Chapter 23

1.4K 64 7
                                    

* Jisoo's PoV

Alas tres nang madaling araw ng magising ako. Nakaramdam ako ng uhaw kaya dumiretso ako sa kusina pagkalabas ko ng kwarto. Narinig kong bumukas ang main door kaya naglakad ako papunta doon habang umiinom.

"Oh anong nangyari sayo?" Bigla akong nag alala kay Troy.

Halos hindi siya makalakad nang maayos. May mga sugat at pasa din siya. Nilapag ko ang baso sa center table at inalalayan siya.

"Kaya ko." Bulong niya.

"Eh ano naman?" Mataray na tanong ko sa kanya. "Sabi ko naman sayo tigilan mo na yang pakikipagbasag ulo mo." Sermon ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang makaakyat sa kwarto niya.

"Tss. Daig mo pa nanay ko." Reklamo niya.

Binuksan ko ang pintuan nang kwarto niya at inalalayan siya hanggang sa makahiga siya sa kama niya. Base sa pagkakahiga niya ay alam kong may iniinda din siyang sakit sa likod niya. Napailing ako at bumaba muna para kumuha ng pang gamot sa mga sugat niya.

Pagbalik ko ay nagtatanggal na siya ng damit at talagang nagulat na ako nang makitang may sugat siya sa tagiliran niya.

"Teka, bakit hindi mo sinabi agad na nasaksak ka pala?" Bigla tuloy akong nataranta. Hindi ko agad nakita kanina dahil kulay itim ang damit niya.

"You can go now. Kaya ko na ito."

"No. Hindi kita pwedeng iwan ng ganyan ang kalagayan mo." Naupo ako sa tabi niya at nagsimulang gamutin ang sugat niya sa tagiliran.

Natigil ako ng mapansing nakatitig siya sa akin. Pagtingin ko sa kanya ay seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Why are you doing this?" Napakunot noo ako dahil sa tanong niya.

"Hindi ba pwede? I mean, tulog na ang mga pinsan mo at nagkataong ako ang gising. I just want to help you." Sagot ko at nagpatuloy na sa paglilinis sa sugat niya.

Natigilan ulit ako nang hawakan niya ang kamay kong gumagamot sa sugat niya.

"Troy."

"Gusto kita Jisoo. I like you so much." Nagulat ako ng bigla siyang umamin.

Hindi ko akalain na ang katulad ni Troy ay magkakagusto sa akin pero nang maalala ko ang tungkol sa plano ko ay napangiti ako ng palihim.

Hindi na ako mahihirapan.

Unti unting nilapit ni Troy sa akin ang mukha niya at hinalikan ako. Medyo hirap siyang gumalaw dahil may pasa ang gilid ng labi niya.

Nang umagang iyon ay naging kami din ni Troy. Katulad kina Red at Kyle ay hiniling ko din na ilihim ang relasyon namin at pabor naman sa kanya dahil delikado daw ako kapag nalaman ng grupo nila Kier na kami na.

Three down, nine to go..

-------------

Binigyan ko ng magkakaibang oras sila Red, Kyle at Troy para makadate ako. Doon kami nagpunta sa hindi masyadong mataong lugar. Kitang kita ang saya sa mga mukha nila noong mga oras na yun. Hindi ko akalaing ganito pala ang magiging epekto ko sa kanila.

Dalawang linggo na ang lumipas mula nung maging kami ni Troy. Busy ako sa school kaya hindi ako makatiyempo sa iba. Napabuntong hininga ako gusto ko ng matapos lahat ito. Gusto ko ng mapabilis ang mga plano ko. Gusto ko ng makalayo sa kanila bago pa ako makonsensya.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now