Chapter 25

1.6K 71 23
                                    

4 years later..

--------------

* Jisoo's PoV

Apat na taon.. Apat na taon na pala ang lumipas mula noong iwan ko ang mga Silva. Napangiti ako ng mapait. Alam kong galit sila sa akin at hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sa kanila pagkatapos ng mga nangyari.

Hindi ko natapos ang pag aaral dahil may hindi inaasahang nangyari. Kinapalan ko ang mukha ko at humingi ng tulong sa pamilya ni Ace. Mabuti na lang at tinanggap pa din nila ako. Sila ang umagapay at tumulong sa akin nung mga oras na kailangan ko ng tulong.

Hindi naman ako kinapos sa gastusin dahil malaki ang naipon kong pera mula sa sweldo ko sa mga Silva. Yun nga lang naubos din kaya naman kinailangan kong magtrabaho. Namasukan ako bilang isang waitress sa isang mamahaling restaurant. Mabuti na lang at na regular ako pero dahil hindi pa din sapat ang kinikita ko doon ay may sideline ako bilang tutor.

Napalingon ako sa pintuan ng tinutuluyan kong apartment nang bumukas ito.

"Mama! Si Daddy Tito oh! Niaaway ako!" Sigaw ng anak ko.

Yes. May anak na ako. Hindi ko akalaing may mabubuo kami agad ni Tristan nung may mangyari sa amin. Hindi ko siya pinagsisihan. Mahal na mahal ko ang anak ko.

"Tan tan. Anong sabi ni Daddy Tito? Bad mag lie di ba?"  Napailing na lang ako sa kanilang dalawa ni Ace.

Si Ace ang kadalasang kasama ni Tan tan kapag wala ako at nasa trabaho. Sobrang laki ng utang na loob ko sa bestfriend ko. Hindi ko alam ang gagawin kung wala siya.

"Saan na naman kayo galing?" Nakapamaywang na tanong ko.

"Namasyal lang sa mall." Nakangiting sagot ni Ace. "Kauuwi mo lang?"

"Oo. Medyo madaming tao sa resto ngayon kaya nag OT ako." Inayos ko na ang hinanda kong hapunan para sa amin.

"Mama anong ulam?" Tanong ng anak ko.

"Fried chicken baby." Nakangiting sagot ko.

"Yehey! I want chicken!" Masayang sabi niya at nagtatalon pa.

Si Ethan Trinidad ang naging bunga ng nangyari sa amin ni Tristan. Kamukhang kamukha niya ang tatay niya kaya imbes na makalimutan ko siya ay hindi iyon ang nangyari. Tatlong taon na siya at talagang bibo. Yun nga lang masyadong malikot at pasaway.

"Sabi ko naman kasi sayo lumipat na kayo sa unit ko para bawas sa gastusin mo. Tsaka sa akin naman naiiwan si Tan Tan kapag umaalis ka." Sabi ni Ace habang kumakain kami.

"Hindi na Ace. Masyado ka ng maraming naitulong sa amin ng anak ko. Tama na yun." Nakangiting sabi ko.

"By the way, did you heard the news?"

"Ano yun? Wala na akong time manood ng balita."

"The Silva's are back."

Muntik na akong mabilaukan sa narinig ko. Si Ace din ang nagbalita sa akin na isang linggo pagkatapos kong umalis sa mga Silva ay nagpunta silang lahat sa America at doon nagpatuloy nang pag aaral. Mula noon ay wala na akong naging balita sa kanila.

"Are you ready to see them?" Napatingin ako kay Ace dahil sa tanong niya.

"I'm not ready." Totoo kong sagot. "Natatakot ako."

"Mama, why are you scared?" Tanong ni Tan Tan habang kinakain ang balat ng manok.

Umiling lang ako at nginitian siya. Kung makikita kaya ni Tristan ang anak namin ay maniniwala siyang siya ang ama nito?

-------------

* Tristan's PoV

Dalawang araw pa lang ang lumipas mula ng makabalik kami dito sa Pilipinas. Wala pa ding pinagbago.

Siya pa din ang gusto kong makita pagbalik ko.

"Tinatanong ni Ryan kung nasaan na tayo." Napatingin ako kay Kuya Kyle.

"Sabihin mo papunta na tayo. Atat masyado." Natatawang sabi ni Red.

Si Ryan ay isa sa mga naging kaibigan namin sa US at ngayong nakabalik na kami ay gusto niyang magpawelcome party sa restaurant ng parents niya para sa amin.

Pagdating namin sa resto ay hindi ko maiwasang hindi humanga. Magaling magpatakbo ng business ang parents niya. Labas pa lang ay mahahalata mo agad na mga may kayang tao ang kumakain sa loob.

"Mga dude!" Nakangiting bati sa amin ni Ryan pagpasok namin sa loob.

Nag bro hug kami at naglakad na papunta sa bar area ng restaurant.

Pinag serve kami agad ng maiinom at makakain ng mga waiter. Napuno nang tawanan at kwentuhan ang buong area na para lang talaga sa amin ngayong gabi.

"Loko itong si Troy eh, sinabi ba naman na hindi kayo pupunta. Masasayang ang mga pinahanda ko." Naiiling na kwento ni Ryan.

"Tss. Wag kang maniniwala dyan!" Sabi ni Kristoffer.

Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil naging abala ako sa pag inom. Umaasang kahit ngayon lang.. Mawala siya sa isip ko.

-----------

Ang dami daw nabitin so here is another update.. Alam kong bitin na naman dahil miski ako nabitin hahahaha. Sa susunod naman ulit. Hintayin ang next update ko dito pati sa ibang story.. Goodnight!!

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now