Chapter 34

1.5K 67 13
                                    

* Tristan's PoV

Nagising ako ng sobrang sakit ang ulo. Napapikit ako ulit ng maalala ko kung bakit ako naglasing kagabi.

Nakakatawang isipin na nagagawa ko na ngayon ang mga bagay na hindi ko naman dati ginagawa para sa isang babae.

Tinamaan talaga ako..

Iiling iling akong bumangon at ngayon ko lang din nalaman na wala akong suot na damit pang itaas.

"Good morning."

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ng babaeng dahilan kung bakit ako naglasing. Nakangiti siya sa akin habang may dala dalang tray na naglalaman ng kape, tinapay at bacon.

Alam na alam na niya ang mga gusto ko para sa almusal.

"Inumin mo na itong kape para kahit papaano mawala ang sakit ng ulo mo." Sabi niya bago iabot sa akin ang isang baso ng kape.

Pinilit kong wag siyang tignan sa mga mata nang kunin ko ang kape. I just want her to know that im still mad. I just want her to say sorry.

Gusto kong lambingin niya ako..

"Tristan, sorry na oh." Lihim akong napangiti ng marinig ang mga salitang iyon. "Maniwala ka, wala talaga kaming ibang ginawa ni Troy. Nag usap lang kami. At hindi ko din alam kung bakit nakalock ang pintuan nun. Please, patawarin mo na ako." Bakas sa boses niya ang pagmamakaawa. I want to forgive her already pero gusto kong maramdaman ang paglalambing niya.

"Honey, sorry na oh." Napalunok ako ng marinig ko ang itinawag niya sa akin. Shit! I want to kiss her already! "Paano tayo magpapakasal kung galit ka sa akin?"

Gulat akong napatingin sa kanya ng marinig iyon.

"H-ha?" Nauutal kong tanong.

Bigla naman siyang tumawa kaya parang bumalik ulit ang inis ko.

"Joke! Hahahahahahaha."

Nang sinamaan ko siya ng tingin ay agad din siyang tumigil.

"Hindi ako nakikipagbiruan Jisoo." Seryosong sabi ko.

"Okay. Sorry na." Huminga siya ng malalim. "Bati na tayo ha? Please?"

Napailing ako ng magpacute siya sa akin. Tss. Isang kiss lang naman okay na sa akin. Hindi na niya kailangan mag effort sa pagpapacute dahil maganda na siya sa paningin ko.

"Fine." Kunwaring napipilitan kong sagot.

"Napipilitan ka lang yata eh." Nakasimangot na sabi niya.

Saglit ko siyang tinitigan bago ko siya halikan sa kanyang labi.

"We're okay. Alam mo naman na kahit anong mangyari mahal pa din kita at paniniwalaan ko lahat ng sasabihin mo." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang unti unti niyang pagngiti.

"Thank you Tristan." Nakangiting sabi niya.

"Tristan? Parang iba yung itinawag mo sa akin kanina." Pang aasar ko sa kanya at agad naman siyang namula.

"Ewan ko sayo!" Nahihiyang sabi niya kaya natawa ako.


-------------

* Jisoo's PoV

Niyakap ako ni Tristan bago halikan ang tuktok ng ulo ko.

Alam ko sa sarili ko kung bakit nakalock ang pinto nun at ang nangyaring paghalik sa akin ni Troy pero hindi ko magawang aminin sa kanya. Ayaw kong magalit siya sa pinsan niya lalo na sa akin.

Im sorry Tristan..

"Si Ethan?" Tanong niya habang hindi pa din kumakalas sa pagkakayakap sa akin.

"Tulog pa din. Napagod siguro sa pamamasyal kahapon kasama ang mama mo." Sagot ko at bahagya pang sinilip ang mukha niya. "Gusto mo bang ikuha na kita ng damit?"

Narinig ko ang pagtawa niya kaya napangiti ako.

"Bakit? Gusto mo na ba akong magdamit?" Balik tanong niya kaya hinampas ko siya sa braso niya.

"Nagtanong ako tapos nagtanong ka din." Naiiling na sabi ko.

Sana ganito na lang palagi. Walang problema. Walang iyakan. Yung masaya lang kami at maging isang ganap nang pamilya kasama ang anak namin.





------------

Sorry po sa matagal at sabaw na update. Pagtiyagaan niyo na huehue. Busy lang sa work. Sana suportahan niyo pa rin ito.. Thanks!!

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now