Chapter 10

1.6K 83 117
                                    

* Tristan's PoV

Pinagmamasdan ko si Jisoo na ngayon ay naglilinis dito sa sala. Dapat ay aalis ako pero nung nakita ko si Carlo na lumabas sa kwarto niya ay hindi ko na magawang umalis. Hindi ko alam pero natatakot akong mahalikan siya ng kahit sino sa mga pinsan ko lalo na ng kapatid ko.

Alam ko namang di hamak na mas magaling silang humalik kaysa sa akin dahil mga playboy ang mga yun. Paano kung hanap hanapin ni Jisoo ang halik nila at kalimutan niyang ako ang first kiss niya? Ang mas malala pa ay kung ang mga pinsan ko mismo ang maghanap sa halik niya.

Para sa isang first timer ay magaling siya. Kaya nga heto ako ngayon at binabakuran na siya.

"Hmm. Tristan." Tinignan ko lang siya nung tawagin niya ako. Pinigilan ko ang sarili kong tignan ang labi niya dahil baka hindi ko na naman mapigilan. "Akala ko ba aalis ka?"

"Pinapaalis mo ba ako?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi ah! Ito naman, nagtatanong lang. Ang sungit mo." Lihim akong napangiti nang makita kong sumimangot siya.

Umupo siya sa tabi ko at nilapit ang mukha sa akin kaya naman bigla akong napaatras. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"A-ano bang ginagawa mo? Maglinis ka nga doon!" Pinilit kong wag ipahalata na kinakabahan ako sa presensiya niya.

"Akala ko ba bati na tayo?" Nakasimangot na tanong niya. "Tsaka, ano kasi eh." Napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya naman napatingin din ako sa labi niya na bahagya pang nakaawang.

Shit Jisoo! What are you doing?!

"Lumayo ka nga! Nakakaasiwa ka!" Sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo ko.

"Nakakaasiwa daw. If i know nagpipigil ka lang." Bulong niya pero hindi ko na masyadong naintindihan.

"May sinasabi ka?"

"Wala po! Sige na, sa taas naman ako maglilinis." Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na siya nakita. Sobrang lala ko na. Kailangan ko na yatang lumayo sa kanya.

Umakyat ako sa taas para magkulong na lang sa kwarto. Kinakabahan na ako sa nararamdaman ko. Hinanap ng mata ko si Jisoo pero wala siya. Tignan mo yun, kung saan saan na naman nagpunta.

"A-aray!" Bigla akong napalingon sa kwarto ni Benedict ng marinig ko ang sigaw ni Jisoo. "D-dahan dahan lang Benedict."

Biglang nanlaki ang mga mata ko. Anong ginagawa nila doon?!

Bubuksan ko na sana ang kwarto ni Benedict pero napatigil ako ng marinig ko ang boses ng pinsan ko.

"Shh. Stay still Jisoo. Malapit na. Ito na."

Hindi ko na napigilan at bigla ko ng binuksan ang pintuan ng kwarto ni Benedict. Takang taka sila ng makita ako.

Nakaupo sa sofa si Jisoo at nakahawak si Benedict sa paa niya.

"Anong problema Tristan?" Kunot noong tanong sa akin ni Benedict.

"A-anong ginagawa niyo?"

"Ah, ito kasing si Jisoo eh inaabot yung dingding sa hallway para daw malinisan tapos ayun nahulog sa hagdan kaya minasahe ko ang paa. Bakit?"

Pakiramdam ko ako na ang pinakanakakahiyang tao sa mundo. Seriously?! Ano ba itong nangyayari sa akin? Huminga ako ng malalim bago ako lumabas. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.

Pumasok na ako sa kwarto ko at padapang humiga sa kama. Nakakahiya! Napabangon ako ng marinig ko na may kumatok sa pintuan.

"Sino yan?" Walang sumagot kaya naman tumayo ako at tinignan kung sino ang taong istorbo. "Jisoo?"

"Kukunin ko lang yung mga labahin mo. Maglalaba kasi ako." Nakayukong sabi niya.

Umalis ako sa harapan niya para kunin ang mga labahin ko pero sumunod pala siya sa akin.

"Sorry." Napatingin ako sa kanya ng magsorry siya. "Alam ko naman kung ano yung tumatakbo sa isip mo kanina. Hindi ko naman inaakit ang pinsan mo. Promise, sabi ko nga wag na niya akong masahihin kaso mapilit siya."

"Bakit nagsosorry ka?" Hindi ba't ako dapat ang humingi ng tawad dahil sa maduming pag iisip ko?

"Dahil sinabi ko nang ititigil ko ang tungkol sa plano pero heto ako. Sorry talaga."

"No. I should be the one apologizing now. Sorry kasi inisip kong yun nga ang ginagawa niyo." Nahihiyang sabi ko.

Nang tignan ko siya ay nakangiti na siya sa akin pero hindi ko nakikita ang saya sa mga mata niya.

"So, totoo nga? Yun ang iniisip mo kanina? Na isa akong maduming babae? Na magpapagamit sa mga pinsan mo o kung kanino pa? Alam mo ba? Ang iniisip ko kanina kaya ka biglang pumasok ay dahil nag aalala ka sa akin dahil sumigaw ako." Bigla akong nataranta ng makita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata.

"No! Hindi ganun yun." Lalapitan ko sana siya pero bigla siyang lumayo sa akin.

"Okay lang. Kukunin ko na yung mga labahin mo sir." Pagkakuha niya ng basket ay paika ika siyang naglakad palabas.

Shit! Anong ginawa ko?

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now