Chapter 1

3K 83 3
                                    

* Jisoo's PoV

Nakatulala lang ako habang nag iisip kung paano ko gagawin ang unang hakbang sa plano ko para mapalapit sa kanila. Napailing na lang ako nang maisip kong makipagbungguan sa kanila. Cliché na masyado ang ganun.

Kinuha ko ang maliit kong notebook kung saan ko isusulat ang mga plano ko at mga achievements.

Binasa ko ang mga pangalan ng mga lalaking unti unti kong sisirain. Alam kong wala naman talaga silang kinalaman sa nangyari 5 years ago pero dahil sila ang mas abot kamay ko kumpara sa lolo nila at mga magulang na akala mo mababait pero mga demonyo naman ay sila ang gagantihan ko.

Ang angkan ng mga Silva ang dahilan kung bakit mag isa na lang ako ngayon at pilit na itinataguyod ang pamumuhay. Mayaman kami noon, lahat ng luho ay nakukuha ko. Ako ang sinusunod at hindi ako ang sumusunod sa utos ng ibang tao. One day, Don Theodore Silva went to our company, he ask my father for a partnership at dahil kilalang mayaman at malaking angkan ang mga Silva ay agad na pumayag si Daddy. Hindi namin alam na unti unti na pala kaming sinisira ng mga Silva, unti unti nilang kinukuha ang mga investors namin at unti unti nilang pinapabagsak ang company. I saw my dad crying hard when our company closed. Nalugi ito at na bankrupt kaya naman napilitan sila Daddy at Mommy na isara na ito.

Dahil doon ay lagi nang stress ang parents ko. Nag iba na din ang pakikitungo nila sa isa't isa. Lagi silang nag aaway kahit hindi naman talaga dapat mag away. Dumating pa sa point na nagkasakitan sila pareho.

Kitang kita ng dalawang mata ko nang saksakin ni Mommy si Daddy dahil binugbog siya nito. I was 13 years old that time. Iyak ako ng iyak noon. Lalapit na sana ako kay Mommy para patigilin siya pero nang makita niya ako ay inilingan niya lang ako saka niya sinaksak ang sarili niya.

That's why i hate that Silva! Kung hindi dahil sa kanila hindi magkakaganito ang pamilya namin. Hindi mag aaway sila Mom and Dad. Sana kasama ko pa sila ngayon.

Tinignan ko ang mga pictures ng magpipinsang Silva na nakadikit dito sa dingding ng kwarto ko.

Malapit na. I will now take my revenge.

----------------

Nang mamatay sila Mom and Dad ay napilitan akong magtrabaho. Ang mansyon, mga sasakyan at ibang gamit namin ay binenta ko para mabuhay. Naging working student ako. I really love architecture kaya naman iyon ang kinuha kong course. Sa pipitsuging school na muna ako nag aral para makapag ipon dahil balak kong lumipat sa school na pagmamay ari ng mga Silva. Masyadong mahal ang tuition fee kaya naman naging dalawa ang part time job ko noon, ang ibang pera naman na napagbentahan ko sa mga gamit namin ay nilagay ko muna sa bangko. I check my account at napangiti ako ng makitang tama na ang naipon ko. Incoming 3rd year na ako at laking pasalamat ko talaga nang matanggap ako sa scholarship. I take scholarship exam, nagbakasakali lang ako and then iyon na nga, i didn't expected to passed the exam.

Lumipat din ako sa isang maliit na apartment malapit sa university para hindi hassle sa biyahe.

Sumilip ako sa bintana ng kwarto ko at natanaw ko ang Theodore Silva University.

Napangisi ako.

Bukas na.

My plans will start tomorrow.

Be ready Silva boys.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now