Chapter 37

4.3K 47 0
                                    

Ara’s POV

Gulat kami pareho sa sinabi ni kim. Break na raw sila. Agad pumunta sa tabi ni kim. Naupo ito, pero halatang pinipigil ang iyak niya. Tumayo na rin ako. Nilapitan siya. hinawakan ang balikat niya.

Ara: wafs?

Tawag ko sakanya. Inaantay ko ang sagot niya. Matagal na silang may problema ni mela. Pero sakin lang niya sinasabi. Hindi niya masabi sa iba. Si mika di naman nagging alien sa situation ni kim. Kasi naikwento ko na rin naman sakanya kagabi.

Kim: ang sakit wafs? Ang sakit sakit.

Nakayakap na si mika sa kanya. Ako namannakaluhod sa harap niya. Di ko na kailangang magtanong. Alam ko nanaman, mas mahihirapan siya.

Ara: bakit ka bumitaw wafs?

Yun na lang ang nasabi ko sakanya.

Kim: hindi naman ako eh, hindi ako. Alam mo yan.

Sobrang naiiyak si kim. Ramdam sakanya ang sakit.

Ara: wafs, kayanin mo. Naguguluhan lang siguro si mela.

Tumango si kim. Alam kong hindi makitid ang utak niya. Siya nga taga advice ko noon, nahihirapan ako para kay kim. Nakikita ko yung sakit sakanya. Ganyan ba ko dati. Ang hirap pa lang icomfort nang isang taong broken. Sawi sa  pag-ibig.

Kim: gusto kong makalimot wafs? Libre ka ba?

Tumingin si mika sakin. Kailangan kong samahan si kim. Kailangan niya ko. Nakikita ko sa mata niyang naiintindihan niya ang situation. Ako naman ang kailangan ni kim ngayon.

Ara: oo naman wafs.

Kim: salamat, mika pasensya na.

Mika: ano ka ba? What are wafs for diba?

Ara: kain na lang tayo. Halatang gutom ka na.

Pumayat si kim, halata sa katawan niya. Sa mga mata niya. Naaawa ako para sakanya. She gave all for mela. Pinaglaban niya ang lahat. Tapos break-up din ang binagsakan. Parang kami ni mika noon. Di ako nawawalan  nang pag-asa na di na sila magkakabalikan. Kailangan lang nila nang time para sa isa’t isa.

****

Saturday morning na ngayon. wala naman akong work, even though I still have my work this day. I decide to be with kim. Hanggang ngayon di pa rin siya ayos eh. 3 days ago when she went in my office crying. Mejo okay na siya, umiiyak paminsan. Pero hindi na katulad nang mga nakaraang araw. Magkatext kami ni mika. Daan daw siya dito before makipagkita kay jessey. Ayos lang kami. Mas magkasama kami  3 days ago. Kami ang kasama ni  kim. Busy na rin  kasi yung ibang bullies. Hindi kami masyadong clingy kapag kasama namin si kim. Kahit na sabihin niyang ayos lang sakanya na nakikita kami ni mika na sweet. Para samin ni mika, hindi yon maganda. Magkakasama kaming tatlo kasi magkakaibigan kami. But sometimes, di naming napipigilan. It come naturally. Napapatawa naman din don si kim.

Bahay ni kim, nakakalat yung mga inunom niya kagabi. Nagpakalasing nanaman siya. kahit na sinamahan ko siya  kagabi na mag inom. Siguro bitin, konti lang din naman ang nainom namin. Sa bar ko na lang siya niyaya. Para mas madaling makauwi kami pareho.

Nagluto na rin ako nang pagkain naming. Bilin  sakin ni mela napakainin si kim. Oo nakakausap ko rin si mela. Nasaktan siya sa ginawa niya. Kasalanan naman daw niya, nagging close sila nung katrabaho niya. Nawalan siya nang time kay kim. At ganun din naman si kim. Alam kong pagsubok lang tong pinagdaraanan nila.

Nakalabas na naman nang kwarto si kim. Nung una, ayaw niyang kumain. Pero napilit ko rin. Nakonsensya siya sa mga sinabi ko. Namblock mail pa daw ako. At utang na loob ko pa sakanya na pinakain ko siya. tinawanan ko na lang. atleast kumain siya.

the story of our life (mika reyes and ara galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon