* Tristan's PoV
Bigla akong napabangon ng maramdamang wala na naman akong katabi.
Did she left me again?
Agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto ko. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko siyang nagluluto. Lumapit ako sa kanya ay niyakap siya mula sa likod.
"Akala ko iniwan mo na naman ako." Bulong ko sa kanya.
"Aalis na din ako pagtapos ko dito." Sabi niya dahilan para higpitan ko pa ang yakap ko sa kanya. "Pinagluto lang kita ng breakfast."
Kusa akong lumayo sa kanya ng makita kong ihahain na niya ang niluto niya.
"Can i see you again?" Umaasang tanong ko.
"May kailangan kang malaman Tristan." Bigla akong kinabahan nang makita ko kung gaano siya kaseryoso.
"Ano yun?"
"I already have a son."
Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko at nawala ang pag asa na makasama ko siya ulit.
May anak na siya?
"Who is the father?" Napayuko ako ng itanong ko yun. Ang sakit.
"Four years ago, may nangyari sa atin di ba?" Bigla akong nag angat ng tingin sa kanya ng sabihin niya iyon. Don't tell me. "Ikaw ang ama ng anak ko. May anak na tayo Tristan." Biglang tumulo ang luha sa kaliwang mata niya.
Lalo akong lumapit sa kanya. May anak na kami? For real?
"T- talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko at niyakap siya. "I want to see my child, Jisoo." Bulong ko sa kanya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpunta kami agad sa apartment na tinutuluyan nila ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Naghalo ang saya, lungkot, pananabik, pagkagulat at takot dahil baka hindi ako tanggapin ng anak ko. Hindi niya ako nakita sa loob ng apat na taon. I feel sorry for my child.
"What's the name of our baby?" Naeexcite kong tanong kay Jisoo.
"Ethan Trinidad."
"Teka. Hindi ka nakauwi kagabi sino ang nagbantay sa anak natin?" May kung anong saya akong naramdaman ng banggitin ko ang "anak natin".
"You still remembered Ace? Yung bestfriend ko? Siya ang tumulong sa amin ni Ethan noong walang wala kami at kailangan ko ng mapag iiwanan sa bata kapag pumapasok ako sa trabaho."