* Jisoo's PoV
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Napangisi ako. Ngayon na. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ko. Ang masimulan ang planong noon ko pa sana ginawa.
Lumabas ako sa kwarto ko na tanging white sando at maikling short lang ang suot. (Of course with undergarments). Nagsimula na akong magluto ng almusal at nang marinig ko na ang mga boses at yapak ng magpipinsan palapit sa akin ay bahagya kong binaba ang strap ng sando ko sa left side. Nagkunwari akong abala sa pagluluto.
"What the hell?"
"Oh fuck."
"I'm going to bathroom."Napangisi ako ng marinig ang kani kaniya nilang bulong. Nakatalikod ako sa kanila kaya ng hinarap ko sila ay lalo silang napanganga.
"Good morning. Breakfast is ready." Nakangiting sabi ko.
Lahat sila ay hindi makatingin ng diretso sa akin kaya napangiti na naman ako.
"Why are you wearing that?" Kunot noong tanong ni Tristan pero kita ko pa din sa mga mata niya ang pagnanasa.
"Hindi pa kasi ako nakakapaglaba eh." Pagsisinungaling ko.
Tahimik kaming kumain ng almusal na talaga namang nakakapanibago. Parang nagpapakiramdaman pa kami. Parang hindi kami magkakakilala. Binilisan ko na ang pagkain at naligo na para sa pagpasok. Paglabas ko sa sala ay nandoon na silang lahat.
"Hmm. Kanino pwedeng sumabay?" Nakangiting tanong ko.
Lahat sila ay nakangiting nagtaas ng kamay kaya naman kunwari ay nag isip pa ako kung kanino sasabay.
"Kay Red ako sasabay." Nakangiting sabi ko.
Nakita ko pa ang panlulumo sa mukha nang iba habang si Red naman ay nakangisi.
Ganyan nga. Mahalin niyo akong lahat para mapabilis ang mga plano ko.
Kwento ng kwento si Red habang nasa biyahe kami. Hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya kaya naman tumatawa na lang ako kapag natatawa siya.
Sino kaya ang magandang unahin?
Nahihirapan akong pumili kung sino ang uunahin ko dahil marami sila. Napatingin ako kay Red na nakangiti lang habang nagdridrive.
"Mukhang masaya ka ha?" Puna ko at nakangiti pa din siyang lumingon sa akin.
"Maganda lang ang gising ko." Natatawang sagot niya.
Tss. Maganda kasi may sexy kang nakita at sayo ako sumabay.
"Oh my god Red!" Sigaw ko at humawak sa hita niya nang bigla siyang magpreno.
Napangisi ako ng maramdaman ko ang pag angat ng hita niya at ramdam ko ding natigilan siya.
"A-are you okay?" Natetense niyang tanong. "Bakit ka sumigaw?"