* Jisoo's PoV
Linggo ngayon at dahil wala namang pasok ay mamaya pa ako magluluto ng almusal. Napangiti ako ng maalala ko ang kalokohang ginawa nila last week. Nag paparty lang naman sila dahil isang buwan na ako dito sa bahay nila. Natutuwa lang sila dahil may nakatagal sa kanila ng isang buwan. Hindi naman sila palautos pero sila yung tipo ng mga amo na maraming kalokohan kaya siguro walang nakakatagal sa kanila.
Naalala ko pa nung pagkatapos naming mag usap ni Tristan ay nilagyan ni Louie ng bubblegum ang buhok ko. Sa sobrang pag iisip ko noon kay Tristan ay hindi ko namalayang nilagyan na pala ako ng bubblegum. Tss.
"Jisoo, nakita mo ba yung black pants ko?" Tanong ng kararating lang na si Alexander dito sa kusina.
Nagluluto na ako ng almusal dahil may lakad daw itong si Alexander.
"Nasa closet mo na. Kalalagay ko lang kagabi." Sagot ko habang nagpiprito ng itlog.
"Jisoo! Yung jersey ko nalabhan mo na?" Tanong naman ni Kyle.
"Oo. Nasa sampayan pa, kukunin ko mamaya. Wait lang."
"Ah sige, ako na lang." Sabi niya at lumabas na sa kusina.
"Jisoo! Yung white polo ko naplantsa mo na?" Tanong ni Miko.
"Ay oo nga pala! Sorry Miko, paplantsahin ko na tatapusin ko lang ito."
Ang hirap ng madaming alaga no. Last week nakuha ko na din ang unang sahod ko. Hay. Ang sarap sa pakiramdam na mahawakan ko ang unang sahod ko at dahil linggo ngayon ay mag shoshopping ako hahaha.
"Jisoo." Napatingin ako kay Tristan ng tawagin niya ako.
Kahit nagkausap na kami ay medyo naiilang pa din ako sa kanya.
"Bakit?"
"Pakilinisan yung kotse ko. Aalis ako mamaya."
"Ah sige. Paplantsahin ko lang saglit yung polo ni Miko."
"Jisoo, pakilinis ng kwarto ko." Utos ni Carlo.
"Jisoo, yung mga damit ko sa laundry pakilabhan na. Wala na akong isusuot." Si Troy.
"Jisoo, yung maong pants ko nakita mo?" Tanong ni Benedict.
"Nasa labahan pa yata Ben. Sorry."
Teka. Sinabi ko ba kanina na hindi sila palautos? Well, binabawi ko na ngayon. Jusko! Paano ako makakalabas nito?
