* Jisoo's PoV
Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ako. Ngayon na ang araw kung kailan ipakikilala kami ni Tristan sa pamilya at ibang mga kamag anak niya. Hindi ko alam kung may mukha ba akong maihaharap sa kanila. Sobrang kinakabahan ako. Natatakot akong mahusgahan. Natatakot akong maayawan. Natatakot ako na baka hindi nila tanggapin si Ethan.
"Are you ready?" Napatingin ako kay Tristan na ngayon ay nasa harap ko na.
"Kinakabahan ako. Paano kung hindi nila tanggapin si Ethan? Ayaw kong masaktan ang bata." Nag aalalang sabi ko.
Ngumiti siya at hinawakan ang dalawang kamay ko.
"Everything will be fine. Don't worry too much. Kasama mo ako." Paninigurado niya.
Pumikit ako ng mariin bago bumaba sa sasakyan. Nandito na kami sa mansiyon ng mga magulang niya kung saan gaganapin ang family dinner. Hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Ngayon lang ako nakapunta dito. Kung malaki na iyong bahay na tinuluyan nilang magpipinsan ay di hamak na mas malaki ito.
"Wow. Ang laki ng bahay." Manghang sabi ni Ethan na karga ni Tristan.
"Say hi to your grandparents okay?" Paalala ni Tristan.
"Yes Papa. I'm excited to meet Lolo and Lola." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita kung gaano kasabik ang anak ko.
"Let's go?" Tumango na lang ako sa tanong ni Tristan.
Hinawakan niya ang kamay ko habang karga pa din si Ethan. Marami na din ang mga sasakyan na lalong nagpakaba sa dibdib ko. Ng makapasok kami sa bahay ay agad naming naagaw ang atensiyon ng lahat. Nakita ko agad sila Red, Kyle at Troy. Nakaupo sila sa sofa sa sala. Naririnig ko na din ang ingay ng ibang mga tao.
"Good evening everyone." Nakangiting bati ni Tristan.
"G-good evening po." Nahihiyang bati ko.
Isa isang nilapitan niyakap ng mga kamag anak niya si Tristan. Gumaan ang loob ko ng maaliw din sila kay Ethan. Masaya na ako kahit hindi nila ako pansinin basta wag lang nilang itaboy ang anak ko.
Napalingon kami sa hagdanan ng makarinig kami ng tunog ng takong. Bigla akong kinabahan ng makita ko ang mama ni Tristan. Mukha pa din siyang masungit kabaligtaran sa asawa niya na nakangiti sa amin.
"Siya na ba ang sinasabi mo Tristan?" Nakangiting tanong ng Daddy niya.
"Yes Dad." Nilingon ako ni Tristan na para bang proud na proud siya. "I want you to meet my son Ethan and Jisoo my future wife."
Naramdaman ko ang sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Future wife..
Ang sarap sa pandinig.
"How are you sure na sayo yan?" Nawala lahat ng masayang pakiramdam ko nang magsalita ang mama ni Tristan.
"Ma!" Saway niya sa nanay niya pero hindi siya pinansin.
"Hijo, ilang taon nawala ang babaeng yan. Paano kung may nakasama pala siyang iba pero sayo lang pinaako ang anak niya." Tinignan ako ng matalim ng mama niya.
Wala sa sariling nilingon ko ang anak ko na mabuti na lang bahagyang inilayo ni Red.
"Mawalang galang na ho, pero ang anak niyo po ang tatay ng anak ko. Kung gusto niyo ipa-DNA test niyo pa si.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hawakan ako ni Tristan sa kamay.
"Ma naman, I'm the father okay?" Nauubos na ang pasensiya niya dahil ganito din ang reaksiyon ng mga pinsan niya noong una. "Hindi ko ipapa-DNA test ang anak ko." Mariin niyang sabi.
"Hon, believe in your son. Isa pa kamukhang kamukha ng apo natin ang kanyang ama noong bata pa siya." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Mr. Silva.
Napangiti ako ng makitang nakagaanan na ng loob ni Ethan ang mga Tito niya. Masaya silang naglalaro sa pool side. Kanina after naming mag dinner ay nilaro din siya ng Lolo niya. Ayaw na ngang umalis ng Lolo niya kaso kailangan niyang kausapin si Tristan tungkol sa plano nito sa amin.
"Are you okay?" Napalingon ako sa likod ng may magsalita. "I'm sorry about what happened earlier. I mean, mag nanay talaga kami dahil pareho kami nang reaksiyon ng makita si Ethan." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Kyle.
"Ayos lang yun. Normal din naman na mag isip kayo ng ganun. Tama naman kayo, ilang taon akong nawala tapos bumalik na may anak."
"Hindi nila alam ang ginawa mo sa amin." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "At wala kaming plano na sabihin sa kanila."
"Thank you Kyle." Naiiyak na sabi ko. Kahit niloko ko sila hindi nila nagawang ipagkalat pa ang ginawa ko.
"Hindi ka namin kayang saktan." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Mahalaga ka sa amin at hindi namin hahayaang masaktan ka." Punong puno nang emosiyon ang kanyang mga mata, para bang marami pa siyang gustong sabihin pero hindi niya masabi.
