Chapter 29

1.6K 72 8
                                    

Special thanks to lilychubs for my new book cover. Salamat ulit. You're the best 😘😘

--------------

* Jisoo's PoV

Naglalaro kami ni Tan Tan ng marinig kong may nagdoorbell. Nasa kwarto pa si Tristan at nag hahanda dahil may pasok na daw siya. May inaasahan ba siyang bisita ngayon?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sahig para buksan ang pintuan. Laking gulat ko ng makita kung sino ang mga nasa harapan ko ngayon. Maging sila ay nagulat.

"Jisoo?" Nagtatakang tanong ni Red.

Hindi ko magawang makaimik. Nandito sa harapan ko ang mga pinsan ni Tristan. Ang mga lalaking niloko ko. Kahit paghingi ng tawad ay hindi ko magawa. Para bang bigla na lang akong napipi at hindi makapagsalita.

Lalo silang nagulat ng biglang lumabas si Tan Tan.

"Mama, sino sila?" Tanong ng bata.

"May anak ka na?" Tanong ni Warren.

"Oh, nandito na pala kayo." Bigla akong nakahinga ng maluwag ng marinig ko ang boses ni Tristan. Binuhat niya si Tan Tan na lalong ikinapagtaka ng mga pinsan niya. "Baby, say hi to your uncle's." Nakangiting sabi ni Tristan sa anak namin.

"What?" Gulat na tanong nila.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nandito sa kusina. Ang sabi ko ay maghahanda ako ng makakain pero hanggang ngayon ay nandito pa din ako. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang lumabas na.

"Papa, what is uncle?" Dinig kong tanong ni Ethan.

"They are my cousins. Si Tito Kyle mo ay kapatid ko. Kaya Uncle ang tawag mo sa kanila." Nakangiting paliwanag ni Tristan.

"Are you sure na sayo yan?" Napatigil ako sa tanong ni Kyle.

"Kuya." Saway ni Tristan.

"I just want to make sure. Ilang taon siyang nawala tapos babalik na may anak?" Sa pananalita niya ay alam kong may galit pa din siya sa akin.

"Papa, why Tito Kyle is angry?" Nagtatakang tanong ni Ethan.

"No anak, he's not angry. He's just asking." Sagot niya sa bata bago binalingan si Kyle. "Kuya please, not now. I'm sure that he's mine."

Nilagay ko na sa center table ang mga pagkaing dala ko. Wala ni isa sa kanila ang tinignan ko. Nahihiya ako at naguguilty sa ginawa ko noon. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko alam kung paano.

Operation: Breaking the BAD BOYS (COMPLETED)Where stories live. Discover now