* Jisoo's PoV
Nagluluto ako ng ulam para sa tanghalian nang maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.
"Sa bahay na kayo tumira ni Ethan." Bulong ni Tristan kaya medyo kinilabutan ako.
"Baka makita tayo ni Tan tan." Nahihiyang sabi ko.
"So what?" Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Kasal na lang naman ang kulang sa atin. We already have a son."
May kung anong saya akong naramdaman nung sabihin niya yun.
He's thinking about marrying me..
"Papa!" Kusa akong napahiwalay kay Tristan nang marinig ang boses ni Tan tan.
"Why baby?" Malambing na tanong niya sa anak namin at binuhat ito.
"I want you to hug me too. Hug me Papa." Nakangusong sabi ni Tan tan kaya natawa kaming pareho.
Niyakap nang mahigpit ni Tristan si Tan Tan na animong pinanggigilan pa. Matapos magluto ay kumain na din kami. Nauna nang umalis si Ace kanina dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin.
Napapangiti na lang ako sa tuwing nilalagyan ng pagkain ni Tristan ang plato ni Ethan. Magana kasing kumain ang bata kaya medyo chubby.
"After this, ayusin niyo na ang mga gamit niyo okay? Doon na kayo sa unit ko tumira." Wala na akong nagawa kaya tumango na lang ako. "And stop working. Alagaan mo na lang ang anak natin."
"Pero.."
"It's okay. Kaibigan ko naman si Ryan at malapit din ako sa parents niya. Ako na ang bahalang magpaliwanag."
Wala na akong nagawa dahil mukhang desidido na si Tristan sa plano niya. Tulad ng napag usapan ay tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit namin.
Alas singko ng hapon kami umalis. Maayos kaming nagpaalam sa land lady at binayaran ang kulang pa namin sa upa.
"Wow Papa! Dito ikaw nakatira?" Tuwang tuwa si Ethan ng makarating kami sa tinitirahan ng ama.
"Yes baby. Dito na din kayo titira ni mama mula ngayon okay?" Nakangiting tumango si Ethan bago naglibot sa buong unit.
"Siguro tatanggapin ko na yung bahay na binibigay ni Daddy. Mas malaki yun."
"Thank you Tristan. Salamat kasi tinanggap mo kami sa kabila ng mga ginawa ko sa inyo." Nahihiyang sabi ko.
"It's all in the past." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Masaya ako dahil kasama ko na kayo."
Sa ngayon ay iniisip ko na lang kung paano haharapin ang mga pinsan at mga magulang ni Tristan. Kinakabahan ako dahil baka ayawan nila ako. Hindi ako nagpakita at tinago ko ang anak namin sa loob ng apat na taon baka isipin nila ay iba ang ama ni Tan Tan at si Tristan lang ang tinuro kong ama. Hindi pa naman gaanong maganda ang una naming pagkikita ng mama niya.
Hinalikan ko sa noo si Ethan nang makatulog na siya. Pinaayos na pala ni Tristan sa cleaner niya ang guest room bago pa kami makapunta dito. Tuwang tuwa si Ethan nang malaman niyang magkakaroon na siya ng sariling kwarto. Big boy na daw kasi siya kaya dapat solo na niya sa kwarto na hindi ko naman nagawa dati dahil maliit at isa lang ang kwarto sa apartment na tinuluyan namin.
Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Nakangiting pumasok si Tristan at hinaplos ang buhok ng anak namin.
"Mukhang napagod siya." Nakangiti niyang tinitigan ang mukha ng bata. "He really looks like me. Labi mo lang ang nakuha niya." Sabi niya at tinignan ako. "Mukhang palagi mo akong iniisip noon kaya ako ang napaglihian mo." Natawa ako sa sinabi niya.
"Oo na lang." Naiiling na sabi ko.
"Let's sleep?" Magkahawak kamay kaming pumasok sa kwarto niya.
Alam kong may anak na kami at masyadong pabebe pero kinakabahan ako sa ideyang matutulog kami ulit sa iisang kwarto.
"Nakausap ko na nga pala si Ryan. He understand your reason kaya pumayag siyang magresign ka na."
"Salamat."
"Bukas magsisimula na ang trabaho ko sa firm nila Daddy. I will also tell them about you and Ethan." Niyakap niya ako habang nakahiga kami.
"Matatanggap kaya nila kami? I mean, apat na taon kaming wala tapos bigla kaming dumating."
"Jisoo, they'll accept you both. You're my family now."
"Mabuti wala kang naging girlfriend?" Biglang gusto kong bawiin ang tanong na iyon.
I heard him chuckle.
"Actually, hindi pa ako nakamove on sa nangyari four years ago. Lalo na at ikaw ang nakauna sa akin." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang ibulong niya sa akin ang mga huling salitang sinabi niya.
"Kailangan talaga ipaalala?" Nahihiyang tanong ko.
"I love you Jisoo." Napangiti ako ng sabihin niya iyon.
"I love you too."
Hinalikan niya ako sa labi bago kami magkayakap na natulog.
