* Jisoo's PoV
Isang linggo na ang lumipas nang makauwi kami galing sa camping. Ang totoo niyan ay hindi ko na enjoy iyon. Araw araw akong binubwisit ng Aya na yun. Tss. Ang init init ng ulo niya sa akin kahit ang totoo ay doon ko lang siya unang nakita sa camping. Ang sabi sa akin ni Jennie ay siya daw ang queen bee sa school kaya hindi ko malaman kung bakit ang init ng ulo niya sa akin eh walang wala naman ako kumpara sa kanya. Kaloka.
Nagpiprito ako ng hotdog ng mapatingin ako sa orasan na nandito sa kitchen. Napailing na lang ako. Si Carlo ang may pinaka maagang pasok ngayong araw pero hindi pa din siya bumababa. Kanina ko pa siya kinatok sa kwarto pero hindi sumagot ang loko kaya pinagbigyan ko pa saglit. Naka limang beses na akong balik sa kwarto niya pero wala pa din siya.
Tinapos ko na agad ang pagluluto at umakyat ulit sa taas para gisingin na siya.
"Carlo!!" Sigaw ko habang kumakatok. "Carlo! Bangon na! Malelate ka na!" Pero wala pa ding sumasagot kaya no choice, kailangang ko na itong pasukin. "Papasok na ako ha!" Paalam ko pa.
Pagpasok ko ay nagulat ako dahil sa isang hubad na katotohanan. Nanlaki ang mga mata ko at naitakip ko sa aking bibig ang dalawang kamay ko.
Kitang kita ko lang naman ang natutulog na si Carlo na walang damit pang itaas. Oh shit! Ang abs! Ang mahiwagang abs! Lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang bahagya siyang gumalaw kaya naman bago pa siya dumilat ay tumalikod na ako sa kanya at sumigaw.
"Carlo! Gumising ka na nga! Tsaka, m-magdamit ka nga!" Naninigaw na sabi ko pero damang dama ko pa din ang lakas ng tibok ng puso ko.
"J-jisoo?" Ang husky pa ng boses! Bwiset!
"Oo ako ito! Hindi ka nananaginip." Sagot ko habang nakatalikod pa din. "Dalian mo na dyan. Malelate ka na."
"Bakit nakatalikod ka?" Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang boses niya sa gilid ko.
"Ay abs!" Gulat kong sigaw nang humarap ako sa kanya. "Lumayo ka nga!" Nilayo ko gamit ng kamay ko ang mukha niyang halos dumikit na sa mukha ko.
"Abs?" Natatawang ulit niya sa sinabi ko. "Nakadamit na ako. Still can't forget the view you saw earlier?" Mapanuksong tanong niya.
"Che!" Sigaw ko at tumakbo na palabas ng kwarto niya.
Bwisit na yun.
"What are you doing there?"
"Ay abs!" Nakakagulat naman itong si Red! Kung saan saan sumusulpot.
"Pinakita niya ang abs niya sayo?" Ewan ko pero parang nagalit si Red. Anyare sa isang ito?
"H-hindi ah! Aksidente ko lang siya nakita kasi ginising ko." Depensa ko.
