* Jisoo's PoV
Kinulong ako ni Tristan gamit ang dalawang kamay niya na nilagay niya sa magkabilang gilid ko.
"A-anong ginagawa mo?" Kinakabahan kong tanong.
Nawala na ang kaninang ngiti niya at ngayon ay napalitan na ng seryosong tingin sa akin. Hindi ako mapakali dahil hindi ko alam kung anong iniisip niya. Idagdag mo pa na nakahubad pa din siya.
Teka. May suot na kaya siya sa ilalim ng tuwalyang yan?
Seriously Jisoo?! Yan pa talaga inisip mo?
Kung kahapon ay naiwasan ko si Red, ngayon ay hindi kaagad ako nakaiwas. Nanlalaki ang mga mata ko habang hinahalikan ako ni Tristan. Unti unti siyang gumalaw at pakiramdam ko tatakasan na ako ng kaluluwa ko.
My first kiss.
Sa sobrang tagal niya na akong hinahalikan ay doon lang ako nakagalaw. Keri na. Hayaan mo na kung isang Silva ang nakaunang halik sa akin. Mukha naman siyang magaling humalik, maybe he can be my tutor.
Ginaya ko lang ang galaw niya. Nakikisabay lang ako sa mga halik niya hanggang sa matutunan ko.
Naghiwalay lang kami ng pakiramdam namin ay mauubusan na kami ng hininga.
Nagkatitigan kami ng ilang saglit bago siya humiwalay ng tuluyan.
"Finish your work." Sabi niya bago umalis at pumunta sa closet niya.
-----------------
Hanggang sa natapos ako kanina ay hindi na kami ulit nag imikan ni Tristan. Yun bang parang walang nangyari. Malinis pa naman ang buong bahay kaya naisipan kong maglibot muna para maging pamilyar na ako sa susunod sa bawat parte nitong bahay.
Hindi lang ako pumunta sa pool area dahil naririnig ko ang boses nila doon.
"She's pretty right?" Boses ni Red. Landi talaga ng isang to.
"She's mine." Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Tristan. Yun lang naman ang sinabi niya pero pakiramdam ko biglang nadurog ang puso ko.
Bakit ganito? Feeling ko nasaktan ako sa sinabi niya. Hay. Wala lang ito. Siya kasi ang first kiss ko kaya ganito.
Narinig ko pa ang kantyawan nila bago ako tuluyang umalis.
---------------
Lunch time na kaya naman nagsimula na din akong magluto. Nagluto lang ako ng specialty ko na adobo at lumpiang shanghai.
Nagsasandok na ako ng kanin para maihain na ng maramdaman kong may dalawang braso na yumakap sa akin. Sa sobrang gulat ko ay naibagsak ko ang hawak kong plato na naging dahilan para humiwalay sa akin ang kung sino mang tukmol na yumakap sa akin.
"Tristan?" Pakiramdam ko bigla akong natameme nang malamang siya pala ang gumawa nun.
Dapat nagagalit ako sa kanya pero bakit hindi ko magawa? Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang mukha ko at biglang hinalikan.
Yung totoo? Naaadik ba siya sa halik ko? Bigla akong napangiti, mukhang may isa nang mahuhulog. Huminto siya at tinignan ako.
"Why are you smiling?" Kunot noong tanong niya.
"Ha? Ah wala naman. Tatapusin ko na ito para makakain na kayo."
Umupo na siya sa hapag at kahit naiilang ako dahil nakatitig siya sa akin ay tinapos ko na din ang paghahanda ng tanghalian. Pagkatapos kong tawagin ang mga pinsan niya ay kumain na din sila.
"Kumain ka na din." Napatingin ako kay Tristan dahil sa sinabi niya.
"Ah hindi na. Mamaya na ako." Sagot ko. Nagulat ako ng bigla siyang tumayo akala ko ay tapos na siya pero kinuhaan niya lang pala ako ng plato, kutsara at tinidor.
Sa nakikita ko ay hindi lang ako ang naguguluhan sa inaasta niya. Kitang kita ko din ang pagtataka sa mga pinsan niya.
"Mukhang may something." Dinig kong bulong ni Kyle kay Benedict.
Pinaupo na ako ni Tristan kaya wala na din akong nagawa kundi kumain. Tahimik lang kaming kumakain lahat nang biglang mag ring ang cellphone ni Troy.
"Hello?" Tanong ni Troy pagkasagot niya sa tawag. "What? Paano nangyari yun?" Bago siya umalis sa hapag ay kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya at ang galit sa mga mata niya.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya. Paglingon ko sa iba ay nagulat ako dahil lahat sila ay nakatingin din sa akin.
"Wag kang titingin sa kanya kapag nakita mo ng galit siya. Madadamay ka." Ewan ko kung paalala yun o banta ni Kristoffer.
Kumain na lang ako ulit at naghugas syempre. Wala naman akong gagawin at wala din naman daw ipagagawa ang mga amo ko kaya naman naisipan kong matulog na lang muna. Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagulat ako dahil nandoon si Tristan. Nakaupo siya sa kama ko.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko. Dapat matakot na ako sa kanya pero ewan ko ba para bang masaya pa ako na nandito siya.
Tumayo siya at nilock ang pintuan. Paglapit niya ay bigla na naman niya akong hinalikan. Grabe ang isang ito ha. Tigang ba siya o ano?
Wala na akong nagawa at nilagay pa sa batok niya ang dalawang braso ko habang tinutugon ang halik niya.
