-29-

2.8K 51 16
                                    

-29-

OVER DOSAGE

Pakiramdam ko ay nangamatay ang mga kulisap sa aking sikmura. Kaya pala sabi niya, hindi siya ang nababagay sa aking lalaki. Kaya pala ang sabi niya, kahit masaktan siya, huwag lang ako. Ibig bang sabihin ay nakaukit na rin ako kahit paano sa puso niya? At masakit sa kanyang iwan ako?

Saan ba kasi siya pupunta? Aalis ba siya dahil sa may fiancee na nagaantay sa kanya sa malayo? O aalis siya para magpagamot dahil madalas siyang manghina nitong mga nakaraan? O sadyang aalis lang siya dahil gusto niya?

"Hindi ba pwedeng huwag na siyang tumuloy?" Tanong ko habang naka kagat-labi para pigilin ang mapahagulhol.

Iisa lang talaga ang kahahantungan ng nalaman kong ito. Kailangan ko talagang iwasan ang makipag-ugnayan sa kanya kung ayaw kong masaktan. Lalo na kung ayaw kong maiwan na luhaan. Hindi pa naman masyadong huli ang lahat, hindi ba? Hindi pa naman ganoon kalalim ang pagmamahal ko sa kanya.

Ibinalik ko ang libro at tumakbo palabas ng library niya. Basang-basa ng luha ang mukha ko. Iyak ako ng iyak. Aalis si Isaiah at pakiramdam ko ay kasama niyang mawawala ang tibok ng puso ko.

Hindi ko nanapigilang napahawak ako sa aking dibdib at umiyak. Sobrang sakit na nahihirapan na akong huminga dahil parang pinipiga ang puso ko. Napasalampak ako sa set at isinubsob ang mukha ko sa sofa at humagulhol na. Ngayon lang ako nagkagusto sa isang lalaki at wala na agad kaming pag-asa dahil aalis na pala siya.

Umiyak lang ako ng umiyak. "Bakit ba aalis ka, Isaiah?" Nagtatangis na sabi ko.

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata. Gusto ko nang umuwi sa condo ko. Kailangang masimulan ko nang tanggapin na hindi talaga kami pwedeng dalawa. Maisip ko pa lang iyon ay para na akong mamatay sa sakit. Pero kailangan kong tiisin. Dahil tingin ko, tulad ko ay ayaw din ni Isaiah na magkahiwalay kami. Marahil ay talagang importante ang lakad na ito. Kasi kung hindi ay pwede niya namang hindi ituloy para makasama pa ako.

Sinilip ko ang monitor at may ilan pang reporters sa labas. Ang pasaway kong luha ay patuloy sa pagdaloy. Ang sakit naman kasi talaga! Bumalik na lang ako sa sala. Ginamit ko ang landline ni Isaiah at nagpaakyat ako ng guard na tutulong sa akin paglabas ko dito. Walang limang minuto ay narinig ko na ang presensiya nila sa labas.

Palabas na ako nang bahay niya nang mahagip ng mga mata ko ang silver na sapatos sa lagayan ng mga shoes. Nilapitan ko at tiningnang mabuti. Akin ito! Natitiyak ko! Isinukat ko nga at nasiguro kong talagang akin. Pero bakit naandito sa bahay niya? Paano ito napunta dito? Hindi kaya itinabi niya para may alaala ako sa kanya kapag umalis na siya? Pero paano niya ito nakuha sa bahay ko?

Hindi ko na binawi. Ibinalik ko sa malaking cabinet. Hahayaan ko na lang ito dito para may alaala ako sa kanya. Bigla ko na naman naramdaman na parang nginangatngat ng mga lecheng kulisap ang puso ko! Sobrang sakit na hindi ko mapigilang mapaiyak na naman.

Lumabas na ako ng bahay niya. Pinagkaguluhan ako pero agad namang nahawi at naawat ng mga gwardiya. Halos lutang ang utak ko nang makapasok ako sa bahay ko. Dire-diretso lang ako sa aking kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras, pero madilim na ay umiiyak pa din ako.

At ngayon, aaminin ko, kaya ako nasasaktan ng ganito ay dahil sa mahal ko na siya. Masakit sa akin na maiwan niya. Kung sana ay pwede akong sumama.

"Isaiah, please don't go?" Sabi ko habang nagiisa dito sa kwarto ko at patuloy na umiyak ng umiyak habang naka dapa sa aking kama.

Pakiramdam ko, mas ikamamatay ko pa ang maiwan niya, kesa sa lahat ng akusa ng mga tao na kinahaharap ko ngayon.

Hilam na hilam ako ng aking mga luha. Kinuha ko ang sleeping pills sa aking side table. Isa ang inireseta sa akin ng doktor kada susumpungin ako ng insomia. At dahil tingin ko ay hindi ako makakatulog, kahit pagod na ako sa pag-iyak, uminom ako ng tatlong tableta ng sleeping pills.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon