Chapter 31

1.5K 67 12
                                    

* Jisoo's PoV

"Kyle." Alam kong mali pero hindi ko maiwasang hindi mag isip.

Gusto kong itanong kung talaga bang minahal niya ako. Kung oo, mahal niya pa rin ba ako hanggang ngayon?

Kyle is a great guy. I want him to move on. Ayaw kong sayangin niya ang panahon niya para sa akin. I don't deserved him.

"Kyle, i want to ask you something."

"Yes." Napatigil ako dahil sa narinig ko. "My answer is yes, Jisoo. I still love you." Sabi niya na para bang nabasa ang nasa isip ko. "I'm still inlove with you."

His eyes says it all. I can clearly see the pain, longing, sincerity and love in his eyes. I wanted to hug him para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Nasaktan ko na siya noon at ayaw ko nang maulit ulit.

"I'm sorry Kyle. Sorry kung nasaktan kita at nasasaktan pa din hanggang ngayon." Sa hindi malamang dahilan ay naiiyak ako.

Why do i deserved this kind of man? Kung hindi ko kaya itinuloy ang plano ko noon mangyayari kaya lahat ito? Masasaktan ko pa din ba sila? Tama nga ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

"Don't be sorry." Kung hindi pa niya pinunasan ang mga luhang tumulo sa pisngi ko ay hindi ko malalamang umiiyak na pala ako. "It's my choice." Ngumiti siya pero hindi iyon ang nakikita ko sa mga mata niya. He's sad. "It's my choice to love you even though I'm hurting."

Nagulat na lang ako nang biglang matumba si Kyle. Gulat akong napatingin kay Tristan na ngayon ay masama ang tingin sa kuya niya.

"What the hell Kuya?!" Galit na sigaw niya. "We already talked about it right?"

"Tristan." Saway ko sa kanya. "Kyle, are you okay?" Tanong ko kay Kyle nang makita kong dumudugo ang gilid ng labi niya.

Lalapit sana ako kay Kyle nang bigla akong hawakan ni Tristan sa braso.

"Don't come near him." May pagbabantang sabi niya.

Naguguluhan ko siyang tinignan. Why is he acting like this? Wala na akong nagawa nang hilahin na niya ako papasok para kunin si Ethan. Nagpaalam na din siyang uuwi na kami.

"Tristan, what's that? Bakit mo naman sinuntok yung kapatid mo?" Tanong ko sa kanya pagpasok sa kwarto namin.

Pinatulog ko na muna si Ethan bago ko siya kinausap. Kahit ang bata naguguluhan kung bakit kailangan naming umuwi agad. He's still enjoying playing with his Lolo and Tito's.

"Narinig ko lahat." Sagot niya habang nakatutok sa laptop niya. "Jisoo, ina ka nang anak ko. Kasal na lang ang kulang sa atin. Tapos ano? Maririnig ko na mahal ka pa din ng sarili kong kapatid? What the hell was that?" Kahit hindi siya nakatingin sa akin ay alam kong naiinis siya. Maybe he's mad.

Napabuntong hininga ako bago ako lumapit sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likod.

"Wag ka nang magalit. Baka naguguluhan lang siya sa nararamdaman niya." Pagpapagaan ko sa kalaooban niya.

"You don't know anything Jisoo." Napabitaw ako sa kanya nang bigla siyang tumayo at humarap sa akin. "Hindi mo alam kung ano yung nangyari sa kanya, sa amin noong iniwan mo kami. And you know what i think? My brother and my cousins are still inlove with you."

Naiwan ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin lang ako sa kanyang likod hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

What did he say?

Parang binibiyak ang utak ko sa pag iisip. Siguro nagkamali lang siya. Imposible naman na ako pa din ang gusto nila. Three years have passed. Maybe naguguluhan lang sila. Napatingin ako sa orasan. Alas diyes na nang gabi pero hindi pa din umuuwi si Tristan mula kanina pagkatapos naming mag usap. Hindi din niya sinasagot ang mga tawag at text ko. Nag aalala na tuloy ako.

Bumangon ako sa kama at bababa na sana para sa sala ko na lang siya hintayin ng bigla naman siyang pumasok.

"Tristan, saan ka galing?" Paglapit ko sa kanya ay agad kong naamoy na amoy alak siya.

Hindi niya ako pinansin at dumiretso na lang sa kama at humiga. Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang sapatos at medyas niya. Pumunta ako sa cr para kumuha nang bimpo at maliit na planggana.

Sinimulan kong tanggalin ang suot niyang polo. Pinunasan ko siya saka binihisan ng bagong sando. Hinaplos ko ang buhok niya. Tulog na tulog siya. Mukhang marami ang nainom niya. Saan kaya uminom ang isang ito?

"Kahit naman mahal pa din nila ako, ikaw pa din ang mahal ko." Bulong ko sa kanya. "I love you, Tristan." Dugtong ko bago siya halikan sa labi.

Humiga na ako sa tabi niya at niyakap siya.



------------------

* Tristan's PoV

Paggising ko ay naramdaman ko agad ang sakit ng ulo ko. Uminom nga pala ako kagabi. Babangon na sana ako nang mapatingin ako kay Jisoo. She's still sleeping peacefully. Bigla tuloy akong nahiya dahil tumabi ako sa kanyang lasing. Napatingin ako sa sarili ko at napangiti na lang ng makitang iba na ang suot kong damit maliban na lang sa pantalon. Nakangiti akong tumingin kay Jisoo. Nahiya pa siyang hubarin pati pants ko eh nakita niya naman na lahat.

"I love you Jisoo." Hinalikan ko siya sa labi bago ako bumangon para maligo.

Nagluto na ako nang almusal namin dahil tulog pa din siya pagkatapos kong maligo. Tinignan ko din si Ethan at tulog pa din ito. Manang mana sa mama niya.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now