* Jisoo's PoV
Ilang linggo na din ako dito pero wala pa ding pagbabago. Oo, pinapansin ako ng mga Silva para landiin kaso hindi ako makahanap ng tiyempo. Ang balak ko sana isa isa silang paikutin sa mga kamay ko pero parang hindi sila naghihiwahiwalay. Anong gagawin ko? Pagsasabay sabayin ko sila? Tss.
Sa nakikita ko mukhang mas madaling unahin ang Red Silva na ito since siya naman ang palaging nauunang lumapit sa akin. Tulad na lang ngayon..
Nginitian ko siya habang naglalakad palapit sa akin. Nag smirk naman siya at umupo sa tabi ko. He texted me kanina na magkita kami sa gym after class. Well yes, kinuha niya last week ang number ko.
Nginitian ko siya nang kunin ko ang inabot niya sa aking coke in can.
"Thanks." Sabi ko at uminom muna bago ulit magsalita. "So? Bakit ka nakipagkita?"
Ngumiti siya ng nakakaloko bago unti unting nilapit ang mukha niya sa akin. I knew it. Bago pa man niya ako tuluyang mahalikan ay iniwas ko na agad ang mukha ko.
"Not so fast Silva." Sabi ko nang lumayo na ulit siya. Nang tignan ko siya ay kunot ang noo niya.
Napangiti ako ng palihim at tumayo na para umalis.
------------
Pag uwi ko sa apartment ay sinarado ko agad ang pintuan at nilock ito. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong sobrang bilis pa din ng pagtibok nito.
Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa kaba. Hindi ko lang pinahalata pero kahit alam ko ng hahalikan ako ni Red kanina ay sobra pa din akong kinabahan.
I don't reserve my first kiss for a Silva. Hindi pwedeng Silva ang makauna sa akin. At hindi ako papayag na makaisa sila. Wala sa plano ko ang magpagamit basta kailangan lang mahulog sila sa akin. Napapikit ako ng mariin nang may naisip ako.
Sa panahon ngayon ko pa talaga ginustong magpakaconservative? Eh kung hindi ako papahalik sa kanila wala akong mapapala. Bakit nga ba hindi ko naisip ang bagay na iyon?
--------------
Kinabukasan ay kahit antok na antok pa ako ay sinubukan kong makapasok ng maaga. Grabe! Ilang oras lang ba ang tulog ko? Isa? Dalawa? Kaloka! Hindi ako nakatulog kakaisip kung sino ang dapat makaunang halik sa akin. Dapat meron! Pero sino? Kailangan kapag hinalikan ko na ang mga Silva ay malasing sila. Yung tipong hahanap hanapin na nila yung halik ko. Mas madali ko silang maiiwan sa ere na luhaan kapag ganun. In short, i need to be a good kisser!
Pagpasok ko sa campus ay nakita kong nagkukumpulan sa harap ng bulletin board ang mga estudyante. Sa sobrang curious ko ay nakisilip na din ako.
Attention!!
For all those students who needs extra income (esp scholars). We are in need of a housemaid. 25k a month is the starting salary. Free foods and shelter. Please proceed to the VP office for those interested. Thank you.
Biglang napataas ang kilay ko. 25k a month? Starting salary pa lang ha. So, it means tataas pa yun. Free foods and shelter. Not bad..
Unti unti nang nagsialisan ang mga estudyante hanggang sa ako na lang ang natira dito sa harap ng bulletin board. Obviously, wala silang pake doon dahil mayayaman na sila. At sino ba ang mahirap at nangangailangan? Edi syempre! Ako! Ako na naiwan dito!
Nag isip ako ulit bago ko kinuha yung papel kung saan nakaprint yung announcement.
--------------
Ngiting ngiti ako pagkalabas ko sa office ng VP ng university. Tumingin ako sa kaliwa't kanan, harap at likod at nang masiguro kong walang tao sa paligid ay napasigaw ako.
"Yes!!!" Sigaw ko at nagtatalon pa.
I got the job! Sa wakas! Hindi ko na poproblemahin pa ang pangbayad ko sa upa at makakain ko sa araw araw. Malaki ang sasahurin ko bilang katulong at isa pa mabilis akong makakaipon dahil bukod sa mga iba ko pang pansariling kailangan ay wala na akong iintindihin pa.
Dati, nung mayaman pa kami ay kahit may katulong sa bahay eh tumutulong pa din ako sa mga gawaing bahay. Kahit naman lumaki akong spoiled sa mga luho ay mabait pa din naman ako at masipag kaya hindi ko na problema ngayon ang bago kong trabaho. Two years lang naman akong magkakatulong dahil after ko grumaduate ay magiging ganap na akong architect.
Pag uwi ko kinagabihan ay inimpake ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na din sa land lady namin. Kailangan kasi bago kumain nang almusal ang mga magiging amo ko ay nandoon na agad ako sa bahay nila at nakapaghanda na ng almusal.
Sa totoo lang, hindi ko pa din sila kilala. I mean, hindi ko alam kung sino ang mga magiging amo ko at sana lang mababait sila para makatagal ako.
Kanina sa interview sa akin nang mismong vice president nang university ay tinanong niya agad ako kung scholar ako. Pinaupo niya agad ako at nagsimula na ang interview.
"Wala ka bang maiiwan kung sakaling matatanggap ka? I mean, alam mo naman na stay in ang kailangan namin."
"Ulila na po ako ma'am so wala po akong maiiwan." Tumango tango ang VP at tinignan ang profile ko.
"Saan ka nakatira?"
"Sa apartment po malapit sa kanto."
"Mukhang okay ka naman." Tinignan niya muna ako sandali bago ngumiti. "You're hired."