* Jisoo's PoV
Pagkatapos kong magluto ng dinner ay nauna na akong kumain. Tinawag ko na sila para kumain at nang makumpleto na sila ay nagkulong ako sa kusina. Ginawa ko ang lahat para magmukha akong busy. Naisipan kong gumawa ng graham cake kaso wala ng stock kaya bukas na lang siguro ako mamimili.
Hinugasan ko na lahat ng pinaglutuan ko at nilinisan ang kitchen.
"Kumain ka na ba?" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Warren.
"Tapos na. Nauna na ako kanina kasi nagugutom na ako." Nakangiting sagot ko. "Bakit?"
"Kukuha lang ako ng salad."
"Oh, oo nga pala. Sige ako na magdadala doon."
Nilabas ko ang salad na ginawa ko kagabi. Nagrequest silang gumawa ako ulit dahil nasarapan daw sila.
"Ito na ang special fruit salad para sa mga alaga ko." Masayang sabi ko.
"Yun oh!" Sabi ni Harold.
"Alaga? Ano kami hayop?" Masungit na tanong ni Troy pero nginitian ko lang siya.
"Ikaw lang hayop dude." Pang aasar ni Kristoffer.
"Sabayan mo na kaming kumain." Narinig kong sabi ni Tristan pero hindi ko siya pinansin.
"Kain lang kayo dyan. Hindi pa kasi ako tapos maglinis sa kusina."
Pagkatapos kong hugasan lahat pati ang mga pinagkainan nila ay naisipan kong gumawa ng sandwich, kumuha din ako ng chichiria at drinks dahil nanonood pa sila ng movie sa entertainment room.
"Join us here." Aya ni Miko pagpasok ko sa entertainment room.
"Hindi na. Magpapahinga na din ako maaga pa kasi ang pasok bukas. Iwan niyo na lang dito ang mga plato ako na bahala bukas."
Pagdating ko sa kwarto ay nahiga agad ako. Nakakapagod na araw. Pipikit na sana ako para matulog nang marinig kong may kumakatok. Tumayo ako para buksan iyon at si Tristan ang bumungad sa akin.
"Bakit?" Medyo nagtatampo pa din ako sa kanya.
"Im sorry. I didn't mean to hurt you. Sorry talaga Jisoo." Alam ko namang sincere siya at hindi niya sinasadya iyon pero ewan ko ba. Nasaktan kasi talaga ako kanina.
"Kalimutan mo na yun. May sasabihin ka pa ba?"
Saglit niya akong tinitigan bago siya lumapit sa akin at bago pa ako makaiwas ay naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.
"Good night." Sabi niya at umalis na.
Grabe ha! Ganoon ba siya mag good night? Kailangan talaga may kiss pa?
Pagkahiga ko ay natulala ako dahil may na realize ako. Bakit nga ba ako nagpapahalik sa lalaking yun? Loko yun ah! Purkit siya ang first kiss ko kailangan siya na sa second, third, fourth, fifth and so on?
Gusto mo din naman!
Tss. Panira itong si konsensiya! Kunwari nga hindi ko gusto eh!
---------------
* Troy's PoV
Napatingin ako kay Tristan nang bigla siyang tumayo pagkalabas ni Jisoo. Naningkit ang mga mata ko ng lumabas din siya.
Tumayo ako para sundan siya.
"Saan punta mo Troy? Maganda na yung palabas oh." Dinig kong sabi ni Harold.
"Cr lang." Maikling sagot ko.
Pagbaba ko ay walang Tristan na bumungad sa akin. Naisipan kong pumunta sa kusina dahil parang may naririnig akong nag uusap doon. Nakita ko sila Tristan at Jisoo na nakatitig sa isa't isa.
Nanlaki ang mga mata ko ng makitang hinalikan ni Tristan si Jisoo.
Anong meron sa kanilang dalawa?
At bakit gusto kong suntukin si Tristan dahil sa ginawa niya?