* Jisoo's PoV
Nakakainis! Nakalimutan kong may special quiz nga pala kami ngayon hindi tuloy ako nakapag review. Pagkatapos ibigay ng professor ang questionnaire sa amin ay nakatulala na lang ako. Hindi kasi ako masyadong nakinig sa mga nagdaang lectures dahil marami akong iniisip. Tulad na lang noong nangyari last week. Umuwi sila Troy at Kristoffer na may mga pasa sa mukha at katawan. Malakas ang kutob kong nakabangga na naman nila ang grupo nila Ace. At isa pa si Ace. Hindi na siya nagpapakita sa akin. Text ako ng text sa kanya pero wala akong natatanggap na reply, nag aalala ako sa kanya lalo na't wala ang mga parents niya dito sa bansa.
Napailing ako at nagsimula ng magsagot. Siguro naman kahit papaano ay may stock knowledge ako hindi ba?
Napapikit ako ng maramdaman kong sumakit ang ulo ko. Isa pa ito sa iniisip ko. Madalas sumakit ang ulo ko na hindi naman nangyayari noon. Siguro dahil sa pinaghalong puyat at pagod kaya ko ito nararamdaman.
"Are you okay?" Hindi ko napansin na nakalapit na pala sila Tristan sa akin. Nandito pa din kami sa classroom at kalalabas lang ng prof namin.
"Okay lang. Uuwi na ba kayo?" Tanong ko at ininda na lang ang sakit ng ulo ko.
Pero pagtayo ko ay bigla akong napahawak sa upuan ko. Parang bigla akong nahilo at nanghihina din ako. Feeling ko kapag tumayo ako ulit babagsak na ako ng tuluyan.
"Hey, are you sure you're okay?" Dinig kong tanong ni Red.
"Namumutla ka Jisoo." Nagulat ako ng kapain ni Kyle ang leeg ko. "Oh shit! Ang taas ng lagnat mo!"
Doon ko lang napakiramdaman ng mabuti ang sarili ko. Kinapa ko ang sariling leeg ko at nilalagnat nga ako. Namanhid na yata ang katawan ko dahil sanay naman ako noon na nagtatrabaho kahit may sakit dahil kailangang kailangan ko ng pera.
Hinilot ko saglit ang sintido ko at bumuntong hininga. Nanghihina talaga ako.
"Can you walk?" Dinig kong tanong ni Benedict.
"Kaya ko pa." Sagot ko at tatayo na sana nang pigilan ako ni Tristan.
"I know you can't. I'll carry you." Hindi na ako nakaangal pa dahil binuhat niya na ako.
Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadaraanan namin. Nakakahiya man pero ayaw ko ring bumaba mula sa pagkakabuhat sa akin ni Tristan dahil lalo kong nararamdaman ang hilo. Nakasunod lang sa amin ang ibang pinsan niya.
-------------
* Tristan's PoV
Nang makauwi kami sa mansyon ay tulog na si Jisoo. Sobrang init niya at hindi ko maiwasan na hindi mag alala. Sa guest room namin siya dinala para malapit lang sa kwarto namin at mabantayan namin ng maigi.
Napailing ako ng maihiga ko siya sa kama. Hindi niya inaalagaan ang sarili niya. Kinumutan ko siya ng mapansin ang legs niya.
"Wala ng gamot para sa lagnat sa first aid kit. I'll go to drug store to buy." Sabi ni Red ng pumasok siya dito sa kwarto.
