* Jisoo's PoV
Busy ang lahat dahil biglang dumagsa ang customers dito sa resto. Sa pagkakarinig ko ay dumating ang anak ng may ari nitong resto at kasama daw ang mga kaibigan niya. Ngayon ay nasa kitchen ako at tumutulong sa pagprepare ng mga orders.
"Jisoo." Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Ms. Trina. Branch manager namin. "Ikaw na muna ang bahalang magserve sa bar area. Nandoon si Sir Ryan at ang mga kaibigan niya."
"Sige po ma'am."
Agad na itinuro sa akin ni Ms. Trina ang mga iseserve ko. Nilagay ko ito sa food cart at saka naglakad papunta sa bar area. Medyo maingay kahit sila lang naman ang nasa loob.
Pagbukas ko ng pintuan ng bar area ay bigla akong napayuko nang may matapakan ako. Pinulot ko ito at nakita ko ang isang relo. Siguro isa ito sa mga kaibigan ni Sir Ryan o kaya kanya mismo.
"Excuse me miss, sa akin ang relong yan." Hindi ako kaagad napatingin sa nagsalita.
Ang boses na yun..
"Miss?" Tinignan ko ang nagsalita at pareho kaming nagulat ng makita ang isa't isa. "Jisoo?"
"R-red.." Bigla tuloy akong kinabahan. Napatingin ako sa likod niya at nakita ko doon ang mga pinsan niyang gulat ding nakatingin sa akin.
"Jisoo!" Nang marinig ko ang boses ni Tristan ay bigla akong tumakbo palabas.
Hindi pa ako handang makita sila. Bakit ang bilis naman? Hindi ko na pinapansin kung sino ang mga nakakabungguan ko ang mahalaga sa akin ay ang makaalis sa lugar na ito pero nabigo ako ng may humablot sa braso ko.
"Trying to escape again?" Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Tristan.
Not now Tristan..
Napatingin ako sa paligid. Nandito kami malapit sa locker ng mga crew. Pinilit kong kumawala sa kanya pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
"Tristan." Hinarap ko siya at talagang kinabahan ako ng makita ko ang matalim niyang titig sa akin. "Let me go. Please." Pakiusap ko.
"I have so much questions to ask you Jisoo." Seryosong tugon niya sa akin. "Ano? Ganoon na lang yun? Pagkatapos ng nangyari sa atin ay iniwan mo ako. Ano yun? Anong ibig sabihin noon!" Nagulat ako ng sumigaw siya. "Pinaasa mo ako! Pinaasa mo kaming lahat!"
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.
"I'm sorry Tristan." Naiiyak kong sabi.
"Sorry?" Tumawa siya ng peke. "Pagkatapos mo kaming lokohin? Yan lang ang sasabihin mo? We need an explanation Jisoo!"
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan. Lalo akong naiyak dahil hindi ganito ang paghalik niya sa akin noon. Ramdam ko ang pinaghalong sakit at hinanakit niya sa akin.
"Tell me." Napapikit ako ng bumulong siya sa akin. "Sino ang mas masarap at magaling humalik sa amin ng mga pinsan ko ha? Ilan ba kaming nakagamit sayo?"
Gulat akong napadilat at sinampal siya.
"Ang kapal ng mukha mo." Lalo akong naiyak. "Alam kong alam mo na ikaw ang nakauna sa akin."
"Talaga? Okay, sino ang sumunod?" Nainsulto ako sa tanong niya.
"Bakit interesado ka?" Kung ganito ang gusto niya sige, pagbibigyan ko siya. "Itatanong mo din ba kung sino sa inyo ang mas magaling?"
Lalong sumama ang tingin niya sa akin. Nagulat ako ng bigla niya akong itulak at isandal sa pader. Sumakit ang likod ko pero hindi ko iyon ipinakita sa kanya.
"Akin ka lang Jisoo. Ako lang dapat."
Bigla niya akong hinila. Nang makarating kami sa parking lot ng restaurant ay isinakay niya ako bigla sa sasakyan niya.
"Saan mo ako dadalhin? Tumigil ka nga Tristan!"
Hindi niya ako pinansin at sa halip ay binilisan ang pagmamaneho. Huminto kami sa isang building. Nalaman ko na lang na nasa condo unit niya pala kami.
"Anong gagawin mo sa akin?"
Hindi niya ako pinansin. Pagkasarado niya ng pintuan ng unit niya ay bigla niya ulit akong hinalikan. Nagpupumiglas ako pero sadyang malakas siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nandito na kami sa kwarto niya at nakahiga sa kama.
"I've waited you for so long Jisoo." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "Ang tagal kitang hinintay. I missed you so much." Nagulat ako ng makita ang pangingilid ng luha niya.
Nang marinig ko ang mga salitang iyon ay alam kong natalo na naman ako. Natapos ang gabing iyon na nag isa na naman kaming dalawa. May nangyari na naman at hindi lang isang beses kundi tatlo.
Naluluha ko siyang tinignan habang natutulog siya ng mahimbing. Ano ang gagawin mo kapag nalaman mong may anak na tayo? Tatanggapin mo ba siya? O ilalayo mo sa akin?
Nakatulog na din ako dahil sa sobrang pag iyak at pagod.
