This book is a work of fiction. Names,characters,some places and incidents are products of the authors's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, places or persons, living or dead, is entire coincidental.
All rights reserved: No part of this book may be reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission in writing from the publisher, except by a reviewer , who may quotes brief passages in a review.
Author: Pachucheng
Start of Date: May 2020
🍁🍁🍁
His Point of View
"Tingin mo magagalit na naman kaya si Damery? Tss. Hanggat walang magsasabe doon hindi nya malalaman." rinig kong sagot ni Third.
"Kahit takot sa atin ang mga taga West Wing hindi natin masisiguro kung may magsusubong na taga East Wing. Tiyak ako na mas maraming ulupong doon si Damery." wika ni Wesley. Naglalakad lang kami patungo sa aming sasakyan. Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako sa mga ito pero dahil pinilit nila ako at pinapatawag daw kami ng Supreme Council Organization na ang namamahala ay ang isa kong kapatid na si Zenon. Wala na akong nagawa kundi sumama.
Mabilis lang naman ang naging nangyare at hindi din naman nagtagal pina alis na kami. Hindi ko naman masyado inintindi ang mga sinabe nila dahil tungkol lang din naman sa rules iyon. Tss.
Rules. Akala ba nila matatakot ako sa rules na iyon? Nagkakamali sila dahil hindi ako matitinag ng rules na yan. Gagawin ko ang gusto ko at walang makakapigil sa akin doon.
"Naligaw ata kayo rito sa East Wing?"
Napahinto ako sa biglang nagsalita. Hindi ko sya tinapunan ng kahit anong emosyon. Bakit pa? Wala naman silang kwenta. Tss.
"Hindi ba pwedeng dumalaw lang sa teritoryo nila Zeron?" wika ni Zach sa mga ulupong. Nakita kong nainis sila sa sinabe nito pero mukhang pinigilan lang nila. Sinuri ko ang postura nila at mukhang isang tadyak ko lang ay taob na ang mga ito. Limang bugok laban sa walo? Ayos ba sila? Hanap lang ata ng mga ito sakit ng katawan.
"Ayusin mo ang sinasabe mo bata. Teritoryo din namin ito at hindi kami makakapayag na may tumapak dito galing West Wing." wika ulit ng nasa harapan namin na bugok. Sya lang ata ang may malaking katawan sa grupo nila at yung iba patpatin pa. Tapos yung malaki ang katawan may mga kwintas pa at bracelet na nakasabit sa katawan nito. Yung iba naman gulo gulo ang mga buhok at naka bukas ang mga butones.
BINABASA MO ANG
Black Inferno: Half-Hearted (Complete)
ActionWhen a man fall in love for the first time with his childhood buddy, but she sees him more as a brother than as a passionate lover. On the other hand, there's a girl who cherishes solitude, working towards her dream of becoming a successful woman a...