Chapter 8

1.6K 87 3
                                    

* Jisoo's PoV

Napapikit ako ng tikman ko ang niluto kong adobo para sa hapunan namin. Ang sarap! Baka makalimutan nila pangalan nila. Teka. Ano nga bang pangalan ko? Hahahahaha.

"Bakit magkasama kayo ni Troy kanina?"

"Ay adobo!" Nasabi ko na lang dahil sa gulat.

Nakakagulat naman kasi itong si Tristan. Tinignan ko siya. Nakatayo lang siya habang hinihintay ang sagot ko.

"May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko para biruin siya.

Imbes na sagutin ang tanong ko ay para akong nanigas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

"Alam ko ang plano mo, Jisoo Trinidad." Nakangising sabi niya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. "Nabasa ko lahat ng nasa notebook mo." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "You want to revenge right? Kaya ka nandito ngayon. Kaya gusto mong lumapit sa amin." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Pero hindi kita papayagan. Hindi mo kami masisira ng mga pinsan ko. Kung iniisip mo na may gusto ako sayo kaya kita hinalikan, nagkakamali ka. Nabasa ko sa notebook mo na gusto mo matutong humalik di ba?"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil sinampal ko siya. Nang tumingin siya sa akin ulit ay hinawakan niya ang kaliwang braso ko.

"Kung ako sayo, kalilimutan ko na ang paghihiganting gusto mo."

Habang kumakain ng hapunan ay tahimik lang ako. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko man lang naisip na pwede niyang mabasa yun? Bakit nakampante ako na ilagay sa side table ang notebook na iyon? Jisoo naman! Bakit nagpahuli ka agad?!

Pero kahit na. Kailangan ko pa rin gumanti kahit siguro hindi na sa kanilang lahat kahit kalahati na lang o kahit isa. Hindi ako papayag na ganito na lang ang kahantungan ng ilang taon kong pagpaplano. Papaniwalain ko si Tristan na ititigil ko na pero ang totoo ay hindi. Saka lang ako titigil kapag may nasaktan na ako sa kanila. Hindi pwedeng ako ang matalo sa laban na ito.

Napabuntong hininga ako. Ang gaga ko naman kasi.

"Are you okay?" Napatingin ako kay Kyle ng tanungin niya ako.

Pagtingin ko sa iba ay nakatingin na din sila sa akin maliban na lang kay Tristan. Tss.

"Okay lang." Nginitian ko sila ng alanganin.

Pagkatapos kong maghugas ay napagdesisyunan kong kausapin si Tristan para paniwalain siya sa panibagong kasinungalingan. Kanina pa siya umakyat sa kwarto niya kaya naman doon ako dumiretso.

Huminga ako ng malalim bago kumatok. Wala akong narinig na sagot pero pumasok pa din ako.

"Tristan?" Tawag ko sa kanya pero wala siya. Narinig ko ang pagpatak ng tubig mula sa shower kaya naupo na lang muna ako para hintayin siya.

Paglabas niya ay wala na naman siyang damit pang itaas. Nakatapis lang ang tuwalya niya sa baywang habang pinupunasan niya ang basa niyang buhok. Nakakaagaw pansin ang abs niya kaya naman tumingin na ako sa mukha niya.

Pero nakakadistract pa din dahil ang gwapo niya! Kainis!

"What are you doing here?" Tnnong niya kaya naman tumayo ako at medyo lumapit sa kanya.

"Im sorry." Panimula ko. "Alam kong mali yun. I mean, sana maintindihan mo ako. Pamilya ko ang nawala kaya gusto kong gumanti." Nakatitig siya sa akin kaya naman medyo nailang ako. "Sana wag mo na itong sabihin sa kanila. Naisip ko kanina na wala din namang magandang mangyayari kung makaganti ako. Sorry Tristan."

Ilang minuto na ang lumipas at wala pa din siyang reaksyon. Nakatitig lang siya sa akin kaya naman naisipan kong umalis na pero napatigil ako ng hawakan niya ako sa braso at biglang halikan.

Noong una ay parang pinapakiramdaman niya ako pero nung ako na mismo ang unang gumalaw ay gumanti na din siya. Natigil lang kami ng bigla siyang lumayo sa akin.

"Congrats. Marunong ka ng humalik ngayon." Sabi niya at tinalikuran na ako.


-----------------

* Tristan's PoV

Nang marinig ko ang pagsara ng pintuan ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napaupo ako sa kama ko at napasabunot sa sariling buhok.

Bakit? Bakit hindi ko mapigilan? Sa tuwing nakikita ko si Jisoo ay hindi ko mapigilang hindi siya halikan. Hindi naman niya ako inaakit pero pakiramdam ko kapag hindi ko siya hinalikan ay wala na akong iba pang pagkakataon.

Unang araw niya dito noon nang malaman ko ang tungkol sa plano niya. Ayaw kong maniwala pero nung narinig ko na mismo sa kanya na totoo ang lahat ng iyon ay nasaktan ako. Nung unang beses ko siyang hinalikan ay inisip ko na lang na kailangan niya yun. Gusto niyang matutong humalik kaya kahit alam kong lolokohin ko lang ang sarili ko ay ako na ang naunang humalik sa kanya.

Hindi ko alam pero parang nahuhulog na ako sa kanya. Alam kong ginagawa niya ang lahat ng ito para makaganti sa pamilya namin pero bakit nga ba hindi ko sinabi sa mga pinsan ko? Dapat ngayon pinapaalis na namin siya pero bakit hindi ko magawa? Bakit iniisip ko pa lang na mawawala siya sa bahay na ito, sa buhay namin at sa buhay ko ay nahihirapan na ako?

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now