* Jisoo's PoV
Napahinto kami sa paglalakad ni Ace nang biglang humarang sa daraanan namin ang mga Silva. Palabas na sana kami sa cafeteria pero heto nga at mukhang may problema ang mga alaga ko.
"Anong meron?" Kunot noong tanong ko.
"Kayo? Anong meron?" Tanong din ni Tristan habang nakatingin sa amin ni Ace.
"Eh sa inyo? Anong meron?" Balik na tanong ni Ace kaya bigla akong naguluhan sa nangyayari.
"Seriously? Magtatananungan talaga tayo dito kung anong meron?" Naiiling na tanong ko.
"Bakit magkasama kayo?" Tanong ni Red.
"Childhood friend ko si Ace. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya di ba?" Naiiritang sagot ko dahil hindi ko sila maintindihan.
Idagdag mo pa yung kakaibang tingin sa amin ng mga estudyanteng nandito din.
Pag uwi sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nakakainis. Bakit ba nila ako pinagbabawalang lumapit kay Ace?
"Jisoo buksan mo itong pintuan." Narinig kong sigaw ni Tristan sa labas.
"Iwan mo muna ako Tristan. Please lang." Nagtitimping sagot ko.
Kanina after class ay sinabihan nila akong wag nang lalapit kay Ace. Seriously? Anong problema nila?
Alas singko na ng hapon nung lumabas ako. Kung hindi ko lang sila kailangan ipagluto hindi na ako lalabas pa. Tss.
"Jisoo." Narinig ko ang boses ni Tristan sa likod ko kaya napapikit ako ng mariin. "Kausapin mo naman ako." Dugtong niya ng hindi ko man lang siya nilingon.
"Okay fine." Sabi ko at humarap sa kanya. "Bakit? Kaibigan ko si Ace kaya hindi ko alam kung bakit gusto niyong lumayo ako sa kanya."
Huminga siya ng malalim at alam kong nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya.
"Mamaya natin pag usapan kapag kasama sila. Tingin ko mas mabuting kumpleto kami dito kapag sinabi namin sayo."
Nagtataka ako nung umalis siya. Ganun ba talaga kahirap ang sagot at kailangan niya pa ang mga pinsan niya? I just rolled my eyes and continue cooking.
Pinindot ko ang bell which means kakain na. Nirequest ko talaga ito sa kanila nakakatamad kayang tawagin sila isa isa.
Nagsidatingan naman sila kaya kumain na din kami agad.
After kumain ay isa isa ko silang tinignan. Nakayuko lang sila dahil siguro alam nilang may mali silang ginawa.
"What now?" Inip kong tanong.