* Jisoo's PoV
Ilang araw na din ang lumipas mula noong family dinner namin. Masasabi kong okay na kami ulit ni Tristan. He's being sweet and I'm not complaining about it.
"Papasok na ako. Mag ingat kayo ni Ethan dito okay?" Paalam niya.
"Yes. Ingat ka ha." Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. May binulong din siya kay Ethan at hinalikan din ito bago tuluyang umalis.
Two days na din ang lumipas mula nang lumipat kami dito sa bahay na bigay ng Daddy niya. Malaki siya para sa aming tatlo. Hindi kasi ako pumayag na kumuha pa ng katulong, gusto kong maging hands on sa mag ama ko, isa pa wala na din naman na akong trabaho kaya okay lang din.
Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ng marinig kong tumunog ang door bell. Sinilip ko si Ethan sa sala na busy sa paglalaro.
"Mrs. Silva." Bati ko sa mama ni Tristan ng siya ang bumungad sa akin pagbukas ko nang pinto.
"Where is my grandson? Mamamasyal kami."
Agad kong pinaliguan at inayusan si Ethan. Panay ang tingin ko sa orasan dahil feeling ko kanina pa namin pinaghihintay ang Lola niya.
"Mama, hindi ikaw sasama?" Tanong ni Ethan habang bumababa kami ng hagdan.
"Hindi na baby. Marami pang gagawin si mama eh. Enjoy ka with Lola okay?"
"Okay po. Ingat ka dito mama ha." Napangiti ako sa kanya at marahang tumango.
Pag alis nila ay naglinis ako nang buong bahay. Aakyat na sana ako sa kwarto para maligo ng biglang may nag doorbell.
Agad akong lumapit sa pintuan sa pag aakalang bumalik na sila Ethan pero nagulat ako nang makita kung sino ang dumating.
"T-troy." Gulat kong tawag sa pangalan niya.
"Si Tristan?" Naamoy ko agad ang alak sa bibig niya kaya alam kong nakainom siya.
Halata ding medyo lasing na siya.
"Wala pa. Nasa opisina pa. Anong ginagawa mo dito?"
"Ang anak niyo? Nandyan ba?" Imbes na sagutin ako ay nagtanong pa siya ulit.
"Wala si Ethan. Sinama ng mama ni Tristan sa mall. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit.
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak papasok sa bahay. Nilock niya pa ang pintuan kaya kinabahan ako.
"Anong ibig sabihin nito Troy?" Kinakabahan kong tanong.
"Bakit? Bakit si Tristan lang ang naka score sayo noon? Naging tayo din naman di ba?" Nakangising tanong niya.
"Tumigil ka nga Troy! You're drunk! Umalis ka na dito!"
Unti unti siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako.
"Pwede namang ako na lang. Bakit siya pa? Minahal din naman kita, mali. Hanggang ngayon mahal pa din kita Jisoo!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. "Mahal kita pero bakit hindi ako?
"Troy, im sorry." Naluluhang sabi ko.
"Ang sabi ko noon kailangan kitang gantihan kapag nagkita ulit tayo pero hindi ko kaya because the moment i saw you again isa lang ang gusto kong gawin. This."
Nagpumiglas ako nang bigla niya akong halikan sa labi ko. Umiiyak ako habang pinipigilan siya pero masyado siyang malakas. Lalo akong napahagulgol sa pag iyak ng bumaba sa leeg ko ang halik niya.
"W-wag Troy. P-please." Nagsusumamong sabi ko.
Tumigil siya at tinignan ako sa mga mata ko.
"Shit! I-im sorry Jisoo." Pinunasan niya ang mga luha ko. "Shit! What i have done?" Tanong niya sa sarili niya.
------------
* Tristan's PoV
Alas tres pa lang ng hapon pero gusto ko na agad umuwi. Nagtext kasi si Mama na kasama niya ngayon si Ethan at namamasyal sila. Alam kong bored na si Jisoo dahil mag isa lang siya sa bahay. Iniisip ko din na perfect timing ito para sundan si Ethan hahahaha.
Dahil sa naisip ko ay lalo akong na excite kaya naman nag undertime na ako wala naman silang magagawa dahil anak ako ng may ari.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong napakunot noo ng makita ko ang motor ni Troy.
What is he doing here?
Nagmadali akong pumasok sa loob pero nakalock ang pintuan. Kinapa ko agad sa aking bulsa ang susi nang bahay at agad binuksan ang pintuan.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa dalawang tao na nakatayo sa harapan ko.
