-7-

4.7K 64 7
                                    

-7-

NO EFFECT?

Nagising ako kinabukasan na nasa loob na ako ng aking unit. Pupungas-pungas pa ang mata ko habang papasok sa comfort room ko para magtoothbrush. Pagkatapos nito ay magpeprepare pa ako ng agahan. Ganito talaga ang buhay ng solong tulad ko. Kung hindi ako kikilos, hindi ako kakain.

Ako lang magisa dito sa Condo. Pinabayaan ako dito ni Daddy at Mama noong nag-debut ako. Hinayaan nila akong maging independent. Tutal ay may trabaho na naman ako. Mabuti rin iyon dahil natuto ako ng gawaing bahay. Kaya nga lang sa sobrang busy ko kaya minsan lang ako makapaglinis ng unit ko.

'Minsan makapaglinis ng unit ko?? Teka! Bakit ang linis ng unit ko?' Tanong ko sa aking sarili.

Paglabas ko kasi ng kwarto ko ay nagulat ako dahil sobrang ayos at linis na ng unit ko. Sino kayang naglinis dito? Imposible namang mga assistant ko dahil hindi nila alam ang password ng condo ko. Pero sino?

Napagpasyahan ko na lamang na magtimpla ng kape para iyon na lang ang aking agahan. Wala pa rin kasi ako sa wisyo na kumain. Pakiramdam ko ay masusuka ako kapag may pinasok akong solid sa aking bibig. Medyo masakit pa nga ang ulo ko dahil sa hangover.

Bigla akong natulala sa aking naisip. Lasing na lasing ako kagabi dahil solo akong uminom ng dalawang bote ng red wine. Hindi naman ako sanay uminom kaya siguro ganito kasakit ang ulo ko. Wala akong kasamang uminom. Kung ganoon, sino kaya ang naglinis dito ng mga kalat ko at nagpatay pa ng videoke kagabi?

Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata. Pilit kong inaalala ang nangyari. Hanggang sa mapadilat ako at manglaki ang mga ito. Ang tanda ko kasi ay parang kausap ko si Sir Isaiah kagabi. Pero ano namang ginagawa niya dito?

Ang natatandaan ko pa ay halos maging dalawa siya sa paningin ko sa sobrang pagka lasing. Pagkatapos naming magdiskusyon kagabi ay wala na akong maalala. Ngayon umaga na ang karugtong ng mga natatandaan ko.

Kung ganoon, sino ang kasama ko kagabi? Sino ang nagpasok sa akin dito sa bahay? Si Isaiah ba ang naglinis ng bahay ko?

"Aghhh!!" Naiinis na naisabunot ko ang aking kamay sa aking buhok. "Siya ba talaga ang gumawa ng lahat ng iyon?" Naguguluhang tanong ko pa habang sinisimsim na ang aking kape.

Nakakahiya kung tama ang aking memorya. Hindi kami close na dalawa. Ang alam ko ay halos isumpa pa namin ang isa't-isa. Naalala ko pa na kaya siya kumatok sa akin ay dahil ang ingay ko daw. Weird! Paano niya nalamang ang ingay ko eh sound proof ang mga condo units dito?

Nang maubos ko ang aking kape ay napagpasyahan kong pupuntahan ko siya para kausapin. Kailangan kong malaman ang nangyari. Kung siya din ang gumawa ng lahat ng ito ay magpapasalamat ako ng labis sa kanya kahit labag sa kalooban ko.

Mukha akong baliw na kinailangan ko pang maligo at magblow dry ng buhok eh kakatok lang naman ako sa unit niya sa kabila. Nahirapan pa nga akong mamili ng isusuot ko.

May nakita akong leggings ko na simple lang pero kumikinang na silver ang kulay nito. Isinuot ko iyon at hinanap ang venus cut na blouse ko. Nang maisuot ko ay pinartneran ko pa ng mataas kong heels.

"Pwede na kaya ito?" Tanong ko habang sinisilip ang sarili kong repleksyon sa aking walk-in closet. Para naman akong pupunta sa kung saang party nito. Kaya napagdesisyunan kong hubadin na lamang.

Pumili ako muli at nakita ko ang aking super short na shorts. Sobrang ikli na kitang-kita ang legs ko. Tapos ay kinuha ko ang aking sleeveless na blouse na kulay navy blue. Nagsuot ako ng flip flops sa paa.

"Aww! Ang sexy ko naman masyado!" Palatak ko nang makita ko ang repleksyon ko sa salamin. Para kasing sobrang sexy at daring nga ng suot ko. Hinubad ko na lang muli.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon