Dedicated to @blinkblackjack_yg. Thank you for being the first ever to comment in this story hahahahahaha..
--------------
* Jisoo's PoV
"Jisoo?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang tawag ni Benedict at pagkatok niya sa pintuan ng kwarto ko. Tinulak ko si Tristan palayo dahil hindi pa din siya tumitigil kahit narinig niya ang boses ng pinsan niya sa labas.
"Lalabas na ako. Kapag wala na kami lumabas ka na din. Baka may makakita sayo." Bulong ko sa kanya. Naghintay pa ako ng ilang sandali para sa sagot niya pero nakatitig lang siya sa akin.
Paglabas ko ay inaabangan ako ni Benedict.
"Bakit sir? May ipapagawa ka ba?" Tanong ko at sinarado agad ang pintuan ng kwarto.
"Hmm. Magpapatulong sana ako mag ayos ng closet. Balak ko sanang idonate yung iba doon sa mga nasalanta ng bagyo."
Ewan ko pero napangiti ako dahil doon. Umakyat na din kami agad sa kwarto niya.
"Alam mo sir, dapat lang na magdonate ka. Ang dami mong damit eh." Sabi ko habang tinutupi yung mga damit na inaabot niya at nilalagay sa karton.
Narinig ko ang tawa niya at tumingin sa akin.
"Just call me Benedict. Wag ng sir."
"Hmm Benedict, pwede magtanong?"
"Go on."
"Bakit magkakasama kayo sa iisang bahay nang mga pinsan mo?"
"Actually, si Lolo ang may gusto nito. Tinakot niya kami na kapag hindi kami sumunod ay hindi niya ibibigay ang mana namin kaya no choice kami pero thankful din kami kay Lolo dahil mas naging close kaming magpipinsan." Nakangiting kwento niya.
"What do you mean? Hindi ba kayo close lahat dati?" Curious kong tanong.
Umupo siya sa sahig at tinignan ako.
"Yes. Hindi kami nagpapansinan dati. Civil kami sa isa't isa kapag may family gatherings pero kapag kami kami na lang may sarili kaming mga mundo." Napatango tango ako dahil sa sagot niya.
Tinuloy ko na ang pagtutupi ng mga damit na idodonate niya pero natigilan din ako dahil ramdam kong nakatitig siya sa akin.
"Bakit?" Naiilang na kasi ako sa titig niya.
Ito siguro ang isa sa kaibahan nila ng kapatid niyang si Red. Kapag si Red kasi ang tumitig sayo alam mo nang manlalandi lang siya, pero si Benedict ang hirap basahin.
"Wala. May naalala lang ako." Ngumiti siya at tumayo na para ayusin ang ibang damit niya.
"Benny?!!" Dinig kong sigaw ni Red mula sa labas.
Kunot noong lumapit si Benedict doon at binuksan ang pintuan.
"Bakit ba kuya?" Tanong ni Benedict pero hindi siya pinansin ng kapatid niya dahil dire diretso itong pumasok sa loob.
Nang makita niya ako ay para bang nakahinga siya ng maluwag. Nilingon niya ang kapatid at nginitian.
"Wala lang. Patambay." Sabi ni Red at humiga sa kama ng kapatid.
Lalong kumunot ang noo ni Benedict na para bang ito ang unang beses na tatambay dito ang kuya niya.
------------------
Lunes na! It means may pasok na ulit. Hay. Maaga akong nagising kanina para maghanda nang almusal ng mga alaga ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, para kasing nahihirapan akong gawin ang plano ko. Mababait naman kasi silang lahat sa akin. Katulong nila ako pero hindi ko maramdaman na kinakawawa nila ako. Oo, inuutusan nila ako pero hindi ganun kahirap ang mga pinapagawa nila sa akin. Pinapasabay na din nila akong kumain na para bang parte din ako ng pamilya nila.
"Tama na Troy!" Natigil ako sa pag iisip ng marinig ko ang sigaw na yun.
Nandito na ako sa school at papunta na sana ng classroom ng marinig ko ang sigaw na yun.
Hinanap ko kung saan nanggaling ang sigaw na yun at nanlaki ang mga mata ko nang makitang may binubugbog na lalaki si Troy.
"Troy! Tama na yan!" Awat ko paglapit ko sa kanila.
Napapikit ako ng makita ko ang sinapit nang lalaking binugbog niya. Nagulat na lang ako ng bigla akong itulak palayo ni Troy. Nang tignan ko siya ay natakot ako. Ito ba yung sinabi ni Kristoffer na wag ko siyang tignan kapag galit na siya?
Sa sobrang takot ko ay naiiyak ako. Sobrang sama ng tingin niya sa akin na para bang ako yung kaaway niya. Pinunasan ko ang luha ko at lumapit ulit sa kanya.
"Tama na Troy." Pagpapakalma ko sa kanya at hinawakan ang mga kamay niya. "Itigil mo na ito."
Kahit papaano ay nabawasan ang takot ko ng makita kong kumalma na siya. Hindi na din siya masama tumingin.
Dumiretso kami ni Troy sa clinic kasama yung lalaking binugbog niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa classroom. Late na kami pero feeling ko okay lang kasi kasama ko naman ang isa sa mga apo nang may ari nitong school.
Tumango lang siya habang diretso pa din ang tingin sa dinadaanan namin. Mabuti na lang wala ng estudyante sa labas dahil kanina pa nag start ang klase.
Pagbukas ni Troy ng pintuan ng classroom ay naagaw namin ang atensyon ng lahat. Yung professor namin na naiwan sa ere ang kamay na sana ay magsusulat sa white board, ang mga kaklase namin na nagtataka kung bakit late kami pareho at ang kakaibang tingin ng mga pinsan niya.
Hindi pinansin ni Troy ang mga matang nakatingin sa amin at naupo na sa upuan niya.
"Sorry im late Mrs. Cruz." Mukha namang natauhan si Mrs. Cruz at tinanguan lang ako.
Pagkaupo ko sa upuan ko ay nilingon ako agad ni Tristan. Nakatingin lang siya sa akin habang kunot ang noo.
