Chapter 12

1.6K 76 35
                                    

* Jisoo's PoV

Napatigil ako sa sala ng makita kong kumpleto silang lahat at may kanya kanyang ginagawa. Kakauwi lang namin galing school at ito ang unang pagkakataon na makita kong kumpleto na sila agad dito. Kadalasan kasi late na umuwi sila Kyle, Troy, Warren, Red, Louie at Harold kaya naman medyo nagulat ako.

Naisip kong magpasama na lang sa isa sa kanila para maggrocery. Ayos na din yun para hindi na ako magcommute.

"Sino pwede sa inyo?" Tanong ko.

Gulat silang tumingin sa akin kaya naman napakunot ang noo ko. Ang OA ng reaksyon ah.

"Bakit? Sorry Jisoo pero kahit maganda ka hindi ko gagawin sayo yun." Sagot ni Kyle habang winawagayway pa sa ere ang kamay niya bilang pagtutol.

"Sorry Jisoo pero hindi pa ako handa eh." Sagot naman ni Red kaya lalong napakunot ang noo ko.

Ano bang sinasabi ng mga ito?

"Pwede ako. Saan ba? Sa kwarto mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa sagot ni Troy.

"Teka lang ha!" Awat ko dahil mukhang sasagot pa ng kabalbalan itong si Benedict at Carlo. "Hindi tayo nagkakaintindihan eh. Ang tanong ko sino ang pwede sa inyo? Magpapasama ako mag grocery."

Napabuntong hininga sila na para bang natanggalan na ng tinik sa dibdib. Tss. Ibang klase mag isip ang mga lalaking ito.

"Ah yun pala hehe." Awkward na sabi ni Kyle.

"Pwede ako." Napatingin ako kay Tristan nang magsalita siya.

"No. Ako na lang sasama sa kanya Tristan." Sabat ni Troy.

"Ako na lang. Free naman ako ngayon eh." Nakangiting sabi ni Benedict at nag unat unat pa.

"Ako na lang Jisoo." Tumayo si Kyle at pinakita sa akin ang muscle niya. "Kayang kaya kitang tulungang magbuhat." Nakangiting sabi niya.

Naningkit ang mata ko dahil sa inaasta nila. Parang may mali pero hindi ko alam kung ano yun.

"Ako na lang Jisoo. Kahit sa Europe pa tayo mag grocery sasamahan kita." Sabi ni Red at kinindatan pa ako.

-----------------

Napatingin ako sa mga kasama ko. Napailing na lang ako dahil hindi ko talaga maalala na pinasama ko silang lahat. Seriously?! Mag gogrocery lang ako pero isang dosena ang kasama ko?! Baka naman hindi kami papasukin nito dahil iisipin ng guard na may gagawin kaming masama.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now