* Jisoo's PoV
Maaga akong nagising kahit mamaya pang 10 am ang start ng klase ko. First day ko ngayon sa university na pagmamay ari ng mga Silva kaya dapat na maghanda ako. Balak ko ding libutin muna ang buong university para hindi na ako maligaw sa mga susunod na araw.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, tiniyak kong maganda ako dahil alam kong mahilig ang mga Silva na iyon sa mga magaganda at sexy. Imbes na red lipstick ay lipgloss lang ang ginamit ko. Nang makuntento na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako ng apartment para pumasok.
Naglakad lang ako since walking distance lang naman. Kailangan kong magtipid dahil nag resign na ako sa fast food chain na pinapasukan ko dati. Konti na lang din ang nasa bank account ko kaya naman tiis tiis muna.
Malapit na ako sa campus nang makita ko ang labindalawang naggagandahang mga sasakyan na sunod sunod na pumasok sa loob. Napangiti ako dahil nasisigurado kong ang mga Silva iyon.
Pagpasok ko sa campus ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha. Sobrang laki ng school na ito. Feeling ko hindi ko ito malilibot sa loob ng isang araw lang.
Dito ba napunta lahat ng ninakaw at inagaw nila sa pamilya namin?
Napangiti ako ng mapait at naglakad ng muli. Una kong hinanap ang cafeteria dahil nagugutom na ako. Hindi kasi ako nagbreakfast sa bahay. Sa sobrang mahal ng mga pagkain ay isang slice ng chocolate cake at isang pineapple juice lang ang nabili ko. Jusko! Pagkain pa lang mamumulubi na ako. Mabuti na lang talaga at nakapasa ako bilang scholar. Ang problema ko na lang ay ang pang baon at ibang project namin.
Naupo ako sa pinakagilid na mesa dahil masyadong marami ang estudyante ngayon dito. Ayaw kong mapansin ng iba kaya naman nagtago ako sa gilid kung saan walang nakaupo.
Hindi naman ako ganito dati. I mean, mabait ako, masayahin. Marami akong kaibigan, mapagmahal na anak pero simula ng mangyari sa amin iyon ay puro galit na lang ang naramdaman ko. Idagdag mo pa ang mga akala kong kaibigan ko at mga kamag anak namin na iniwan ako ng maghirap kami. Simula noon ay naging malayo na ako sa mga tao. Hangga't maaari ay ayaw kong makipag usap o makipagkaibigan pero gagawin ko ngayon dahil kailangan kong mapalapit sa mga Silva.
Napatingin ako sa mga estudyante na ngayon ay nagsisigawan at nagkakagulo. Pagtingin ko sa entrance ay isa isang pumasok ang mga Silva kaya naman napailing ako. Ano ito? F12? Tss. Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy na sa pagkain. Saka na ako gagawa ng hakbang kapag busog at may energy na ako. Hindi naman pwedeng agad agad ko silang lapitan. Let's take it slowly.
After ko kumain ay pumunta na ako sa room ko. Nandoon pa din ang magpipinsang Silva at nagtatawanan. Go boys, enjoyin niyo na ang mga maliligayang araw niyo.
Pagkarating ko sa classroom namin ay kaunti pa lang ang nandito. Since loner nga ako ay sa likod ako naupo.
Nakarinig ako ulit ng mga hiyawan pero hindi na ako nag atubiling tignan pa dahil alam ko na kung sino ang mga tinitilian nila. Naagaw lang ang atensyon ko nang dito ko na mismo marinig sa loob ng classroom ang hiyawan. Pagtingin ko sa harapan ay nakita ko ang limang Silva. Alam kong lima sa kanila ay architecture din ang course pero hindi ko akalaing magiging classmate ko pala sila. Napangiti ako ng palihim. Umaayon lahat sa plano ko.
Sila Kyle Palermo Silva, Red Silva Aragon, Benedict Silva Aragon, Troy Yuan Silva at Tristan Palermo Silva ang nandito ngayon.
Pagdating ng professor namin ay ako agad ang napansin niya at sinabing magpakilala ako sa buong klase since late na akong pumasok ng one week which is sinadya ko talaga. Nagpaalam ako sa registrar na uuwi muna ng probinsya dahil namatay ang lola ko and thanks god ay naniwala naman sila.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko bago ko isa isang tinignan ang mga Silva. Ngumiti ako ng matamis nang maagaw ko ang atensyon nila.
"Hi im Jisoo Trinidad. Please, be nice to me." Nag vow ako at sinadya kong ipakita ang cleavage ko since nasa harapan ang mga Silva. Nang tignan ko sila ay mga nakangisi na sila.
Umupo ako ulit ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Lalo pa akong napangiti ng lingunin nila ako maliban na lang doon sa Tristan.
Mukhang hindi ako mahihirapan sa apat na to.
