Chapter 16

1.4K 77 12
                                    

* Red's PoV

Aayain ko sana si Jisoo na sumabay nang maglunch sa amin kaso umalis siya agad. Napailing ako dahil pakiramdam ko umiiwas na naman siya.

Hindi ko siya maintindihan, minsan kasi okay siya sa amin tapos biglang iiwas tulad ngayon.

Kumakain kami ng tahimik dito sa cafeteria kasama ang mga pinsan ko. Nag aasaran sila Warren at Harold. Si Benedict naman ay naglalaro sa cellphone niya habang kumakain. Si Troy at Tristan na parang may malalim na iniisip. At ako na pogi pa din. Yung iba ay nagsisilamon na.

"Excuse me." Napatingin kami sa babaeng lumapit sa table namin.

Si Jennie, classmate namin at nag iisang kaibigan na babae ni Jisoo.

"Bakit miss?" Tanong ni Warren.

"Itatanong ko sana kung nakita niyo ba si Jisoo? Ang sabi niya kasi sa akin kanina may kukunin lang siya sa locker room pero hanggang ngayon wala pa din siya."

Biglang kumunot ang noo ko. Nasaan kaya siya?

"Baka nag cr lang saglit." Pagpapakalma ni Miko dahil mukhang kinakabahan na si Jennie.

"Troy!!" Naagaw ang atensiyon ng lahat nang biglang pumasok dito sa cafeteria ang isa sa mga gang mate ni Troy. Tumatakbo siya palapit sa amin at hingal na hingal.

"Anong nangyari?" Tanong ni Troy pagkalapit ng member niya.

"Kinuha nila si Jisoo." Biglang nagpantig ang tainga ko. "Nasa puder nila Kier si Jisoo."

"Ano?" Galit na sigaw ni Troy at biglang napatayo.

Napatayo din kaming magpipinsan.

"Nasaan sila?" Nagpapanic na tanong ni Benedict.

"This is bullshit Troy! Do something!" Galit na sigaw ni Tristan.

"Im going to kill that guy." Galit na sabi ni Troy bago tumakbo palabas kaya sinundan namin siya.

"Track them." Utos ni Troy sa ka grupo niya. Nandito kami ngayon sa head quarters nila.

Nandito lang din ito sa loob ng school. As a grandsons of the owner of this school we can have it all. Maliban na lang sa away ng mga gang dahil hindi na nakikialam ang school doon.

"Nasa labas sila boss." Dinig kong sabi nung ka grupo niya. "Nasa condo unit ni Kier."

Iba't ibang mura ang narinig mula sa amin. Iniisip pa lang namin na nandoon si Jisoo pakiramdam ko makakapatay ako ng tao at mukhang hindi ako nag iisa.



-----------------

* Kyle's PoV

Sinabihan kami ni Troy na maiwan na lang sa school dahil ayaw niyang madamay kami pero hindi kami pumayag. Jisoo is involved in this situation at hindi kami papayag na hindi man lang siya mailigtas.

Pagpasok namin sa building ng condo unit ni Kier at pinatahimik agad ng mga ka grupo ni Troy ang guard. Sinira din nila lahat ng CCTV na pwedeng ipanglaban sa amin.

Pagkarating namin sa harap ng unit ni Kier ay narinig namin agad ang malakas na iyak at sigaw ni Jisoo. Biglang nag init ang kamao ko at gustong gusto ko ng manapak.

"Wag! Tama na please!" Hearing her cry and pleading makes my heart beat so fast. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya.

Sabay sabay naming sinipa ang pintuan ng condo unit ni Kier at bigla akong nanlumo sa nakita namin pagkabukas ng pintuan.

Sinuntok agad ng mga ka grupo ni Troy ang mga kaaway nila. Nakita ko si Troy na nakikipagsuntukan na kay Kier.

Napatingin ako kay Jisoo na ngayon ay pinapaligiran ng mga pinsan ko.

"Ilabas niyo na siya! Make her safe!" Rinig naming sigaw ni Troy kaya naman lumabas kami agad kasama si Jisoo.



------------------

* Jisoo's PoV

Kanina pa ako sigaw ng sigaw at humihingi ng tulong pero parang walang nakakarinig sa akin. Kanina paggising ko ay nakahiga ako sa isang couch. Napalilibutan ako ng mga lalaking hindi ko kilala na mga walang damit pang itaas. Isa isa silang lumapit sa akin kaya napabangon ako bigla.

"A-anong gagawin niyo?" Naiiyak kong tanong.

"Paisa lang naman miss." Sabi nung isa kaya napahawak ako sa damit ko.

"Bossing! Pakipot naman masyado!" Sigaw nung isa at lumabas ang isang lalaki mula sa isang silid.

"Poor girl." Naiiling na sabi niya at binugahan ako ng usok ng sigarilyo kaya napaubo ako. "Kung hindi ka sana malapit sa mga Silva okay ka eh. Type pa naman kita. Ako na kaya ang mauna no?" Nakangising sabi niya at bigla na lang ako tinulak pahiga sa couch.

"Lumayo kayo sa akin!" Sigaw ko.

"Miss naman, wag ka ng pakipot."

"Wag! Tama na please!" Sigaw ko kasabay ng malakas na pagbukas ng pintuan bigla akong nakahinga ng maluwag ng makita ko ang magpipinsang Silva at mga ka gang ni Troy.

They're here. They saved me..

Hindi ako agad nakagalaw ng makita ko ang pag aaway ng dalawang grupo. Hinanap ng mga mata ko si Ace. Ka grupo niya ang mga ito. Nandito din kaya siya? Totoo kaya yung sinabi ni Troy na hindi ako ang pipiliin ni Ace kung sakali?

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now