Chapter 21

1.5K 69 0
                                    

* Jisoo's PoV

Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakapulupot sa baywang ko. Dahan dahan kong nilingon kung sino ang nakayakap sa akin at bumungad sa akin ang mukha ng natutulog na si Tristan. Napangiti ako at dahan dahang humarap sa kanya.

Ang gwapo hihihi.

Naramdaman kong mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin kaya mas lalo akong napangiti.

Salamat sa pag aalaga sa akin Tristan.

Nang gumalaw siya ay bigla akong napapikit ulit. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa ideyang makikita niyang nakatitig ako sa kanya.

"Wake up. Alam kong nakatitig ka sa akin kanina." Dinig ko ang tawa niya kaya mas lalo akong nahiyang dumilat. "Ayaw mong dumilat ha."

Bigla akong napadilat ng maramdaman kong hinalikan niya ako. Nakangiti siya sa akin bago niya ulit unti unting nilapit sa akin ang mukha niya. Napapikit ako ng magsimula siyang halikan ako na tinugon ko din naman. Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Napakapit ako sa braso niya. Feeling ko nanghihina ako dahil sa halik niya.

"Good morning." Nakangiting bati niya nang maghiwalay kami. Saglit niya akong tinitigan bago niya ako hinalikan sa noo at muling niyakap.

Pagbaba ko ay nakahanda na ang almusal. Nakangiti nila akong sinalubong maliban kay Troy na palagi namang poker face.

"Buti magaling ka na." Nakangiting sabi nila sa akin kaya napangiti din ako.

"Salamat sa inyo." Nakangiting sabi ko.

Uupo na sana ako para kumain nang biglang may nagdoorbell. Tumayo si Miko para pagbuksan ang kung sino mang bisita. Umupo na ako at nagsimula na ding kumain. Gutom na gutom na ako.

"Where is my son?" Dinig ko ang tinig ng isang babae. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang maganda at eliganteng babae. Kitang kita sa kanya ang karangyaang tinatamasa niya. Napataas ang kilay niya ng dumako sa akin ang kanyang paningin. "And who is she?"

"Mom." Napatingin ako kina Tristan at Kyle na sabay nagsalita. Sila pala ang mommy nila.

"Don't tell me she's a prostitute at pinapaligaya kayong lahat na nandito?" Gulat akong napatingin sa kanya.

Ang sakit niyang magsalita. Naramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa gilid ng aking mga mata na agad ko ding pinigilan.

"Mom! What the hell are you talking about?" Galit na sabi ni Tristan.

Tumayo ako at yumuko sa mommy nila. "Good morning ma'am." Magalang kong bati.

"Mom, wag ka namang ganyan kay Jisoo. She's our maid." Pagpapaliwanag ni Kyle.

"Maid? May maid pa lang sumasabay sa pagkain ng mga amo niya?" Mataray na naman na tanong sa akin ng mommy nila. Napayuko na lang ako.

"Tita, kagagaling lang niya sa sakit." Narinig kong sabi ni Carlo. "Please don't be so harsh to her." Pakikiusap niya.

"Whatever. By the way, im here to tell you that your grandfather will be arriving tomorrow morning. We will be having a welcome party tomorrow night so all of you should be there."

Natigilan ako sa narinig ko. Grandfather? Darating na si Don Theodore Silva? Biglang nabuhay ang galit na itinago at pilit ko ng kinalimutan nitong mga nagdaang araw. Ang taong dahilan kung bakit naulila ako ng maaga ay darating na. Napatingin ako sa magpipinsan na ngayon ay makikita ang kasiyahan sa narinig. Akala siguro nila anghel ang lolo nila kaya ganyan ang reaksyon nila.

Napakuyom ako ng kamao. That old man is the reason why my parents are now dead.

I can't break him, so I'm going to break his grandsons.

Bumalik na naman ako sa dati. Yung puno ng galit at hinanakit ang puso. Bigla akong nahiya sa mga magulang ko. Im sorry if i tried to forget getting your justice. Pasensiya na kung nagpadala ako sa mga nakikita ko.

Pag alis ng mommy nila Tristan ay humingi sila ng pasensiya sa akin. Parehong pareho sila ni Don Theodore. Masasama ang ugali. Mapanghusga at manlalait.

"Hey Jisoo." Napatingin ako kay Tristan. "I'm sorry. Ganun lang talaga si mama." He really feels sorry.

Napangisi ako ng palihim. Sayang Tristan. I'm starting to like you pero naalala kong hindi nga pala pwede.

"Ayos lang. Nagulat siguro siya." Kailangang hindi magbago ang tingin nila sa akin.

I still need to be the GOODY GIRL JISOO they know. I need to break them, like what their family did to me.

Kinagabihan ay nagsimula ulit akong magplano. This time hindi na pwedeng maudlot. I need this para matahimik na din ako. Pagkatapos ko silang wasakin isa isa ay aalis ako kasama ang naipon ko galing sa sinasahod ko dito. Magpapakalayo ako at tahimik nang mamumuhay dahil alam kong nagtagumpay na ako.

The operation will be starting tomorrow. For real.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now