-18-

3.6K 57 15
                                    

-18-

IWASAN

Ilang beses na akong na-reject. Marunong din naman akong tumanggap ng pagkatalo. I think I matured a little dahil dito. Kung dati ay hindi ako tumatanggap ng pagkatalo, ngayon ay marunong na ako. Narealize ko na kasama talaga sa buhay ang mga ganitong pagsubok. At kapag hindi natin nakamtan ang ating mga minimithi, mas magpupursigi tayo sa buhay. Pero sa pagkakataon ngayon, I think I should give up.

Ang katotohanang kahit anong gawin ko ay hindi ako magugustuhan ng mga Jang. Ang reason? Tingin ko ay dahil isa akong sikat na artista at gusto nila ay iyong tahimik lang na buhay. Hindi ba't nakabike lang kung pumasok si Isaiah sa school kahit na ang totoo ay may magagara pala siyang sasakyan dito sa basement ng condo building? Ayaw kasi nilang napapansin. Ayaw nila nang napapagusapan.

But what can I do? Eh eto na ang trabaho ko noon pa man? Hindi naman pwedeng basta ko na lang i-give up ang career ko dahil ma-be-breach of contract ako. Mas malaking gulo iyon. Pero kung magkakaroon lang ako ng chance na magkaroon ng time machine, siguro ay babalik ako sa panahong elementary pa lang ako. Iyong panahong hindi pa ako artista. At pinapangako ko na ituturn down ko lahat ng offers sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na magiging hadlang pala iyon sa kaligayahan ko ngayong dalaga na ako.

"Sht! Ang sakit!" Sigaw ko habang tinatakpan ng unan ang mukha ko.

Wala ako sa mood kaya hindi ako umattend ng shooting. Kanina pa ako sinusundo nina Batgirl at Robin, pero hindi nila ako napaalis dito sa kwarto ko. Sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko. Totoo naman eh. Masama talaga ang pakiramdam ko. Paano ako makakapagtrabaho ng wasak ang aking puso?

Wala akong ginawa kundi mag-isip ng mag-isip. Ang daming what ifs sa aking isip. Like, what if hindi ako nag-artista? What if nakilala ko si Isaiah noon ng mas maaga? What if siya na lang ang naging kababata ko kesa kay Simon? I know, I am being unfair to Simon para i-wish na sana si Isaiah ang nasa katayuan niya, pero what can I do? I'm so desperate!

Gustong-gusto kong magfit para kay Isaiah. Gusto kong bumagay ako sa standards ng mga Jang, pero ano nga bang magagawa ko? Ito na ang pwesto ko sa mundo bago ko pa siya nakilala eh.

Pati pagkain ay hindi ko na naisipan. I'm just stressed over everything. First time kong hindi nakuha ang gusto ko kaya it hurts like h3ll! WTF?!?

Pero pwede ko naman siyang tingnan kahit mula sa malayo, hindi ba? Pwede namang kahit hindi ako lumapit sa kanya? Ang sabi lang kasi nila sa akin ay huwag akong makipaglapit, huwag makipagclose, pero wala silang sinabi na get out of his sight. Tama ba?

So nagmamadali akong naligo. Kailangan kong pumunta sa klase ko ngayong hapon. I'm such a good student kaya this sem. Wala pa akong absent sa kahit na anong subject simula noong pasukan. Syempre, aaminin ko na, dahil gusto kong palaging nakikita si Isaiah. Paano na nga pala ang tutorial lessons ko sa history? DMN!

Excited akong naligo at nagbihis. Nasa walk-in closet na ako at kasalukuyang namimili ng damit. Hindi ako makapili ng dapat kong suotin. Conservative o sexy? Iyan ang nagtatalo sa isip ko. Kung alin sa dalawa ang style na pipiliin ko.

"I'll make you regret na iniiwasan mong makipaglapit sa akin Isaiah!" Determinadong sabi ko habang pinipili ang mini skirt ko at venus cut na blouse. Wala akong pakialam kahit ang sexy ng dating. So what? Artista ako at ito ang nababagay sa aking outfits.

Kinuha ko din ang boots kong hanggang itaas ng tuhod at isinuot. Hindi na ako nagtali ng buhok. Nagmake-up ako nang light lang. Iyong mukhang natural at kinuha na ang fury bag ko. Inilagay ko lang ang cattleya note ko at ballpen. Then dinampot ko ang wayfarers ko, and I'm off to go.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon