisgrasya pa ang plano ko.

Nagpaalam ako kay vic na kukuha lang ako nang maiinom namin.

umupo ako sa tabi nya sana maniwala siya sa sasabihin ko.

cienne: badtrip!

nakasimangot ako para mas effective.

mika: oh anung nangyare sayo?

cienne: si vic kasi..

sinadya kong bitinin para naman lalong mag isip si mika.

mika: anong meron sakanya???

tama nga ako, ganito ang kakalabasan. nakakunot ang noo plus nakataas kilay.

Cienne: sabi ko may titignan lang ako, tapos pag balik ko may kasama na.

Mika: huh?

Still the same expression ng mukha.

Cienne: may kausap na babae. Niyayaya kong bumalik dito kaya lang ayaw niyang umalis.

Tumayo na agad si mika. Walang sabi-sabi hinigit niya ko palabas. Lasing na siguro to. Nako. Feeling ko gegerahin nito si buds, sorry vic. I need to do this.

Opps! Pag nagkataon baka ako ang gerahin, pag nalaman niyang walang kasamang babae si vic. At inaantay niya lang yung drinks namen.

Help me. Mahirap maging hulk si reyes.

Nagsalita siya. Habang hinihila ako.

Mika: asan ba si vic?

Galit na ata. Di na maipinta ang face. Shoot. Himala, himala ang kailangan ko ngayon.

Cienne: ahh.. Ehh.. Doon..

Tinuro ko. Ow!!! Thank you tadhana. May babae malapit ni vic.

Pero ha? Kakaiwan ko lang may babae na. Aba naman? Lapitin lang? Kundi lang talaga ako ang aawayin nitong si mika. Ako susugod dun, ano ba yan. Kanina pinag darasal kong may kasama si vic. Ngayon, nagseselos ako, ang bipolar ko.

Mabuti na lang binitawan ako ni mika. Bilis niya maglakad infairness. I need to escape, baka madamay ako.

Mika's POV

ayun, nakita rin kita victonara, ayaw mong sumama kay cienne ha? Ako mangangaladkad sayo pabalik sa reception.

Nakatalikod ang babae sakin. Makapag pakita ng katawan. Maayos naman kaya lang mas maganda ang katawan ko sakanya,

Papalapit na ko. Pero may napansin ako..

Parang ayaw ni vic sa kausap niya, baliktad ata ang sinabi ni cienne.

Speaking of? Asan na yung babaing yon. Wag niyang sabihing set up to.

Gusto kong bumalik at kausapin si cienne. Kaya lang si vic, nakikita kong nilalandi nang babae yun. Gera ka sakin girl. Back off. War freak ako ngayon, marami rami rin akong nainom.

Mika: honey? (Nagcross arm) sino siya?

Vic's POV

cienne asan ka na ba? Nakakabagot na dito. May papalapit na babae. Naka two piece. Maganda naman siya, maganda rin ang katawan. Kaso di ko type.

Lumapit siya sakin. Halatang gustong makipag flirt. Tango lang at iling ang sagot ko sakanya.

Maya-maya may nagsalita. Familiar voice.

Mika: honey? Sino siya?

Nakacross arms si mika. At nakataas kilay. Teka? Tama ba narinig ko?

Vic: honey?

the story of our life (mika reyes and ara galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon