Sorry po sa matagal na update. At salamat sa mga naghintay hehehe.
---------------
* Jisoo's PoV
Pagdating namin sa camping site ay kanya kanya na kaming pahinga sa mga tent namin. Syempre usap usapan ang tungkol sa pagsama ko sa tent ng mga magpipinsan. Malaki ang tent namin kumpara sa iba. Wala namang magawa ang mga professor dahil buong buo na talaga ang desisyon nila.
Araw araw ko naman silang nakakasama sa bahay pero nakakailang lang talaga dahil kasama ko sila sa iisang tent. Alam ko namang gusto lang nila akong protektahan kay Kier pero ang OA talaga.
"Sa pinakagilid ka." Napatingin ako kay Tristan ng magsalita siya. Inabot niya sa akin ang isang mahabang unan. "Ilagay mo ito sa tabi mo para kahit papaano ay may harang."
"Thanks." Sabi ko at nahiga muna. Inaantok talaga ako dahil hindi ako nakaidlip sa bus, ang daldal kasi ni Jennie.
Nagising ako ng marinig ko ang boses ni Red.
"Buti gising ka na." Nakangiting sabi niya nang magmulat ako ng mata. "Lunch na. Mamayang hapon daw ay may activity tayo kaya tara na."
Paglabas namin ay bumungad sa amin ang sampung mesang mahahaba na sakto para sa aming lahat. Sabay sabay kaming kakain pero kanya kanya kami ng pagkain. Bawat tent ay may nakatalagang lutuan. Hindi pwedeng makishare sa pagkain ng ibang tent.
"Sinong nagluto?" Tanong ko pag upo sa mesa kung nasaan ang mag pipinsan.
"Ako ang nag saing." Nakangiting sabi ni Carlo.
Ngumiti ako sa kanya at nagsimula na din kumain. After noon ay pinagpahinga muna kami at eksaktong ala una ng hapon ay nakapila na kami para sa activity ngayong hapon.
"Good afternoon students." Nakangiting bati ni Sir Hugo isa sa mga facilitator namin.
"Good afternoon Sir." Bati din namin.
"Rappelling na muna ang activity natin ngayon." Bigla akong nagulat nang marinig ko iyon. "Para ito sa mga estudyante na may fear of heights."
Napatingin ako sa paligid ko at lahat sila ay mukhang excited. Ako lang yata ang biglang kinabahan. Badtrip naman oh!
Napapikit ako ng mariin habang nag iisip ng dahilan para hindi makasali sa activity. Ayaw ko nito!
"Jisoo, are you okay?" Napadilat ako muli at napatingin kay Tristan ng marinig ko ang boses niya.
Lumunok ako bago nagsalita. Sorry pero kailangan kong magsinungaling.
"B-biglang sumama ang p-pakiramdam ko." Nauutal kong sabi habang nananalangin na sana ay wag siyang maghinala.