Chapter 35

3.8K 53 6
                                    

Jeron’s POV

Lahat kami ngayong apat ay nanigas sa kinatatayuan. Alam lang nila mama ay pupuntahan ko si lola. Wala silang idea na kasama ko si mika at sila ara. pano na ngayon, andito sila. even though alam nila mama na wala na kami ni mika. ganon din naman ang mama ni mika.

si mika lang ang tanging nakapagsalita saming apat.

mika: mama?

"surprise to see us?" sagot nang mama ni mika. casual tone lang ang gamit niya. pero nung ninamnam ko ang bawat salita, ay kinakabahan ako.

after mika's mom talk. si mama naman ang nagsalita.

"so i guess we better talk" si mama naman ganun din casual tone lang. hindi galit pero di rin masaya.

tumango naman ako. tumingin sakanilang tatlo. namumulat si mika. worried naman ang mukha ni ara. si alex, halatang takang-taka.

nakatayo ang mga magulang namin. si lola ay nakaupo lang. pano to, pano kung atakihin si lola. kasalanan ko pa to. at pag nangyare nga masisisi pa sila ara. urhg! help us.

nakaupo na sila mama sa sofa. katabi niya ang mama ni mika at si papa.

nakaharap kaming apat.  katabi ko ngayon si mika. nakatabi si alex. magkabilang dulo kami ni vic. matagal na katahimikan. nakatungo si mika habang si alex ay nakatingin sakanya. si ara lang ang tanging tumingin sa lola ko. alam kong nag-aantay  sila nang explanation namin.

"start talking, jeron" si papa na ang bumasag nang katahimikan namin.

jeron: papa mama tita lola, una sa lahat patawad. ako ang may kasalanan nito. isinama ko lang po sila.

"anong kalokohan ang pumasok sa utak mo Jeron at sinama mo ang ex nang ex girlfriend mo" si papa lang ang nagsasalita. tumingin ako kaagad kay lola. sana hindi siya atakihin sa sinabi ni papa. pero hindi nagbago ang approach ni lola, patuloy lang siya sa pagtingin samin.

jeron: papa, im sorry. gusto kasing makita ni lola si mika.

"kailangan  kasama sila?" hindi ko masense kung galit ba si papa. sasagot na sana ako. kaya lang biglang may nagsalita.

ara: pasensya na po kayo. pero kailangan kong magsalita. hindi po lahat ay kasalanan ni jeron. nanghingi siya nang favor kay mika.

"so ikaw ang kailangan magdesisyon para sa anak ko?" mama naman ni mika ang nagsalita.

ara: yon po ang pagkakamali ko, ako po  ang nagdesisyon para sakanya.

mika: mama, pumayag din naman ako sa desisyon niya. kaya kasalanan ko din to.

"siya, bakit nyo siya kasama?" si mama ang nagtanong. halatang si alex ang tinatanong niya.

kailangan kong magsalita. baka madamay rin siya.

jeron: siya po si alex. kaibigan ko.

"kaibigan mo? never mo pa siyang pinakilala sakin." alam ni mama ang totoo, alam niyang nagsisinungaling ako sakanya. kahit bagong kaibigan ko ay pinapakilala ko muna sakanila. ngayon lang nila nakita si alex kaya malamang di sila naniniwala.

help us.

vic: ex-girlfriend ko po.

Alex's POV

ano nang nangyayare samin ngayon. nagpretend lang naman kami. malaking kasalanan na ba yon. eto na ba ang karma namin. nakakatakot ang parents at mama ni mika. hindi ko alam pero parang ang lola ni jeron ay nakikinig lang sa side namin. sa pinag-uusapan namin. hindi naman ako makapagsalita kasi di ko rin alam ang dapat kong sabihin.

the story of our life (mika reyes and ara galang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon