Chapter 15

1.5K 79 7
                                    

* Jisoo's PoV

Napatingin ako sa orasan ng magising ako. Alas tres pa lang ng madaling araw. Lumabas ako dahil hindi ako makatulog ng maayos. Naisipan kong magtimpla ng gatas nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"Troy?" Kararating lang niya at agad kong napansin ang pasa niya sa gilid ng labi. "Saan ka na naman nanggaling?" Naiiling na tanong ko. "Hintayin mo ako, kukunin ko lang saglit yung first aid kit."

"Wag na."

"Wait lang." Hindi ko pinansin ang pagtutol niya at kinuha na agad ang first aid kit.

Pagbalik ko sa sala ay nakaupo siya sa sofa habang nakapikit.

Nilagyan ko ng ointment ang sugat niya kaya nagising siya.

"Sila Ace ba ang kaaway niyo kanina?" Tanong ko habang nilalagyan ng dahan dahan ang pasa niya.

"Yeah. Bumalik na si Kier." Sagot niya.

Napatingin ako sa kanya at medyo nailang ako dahil nakatingin din siya sa akin kaya binilisan ko na ang ginagawa ko.

"Jisoo." Tawag niya sa akin habang nililigpit ko na ang mga ginamit ko.

"Hmm?" Tanong ko pero hindi ko siya tinignan. Ramdam ko pa din kasi ang titig niya sa akin.

"Nakita kong hinalikan ka ni Tristan." Gulat akong napatingin sa kanya. "Anong meron sa inyo?"

Bigla tuloy akong kinabahan. Nakita niya kami?

"Huh? A-ah yun ba?" Nauutal kong sabi. "Hindi niya ako hinalikan may binulong siya sa akin kaya siguro akala mo hinalikan niya ako." Pagsisinungaling ko.

"Im not stupid Jisoo." May diin niyang sabi. "Alam ko ang nakita ko. Anong meron sa inyo ng pinsan ko?" Seryosong tanong niya.

"Wala." Huminga ako ng malalim. "Kalimutan mo na lang ang nakita mo."

Tumayo na ako at paalis na pero napahinto ako ng marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"Wala? So pumapayag ka na lang na halikan ng kahit sino? So, pwede din ba ako?"

Nainsulto ako sa tanong niya sa akin kaya lumapit ako sa kanya at sinampal siya.

"Hindi mo ako kilala Troy." Feeling ko maiiyak na ako dahil sa mga pang aakusa niya sa akin. "Hindi ako katulad ng iniisip mo."

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now