* Jisoo's PoV
Tumunog na ang bell which means lunch break na at dahil nagugutom na ako ay inayos ko agad ang mga gamit ko. Palabas na sana ako nang harangin ako ng isa sa mga Silva.
Si Red.
"Hi miss. Are you alone? You can join us." Nakangiting sabi niya.
At dahil nagtitipid nga ako ay balak ko sanang sa labas kumain pwede naman daw iyon basta bumalik agad after ng break.
"Sorry pero may gagawin pa kasi ako eh." Mahinhin kong sabi.
He looks disappointed kaya naman lihim akong napangiti.
Flirt!
"Is that so? Sayang naman. I want to treat you pa naman since it's your first day." Napataas ang kilay ko. Ganito ba siya mag welcome ng new student?
Ngayon ko lang din napansin na nasa likod na pala niya ang mga pinsan niya at tinatawanan siya dahil tinanggihan ko siya.
"Sorry. I have to go." Sabi ko at umalis agad.
Lumabas ako ng university at naghanap ng malapit na karinderia pero wala akong makita kaya naman sa Jollibee ako nagpunta at nag order ng burger steak with rice. Kung sa cafeteria kasi ako kumain ay doble ang halaga nito doon. Mga rich kid lang ang makaka afford.
Tahimik lang akong kumakain pero nahagip ng paningin ko ang pumasok.
Si Carlo Yuan Silva .
Mukhang sila na talaga ang pinapalapit ng tadhana. Nag order siya at tumingin sa paligid pero wala na siyang mauupuan pa kaya naman nang mapatingin siya sa akin ay lumapit siya.
"Is this seat taken?" Tanong niya.
"No." Umupo siya sa harapan ko at lalo akong nagutom nang makita ko ang pagkain niya. Ang dami, ubos niya ba yan?
"Do you want?" Bigla akong nahiya dahil sa tanong niya.
Umiling ako at kumain na muli.
"What's your course? Hindi kita nakikita sa university." Tanong niya kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Architecture. Transferee ako." Maikling sagot ko. Tumango tango siya at hindi na muling nagsalita.
Paalis na sana ako nang iabot niya sa akin ang isang burger at large fries na pina take out niya kanina. Tinignan ko siya nang may pagtataka.
"Eat this. Alam kong kulang yung kinain mo." At kahit nakakahiya ay kinuha ko na. Totoo naman kasi. Kulang na kulang yung kinain ko.
"Thanks." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
Habang naglalakad pabalik sa campus ay kinakain ko ang bigay ni Silva na burger at fries. Kung magtagumpay ako na mapalapit sa kanila ay mukhang pwede ko silang perahan. Mga mukha naman silang uto uto.
Pagbalik ko sa classroom ay wala pa ang mga Silva at konti pa lang din ang nandito. Napatingin ako sa seatmate ko nang magsalita siya.
"Hi. Ako nga pala si Jennie. You're Jisoo right?"
Nung una ay nagdalawang isip pa ako kung makikipagusap ako sa kanya but since ang daldal niya eh wala na din akong nagawa. Nalaman kong transferee din pala siya gaya ko yun nga lang hindi siya late pumasok.
Pareho kaming napatingin sa pintuan nang bigla iyong bumukas at pumasok naman ang limang Silva na ngayon ay mga nagtatawanan.
"Ang gwapo talaga ni Red." Dinig kong bulong ni Jennie kaya naman agad nabalik sa kanya ang atensyon ko.
"You like him?" Mahina kong tanong.
Saglit siyang namula, mukhang hindi niya inaasahang maririnig ko ang sasabihin niya pero maya maya pa ay tumango din siya habang pinipigilan ang kilig.
Simula nang malaman kong may gusto si Jennie sa Red na yun ay nilayuan ko na siya. Hindi ako pwedeng makipagkaibigan sa kanya kung may gusto siya sa Silva na iyon. Ayaw kong may makasira pa sa plano ko.