* Jisoo's PoV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bigla kong naalala lahat ng nangyari kahapon.
Iniligtas nila ako.
Paano ko pa magagawa ngayon ang plano ko kung alam kong iniligtas nila ako? Magagawa ko pa ba?
Yun agad ang mga tanong na naisip ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong ituloy ang plano ko for my parents pero hindi din biro ang ginawa nilang pagliligtas sa akin.
Should i forget it? Itatapon ko na lang ba basta ang mga plano ko? Sasayangin ko na lang ba ang ilang taon kong hinintay para dito?
Napatigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Ngumiti sila at nakahinga ng maluwag ng makitang gising na ako.
"Thanks god you're awake." Punong puno ng pag aalala ang mga mata ni Tristan.
"Tinakot mo kami Jisoo." Napatingin ako kay Carlo. "Wag mo ng uulitin yun. Hindi ka dapat nag iisa."
"I already warned Kier pero hindi ko sigurado kung may balak pa siya so be safe." Sabi naman ni Troy.
"Magpasama ka na lang sa akin kung may pupuntahan ka." Nakangiting sabi ni Red.
"Salamat. Salamat sa inyo." Naiiyak kong sabi. "Akala ko hindi kayo darating." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Salamat kasi nandyan kayo para sa akin."
Nilapitan ako ni Benedict at pinatahan.
"Stop crying Jisoo." Sabi niya.
-------------------
Dalawang linggo na din ang lumipas mula nung insidenteng nangyari sa akin. So far, wala naman ng ginawa ulit sa akin ang grupo nila Ace. Speaking of Ace, sobrang nagalit siya nung nalaman niya ang nangyari sa akin. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa akin. Pinadala daw siya ng leader nila sa isang racing competition noong araw na yun kaya naman hindi niya ako natulungan. Nalaman daw kasi ni Kier na kaibigan niya ako at alam niyang tututol si Ace sa plano niya kaya pinaalis siya.
Gusto na daw sana niyang umalis sa grupo pero hindi siya pinayagan ni Kier kaya naman hiniling na lang niya na wag na akong idamay sa away nila.
"Jisoo." Napatingin ako kay Jennie ng tawagin niya ako. "Kanina ka pa tulala dyan. Okay ka lang?"
"May iniisip lang." Sagot ko.
"Speaking of iniisip, napag isipan mo na ba kung sasama ka sa camping natin?"
