Chapter 13

1.5K 78 16
                                    

* Jisoo's PoV

Isang linggo na ang lumipas ng tanungin ako ni Kyle tungkol sa parents ko. Ang sagot ko lang ay wala na sila at ayaw ko ng ikwento ang nangyari. Naintindihan niya naman ako.

Paliko na sana ako nang may bigla akong makabangga.

"Sorry miss." Sabi ng lalaking nakabangga ko. Tinulungan niya akong kunin ang mga libro kong nalaglag.

"Salamat." Nang tignan ko siya ay napakunot ang noo ko.

Parang nakilala ko na siya noon eh. Bahagya siyang napanganga nang matitigan din akong maigi.

"Jisoo? / Ace?" Sabay naming sabi.

"Oh my god! Ikaw nga Ace!!" Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya. "Infairness ha! Ang gwapo mo na ngayon hindi ka na yung batang uhugin." Natatawang sabi ko.

"Sira!" Natatawang sabi niya. Akala ko hindi na kita ulit makikita eh." Dugtong niya at ginulo pa ang buhok ko kaya napasimangot ako. Hindi pa din siya nagbabago.

Siya si Ace Rodriguez, childhood friend ko. Anak nila Tita Fe at Tito Ryan na bestfriend nila mommy at daddy noong buhay pa sila. Nag offer sila na sa kanila ako tumira pero tumanggi ako. Naghihirap din kasi sila noon at ayaw ko namang makisiksik pa sa kanila.

"Mukhang mayaman ka na ah!" Pang aasar ko kay Ace. Nandito kami ngayon sa cafeteria since medyo maaga pa naman.

"Hindi naman. Sakto lang." Sagot niya at binayaran na ang pagkain namin.

"So, anong course mo?" Tanong ko pagkaupo namin.

"Education."

"Wow! Tinuloy mo pa din ang pangarap mong maging teacher ha."

"Oo naman. Alam mo naman na yun talaga ang gusto ko di ba?" Napangiti ako ng maalala ko dati kapag naglalaro kami siya ang teacher at ako ang kaisa isa niyang estudyante.

"Bakit ngayon lang kita nakita?"

"Galing ako sa orphanage. Nag volunteer kasi ako bilang sub teacher doon." Proud na proud na sabi niya.

"Oh. Ang galing mo naman." Nakangiting sabi ko.

Marami pa kaming pinag usapan hanggang sa marinig na namin ang bell na hudyat ng pagsisimula ng klase.

"Kitakits na lang mamaya. May kasabay ka bang maglunch?" Tanong niya habang palabas kami ng cafeteria.

Naisip ko ang mga Silva, nito kasing mga nakaraang linggo ay sumasabay ako sa kanila maglunch.

"Wala." Sagot ko.

"Kitakits mamaya. Pahingi nga ng number mo."

Pagdating ko sa classroom ay nakita ko agad ang mga Silva. Nginitian ko lang sila at naupo na sa upuan ko. Medyo iniiwasan ko na sila simula noong magtanong sa akin si Kyle. Pakiramdam ko kasi kapag napalapit ako sa kanila mababalewala lahat ng pinaghirapan ko.


------------------

* Tristan's PoV

Napakunot noo ako ng makitang dumating si Jisoo. Magkakasabay lang naman kami pumasok pero bakit ngayon lang siya? Nasa harapan ako at nang nilingon ko siya ay hawak niya ang cellphone niya at ngiting ngiti pa habang may katext.

Napapikit ako ng mariin at hindi na lang siya pinansin. Gusto kong kunin ang cellphone niya at alamin kung sino ang katext niya.

"Okay ka lang bro?" Tanong sa akin ni Kuya Kyle.

"Okay lang kuya." Sagot ko kahit ang totoo ay hindi.

Nang magbell na hudyat ng lunch break ay nagmamadali siyang lumabas at dinaanan lang kami.

"Jisoo!" Napalingon siya ng tawagin ko siya. "Saan ka pupunta? Hindi ka ba sasabay sa amin?"

"Hindi na. May kasama na kasi ako. Bye!" Sabi niya at tumakbo na palabas.

"At sino naman ang kasabay niya?" Dinig kong tanong ni Benedict.

Pumunta na kami sa cafeteria at hinanap ko agad si Jisoo pero wala siya. Saan siya kakain?

At sino ba ang kasabay niya?

"Si Jisoo?" Tanong sa amin ni Warren pagkaupo namin sa table namin.

"Wala nga eh. May iba daw kasabay." Sagot ni Red at nangalumbaba.

"May ibang kasabay? Sino?" Kunot noong tanong ni Louie.

Napatingin kaming lahat kay Troy nang umiling siya at napangisi.

"Mukhang may hindi yata nakakaalam kung ano ang atin." Nakangising sabi niya.

"Tumigil ka nga Troy." Naiiling na sabi ni Carlo.

"Magagalit si Jisoo kapag tinuloy mo yan." Banta ni Miko sa kanya.

"Sino yung kasama niya?" Nilingon namin ang tinitignan ni Kristoffer at nakita namin si Jisoo na may kasamang lalaki na nakaakbay pa sa kanya.

"May boyfriend na ba siya?" Tanong ni Harold.

"Oh shit! Naunahan ako!" Sabi ni Benedict kaya tinignan namin siya ng masama. "Chill!" Sabi niya nang makita ang galit na tingin namin.

Naningkit ang mga mata ko ng makitang nagtatawanan pa sila habang nakapila sa counter.

"Teka, parang si Ace yun ah." Napatingin kami kay Warren dahil sa sinabi niya.

"Kilala mo?" Tanong ni Red.

"Ka blockmate ko siya." Sagot ni Warren.

Napatingin ako sa mga pinsan at kuya ko na ngayon ay tahimik lang na nagmamasid kina Jisoo. Napailing ako nang may ma realize ako.

Mukhang madami akong kaagaw.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now