* Jisoo's PoV
"Anong ibig sabihin nito?" Bigla akong kinabahan ng marinig ang boses ni Tristan.
"Tristan." Lalapitan ko sana siya kaso nagulat ako nang bigla siyang lumapit kay Troy at sinuntok ito. "Tristan, tama na." Pag awat ko sa kanya.
"Hayop ka Troy!" Sigaw niya sa pinsan niya na ngayon ay nakaupo at nakayuko lang. "We already talked about it. Akala ko ba titigil ka na?!"
"Tristan, nag usap lang kami." Paliwanag ko.
"Nag usap?" He smirked. "Nag usap lang kayo pero kailangan pang naka lock ang pinto? Sinong niloko niyo?" Galit na tanong niya.
"Tristan please." Pagmamakaawa ko. "Wala kaming ibang ginawa. I promised. Maniwala ka naman." Naiiyak na pakiusap ko.
"You disappoint me, Jisoo." Umiiling na sabi niya bago lumabas ng bahay.
"Tristan, wait!" Hahabulin ko sana siya pero hinawakan ako ni Troy sa kamay. "Bitawan mo ako." Umiiyak na sabi ko habang nakatingin pa rin sa pintuan kung saan lumabas si Tristan.
"Hayaan mo muna siya."
"Hindi Troy. Ako ang hayaan mo! Umalis ka na dito!" Sigaw ko sa kanya. "Umalis ka na!"
"I can't leave you alone." Sabi niya habang pinipilit akong lumapit sa kanya.
"I don't need you here. Umalis ka na, Troy. Kasalanan mo ito eh!" Lalo akong napahagulgol. "Kasalanan mo ito!" Sabi ko habang sinusuntok ang dibdib niya.
Tristan...
-------------
* Kyle's PoV
Nang tumawag sa akin si Tristan kanina ay agad akong nagpunta sa bar kung nasaan siya. Ang sabi niya ay kailangan daw niya nang makakausap. Sakto namang kasama ko si Red kanina kaya sinama ko na.
"Tumigil ka nga muna sa pag inom." Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang baso. "Ano bang nangyari? Bakit naglalasing ka dito? Si Jisoo?" Sunod sunod na tanong ko.
"Si Jisoo? Ayun, baka kasama pa din si Troy." Sagot niya at uminom ulit.
"What?" Gulat na tanong namin ni Red.
"Nasa bahay si Troy kanina. Ang sabi ni Jisoo nag usap lang sila. May nag usap bang kailangan pang nakalock ang pinto?" Natatawang tanong niya habang umiiling.
"Fuck that Troy." Bulong ni Red.
"Una ikaw kuya." Napatingin ako kay Tristan dahil sa sinabi niya. "Ngayon si Troy. Sino ang susunod? Akala ko nagkaintindihan na tayo eh. Galit kayo kay Jisoo di ba? Pero ako, tinanggap ko ulit siya kasi mahal ko pa din siya at may anak na kami. Hindi ba pwedeng kami na lang?" Nagulat kami ni Red ng bigla na lang siyang umiyak. "I love her Kuya. Mahal na mahal ko si Jisoo."
"Tama na, Tristan. Kakausapin ko si Troy bukas." Pagpapagaan ko sa loob niya.
Nang makatulog na si Tristan dahil sa sobrang kalasingan ay inuwi na namin siya sa bahay nila. Naabutan pa namin si Jisoo na naghihintay sa tapat ng gate.
"Jisoo."
"Kyle, Red." Tawag niya sa amin bago tignan si Tristan na akay namin ngayon. "A-anong nangyari sa kanya? O-okay lang ba siya?" Naiiyak na tanong niya.
"Lasing lang siya." Pagpapakalma ni Red sa kanya.
Hinatid namin si Tristan sa kwarto nila.
"Salamat. Ako ng bahala sa kanya. Mag iingat kayo ha." Tumango ako sa sinabi ni Jisoo.
"Sorry sa ginawa ng pinsan namin. Kakausapin namin si Troy para hindi na maulit ito." Sabi ko.
"Thank you." Nakangiting sabi niya.
Kahit masakit. Kahit mahirap. Kung saan ka magiging masaya hahayaan ka namin. Pipilitin naming maging masaya din dahil mahal ka namin.
Mahal pa din kita, Jisoo.
