* Jisoo's PoV
Nag aya si Tristan na magbakasyon sa Batangas kaya naman excited na excited si Ethan. Gusto daw kasi niyang maligo sa dagat para magamit niya ang biniling swim wear ng Lola niya. Napangiti ako ng humalakhak silang dalawa ng Papa niya. Yun lang naman ang gusto ko ang sumaya silang dalawa.
"Mama tara na!" Tawag sa akin ni Ethan kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila sa kotse.
"Ilang araw tayo doon?" Tanong ko kay Tristan habang nagmamaneho siya.
"I'm not still sure. Depende siguro." Kibit balikat niyang sagot.
After ng ilang oras na biyahe ay nakarating din kami sa rest house na binili niya dito.
"Wow. Sayo ito Papa?" Tanong ni Ethan ng makababa kami sa kotse.
"Sa atin ito baby." Nakangiting sagot ni Tristan at binuhat si Ethan.
Pumasok na kami sa loob habang si Mang Carding naman ang bahala sa mga gamit namin.
"Did you like it?" Tanong sa akin ni Tristan at naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod.
"Oo naman." Nakangiting sagot ko. "Pero parang masyado naman yatang malaki ito?"
"I want us to have a big family that's why." Natatawang sagot niya.
"Ewan ko sayo." Naiiling na sabi ko.
Naghanda ako ng miryenda para sa mag ama na kanina pa naliligo sa dagat. Napailing na lang ako pagkatapos kong ilapag ang tray sa may cottage na naroon.
Nakangiti silang tumakbo palapit sa akin at hindi ko maiwasan ang pamulahan ng mukha ng makita ang itaas na bahagi ng katawan ni Tristan. Kitang kita ko tuloy ang six pack abs niya.
"You can touch it if you want." Nabalik ako sa katinuan ng marinig ang bulong ni Tristan.
Napailing na lang ako at inaya na silang magmiryenda.
Kinagabihan ay nanood kami ng movie sa sala pagkatapos magdinner. Tawa ng tawa si Ethan dahil panay ang kiliti sa kanya ni Tristan. Nang matutulog na ay nag away pa ang mag ama. Gusto kasi ni Ethan ay tabi kami matulog pero ayaw din naman paawat ni Tristan kaya naman napagdesisyunan nila na matulog na lang kaming tatlo sa iisang kwarto.
"I love our son pero ngayon naiinis ako. Imbes na makaisa ako nabulilyaso pa." Natawa ako sa sinabi ni Tristan.
Mahimbing ng natutulog si Ethan sa gitna namin. Binalingan ko ulit ng tingin si Tristan na ngayon ay nakabusangot.
"Let's sleep. Marami pa namang araw."
"Yeah right." Bugnot niyang sabi.
Kinabukasan ay nagising ako na wala na ang mag ama sa aking tabi. Lalabas na sana ako ng kwarto ng mahagip ng aking paningin ang isang malaking box. Kinuha ko ang maliit na papel sa ibabaw nito at binasa.
I love you..
Yun lang ang nakasulat at alam ko na agad na kay Tristan iyon galing. Bubuksan ko na sana ang box ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok ang tatlong babae at isang bakla.
"Sino kayo?"
"Good morning madame!" Nakangiting bati ng bakla.
Inutusan nila akong maligo at pagkatapos noon ay sinimulan na akong ayusan ng bakla. Hanggang ngayon ay wala pa din akong ideya kung ano ang mangyayari.
"May event ba?" Tanong ko pero nginitian lang nila ako.
Yung isang babae ay abala sa pagmamanicure at pedicure sa akin. Yung bakla sa make up at yung isa pang babae ay abala sa buhok ko. Gusto ko ng makita si Tristan at itanong kung ano ba ang nangyayari pero mula pa kaninang magising ako ay hindi ko pa siya nakikita.
Nang makita ko ang hitsura ko sa salamin ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Ngayon lang ako naayusan ng ganito.
"Isuot mo na ito madame."
Inabot sa akin ng bakla ang gown na laman ng box kanina.
Gown?
Ano ba talaga ang meron?
Tinignan ko ulit ang sarili sa salamin. Simple lang ang gown. It's a white tube dress na saktong sakto sa aking katawan. Nilagyan din nila ako ng flower crown sa ulo at inabutan ng isang bouquet.
"Best wishes madame." Nakangiting bati nila ng lumabas na kami ng rest house at bumungad sa aking harapan ang mga importanteng tao sa aking buhay.
Ang mga pinsan ni Tristan, ang kanyang mga magulang, ang kanilang lolo, ang aming anak at ang lalaking mahal ko.
Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha.
Beach wedding huh?
Sinabayan ko ng paglakad ang pagsisimula ng kantang paborito ko. Hindi ko alam kung kailan ginawa ito ni Tristan dahil wala naman ang mga ito kagabi. I was so surprise and I'm very much happy now. Thinking that i'll marry Tristan means so much for me.
"I love you so much, my beautiful bride." Nakangiting bati sa akin ni Tristan ng makarating ako sa kanyang harapan.
"I love you too, my handsome groom." Naiiyak na sabi ko.
Ngayon masasabi ko ng masaya ako at wala ng kailangang balikan sa nakaraan. Mas importante na sa akin ang ngayon pati ang kinabukasan kasama ang magiging pamilya ko.
~ THE END ~
--------------
The end na talaga siya! Sorry guys. Ang tagal kong hindi nag UD dito tapos last na pala. Sorna! Sana wag kayong magalit. Maraming salamat sa pagsuporta!!