Chapter 5

1.8K 86 3
                                    

* Jisoo's PoV

3am pa lang ay gising na ako at papunta na sa bahay ng magiging amo ko. Nag taxi na lang ako dahil medyo marami ang dala ko. Ang ibang gamit ko ay binigay ko na lang sa land lady kaya naman mga damit ko lang ang dala ko. Isang malaking maleta, isang bagpack at isang sling bag.

Sinabi ni VP kahapon na 7am nag aalmusal ang mga amo ko kaya naman dapat nakapaghanda na ako agad ng almusal. Hindi na ako nagulat na pumasok kami sa isang exclusive subdivision. Muntik pa nga kaming hindi papasukin ng guard, buti na lang naalala ko yung gate pass na bigay din ni VP kahapon.

Nang makarating kami sa bahay ay bumaba agad ako. Medyo madilim pa din. Sobrang laki ng bahay na ito. I mean mansyon pala. Nag doorbell ako at pinagbuksan naman ako ng guard.

"Sino po kayo?"

"Hmm. Ako po yung bagong katulong."

"Pangalan mo miss?"

"Jisoo Trinidad po." Tinignan niya ang logbook niya na para bang nakasulat na doon ang pangalan ko.

Pagpasok ko ay sobra akong namangha sa bahay na ito. Sobrang laki talaga niya. May mga halaman ka pang madadaanan bago makarating mismo sa bahay. Mamaya na lang ako maglilibot. Paniguradong mas maganda ito kapag maliwanag na.

Ang sabi ng guard ay nakabukas na daw ang pintuan kaya naman pumasok na lang ako. Ang tahimik ng paligid, malamang tulog pa sila. Pinuntahan ko agad ang magiging kwarto ko na sabi ng guard ay malapit sa kusina.

Hmm. Pwede na. Hindi naman siya ganoon kaliit. Tama lang at maayos naman. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 5am pa lang kaya naman inayos ko muna ang mga gamit ko at nahiga saglit. Sana maging okay ako dito.

At sana...

Kayanin ko ang paglilinis sa ganito kalaking bahay! Kaloka!!

5:45 am ay nagsimula na akong magluto para naman pagdating ng 7 am ay okay na ang lahat.

Tuwang tuwa ako dahil puno ang laman ng ref. Nagprito ako ng hotdog, bacon, ham, itlog at nagsangag ng kanin. Nagtoast din ako ng tinapay.

Tinignan ko ang lamesa at napangiti ng makitang kumpleto na. Ang sabi kasi ni VP ay isang dosena ang nakatira dito. Siguro maraming anak ang mag asawa o kaya naman dito nakatira ang ibang kamag anak nila.

6:45 ako natapos sa pagluluto. Naisipan kong maligo muna para medyo presentable naman ako sa mga amo ko.

Paglabas ko ng banyo ay nakarinig ako agad ng mga nag uusap at nagtatawanan pa. Teka. Bakit parang ang gulo nila masyado? At bakit puro boses ng lalaki ang naririnig ko?

"Nasaan na ba ang bagong maid? I want coffee." Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun.

Minsan lang siya magsalita pero alam na alam ko na kanya ang boses na yun. Sumilip ako ng konti sa pinto at nanlaki ang mga mata ko ng makitang siya nga iyon. No! This can't be!!

Naisarado ko agad ang pintuan nang makita kong palapit dito ang lalaking nanghihingi ng kape.

Si Kyle Palermo Silva.

"Miss! Ano? Hindi ka na ba lalabas dyan? Gusto ko ng kape!" Sigaw niya habang patuloy ang pagkatok sa pinto.

Bakit? Bakit kailangang mangyari ito? At bakit magkakasama sa iisang bahay ang mga tukmol na Silva na ito??

Paglabas ko ng kwarto ko ay gulat na gulat sila nang makita ako. Si Red na noong una ay nagulat pero bigla ding ngumisi. Sila Kyle, Benedict at Troy na pare parehong nagsalita nang "classmate?" Si Carlo na nagsabi naman na "oh, Jollibee girl." Ang iba na hindi ko pa nakikilala at si Tristan na poker face lang habang nakatitig sa akin.

"So, ikaw pala ang bagong maid?" Tuwang tuwa na tanong ni Red.

"Classmate niyo?" Tanong ni Louie Yuan Silva sa mga pinsan niya.

"Yep. Classmate namin siya." Sagot ni Kyle.

Habang kumakain sila ay pinagsisilbihan ko sila. Hindi ko alam kung ano pero ang dami nilang utos! Pwede naman nilang ipaabot sa mga pinsan nila ang mga pagkain pero ako pa ang tinatawag. Oo na! Ako na katulong!

"Kumain ka na din." Feeling ko bigla akong nabuhayan nang marinig ko ang sinabi ni Miko Del Valle Silva.

"No." Napatingin ako kay Alexander Kim Silva nang tumutol siya sa sinabi ni Miko. "Maid is maid. Hindi siya sasabay sa atin." Kung pwede ko lang ibato sa kanya ang hawak kong pitsel ay binato ko na siya.

After kumain nang mga tukmol kong amo ay naghugas na din ako. Ang dami. Ang dami nila pero naisip ko din. Mas okay to. Mas mapapalapit talaga ako sa kanila. Mukhang mabilis ko lang matatapos ang plano ko.

"Need help?"

"Ay plano!" Gulat kong sabi nang biglang may bumulong sa tainga ko nang lingunin ko ay si Carlo pala.

"Anong plano?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Ah wala. Plano yun sa.. Sa ano ko.. Sa buhay! Oo yun nga!" Nginitian ko siya ng alanganin.

"Okay. Kailangan mo ba ng tulong?" Tanong niya ulit.

"Hindi na. Okay na. Tsaka ako ang katulong dito. Relax ka lang."

Nang umalis siya ay bigla akong nagsisisi. Sana nagpatulong na lang ako.

-----------

Katatapos ko lang maglinis ng pinagkainan at paupo na sana nang bigla naman akong tawagin ni Tristan.

"Clean my room." Yun lang at lumabas na ulit siya ng kusina.

Pagod na pagod pa ako pero may utos na naman. Hay buhay!

Mabuti na lang may mga pangalan nila ang mga pintuan dito sa second floor kaya hindi mahirap alamin kung nasaan ang hahanapin mo.

Nang makita ko ang kwarto ni Tristan ay kumatok muna ako. Hindi naman siya sumagot kaya pumasok na lang ako. Wala siya sa loob.

Medyo makalat ang kwarto niya ha. Nagsimula na lang akong maglinis. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan na tingin ko ay banyo kaya naman napalingon ako.

Bigla tuloy akong nagsisi sa ginawa kong paglingon. Bagong ligo siya at nakatapis lang ng tuwalya ang pang ibaba niya. Kitang kita ko ang abs niya na nag hehello sa akin. Napalunok ako dahil ang ganda ng katawan niya.

"Enjoying the view?" Natauhan ako bigla nang marinig ko ang boses niya. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti siya sa akin kaya nag iwas ako ng tingin.

Napaatras ako ng bigla siyang humakbang palapit sa akin. Napatigil lang ako ng maramdaman ko na ang matigas na pader sa aking likod.

Shit! Im trapped!

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now