* Jisoo's PoV
After 2 months~~
Ito na ang huling araw. Ang huling araw na mananatili ako sa mansiyong ito. Sa loob ng dalawang buwan ay nagawa kong makuha ang iba pang natitira.
Si Tristan na lang ang kulang..
Pagkatapos ko kay Tristan ay balak ko ng umalis at magpakalayo mamayang madaling araw. Siya ang hinuli ko dahil sa kanilang lahat ay sa kanya talaga nahulog ang loob ko. Alam kong magiging mahirap sa akin ito pero kailangan kong gawin.
Pinipigilan ko ang mga luha kong gusto nang kumawala. Gusto kong magsorry sa lahat dahil sa ginawa ko sa kanila pero huli na ang lahat.
I'm sorry boys..
Huminga ako ng malalim at napatingin sa orasan. 11:30pm na. Sa ganitong oras ay alam kong lahat sila ay nasa loob na ng mga kwarto nila. Napatingin ako sa ibabaw ng kama ko kung saan nakalagay ang maleta ko.
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto ni Tristan. Nang nasa harap na ako ay parang gusto ko na lang umatras at umalis na.
Pero hahayaan ko na ang sarili kong maging masaya kahit ilang oras lang. I fell in love with Tristan at siya ang gusto kong makasama bago ako tuluyang lumayo.
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. Nakita ko siyang nakahiga na sa kama niya at mahimbing na natutulog. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan saglit ang mukha niya. Kahit tulog ay gwapo pa din.
I'm sorry Tristan..
Dahan dahan akong humiga sa kama niya para hindi siya magising pero nabigo ako.
"J-jisoo?" He asked in a husky voice. Medyo inaaninag pa niya ako dahil madilim na.
"It's me. Pwede bang makitulog?"
"I like that." Kinumutan din niya ako at niyakap.
Sa mga sandaling ito ay dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Sobrang saya ko dahil nabigyan ko pa din ng panahon ang sarili kong maging masaya kasama ng lalaking mahal ko.
"I love you Tristan." Bulong ko sa kanya.
"I love you too, Jisoo." Gulat akong napatingin sa kanya.
He loves me too?
"Tristan." Hindi makapaniwalang tawag ko sa pangalan niya.
Dumilat siya at tumingin sa akin. Nginitian niya ako ng malaki.
"I love you too Jisoo." Ulit niya sa sinabi niya bago ako halikan.
Dahan dahan ang paghalik niya sa akin. Para bang ingat na ingat siya na wag masugatan ang labi ko. Hindi nagtagal ay naging mapusok na ang halikan namin. Halos kapusin kami ng hininga pero walang gustong huminto. Gusto namin parehong magpatuloy.