-20-
CRUISE SHIP
Nagpeprepare ako para sa isang party ng Tan Productions na gaganapin sa isang cruise ship. Imbitado kaming mga talents ng Lao Entertainment Company. Nangako pa sa akin si Simon na sabay daw kaming pupunta doon. Anya ay susunduin daw niya ako para siya ang magiging escort ko para sa event.
Kasalukuyang nagmemake-up na ako at tapos ng magbihis. Isang silver tube dress na puno ng sequence ang suot ko. Hanggang ibaba ng binti ko ito at may mahabang slit na tumatakbo mula sa taas ng hita ko pababa. Napaka elegant ng dating ko. Tinernuhan ko pa ito ng isang stiletto na kulay silver din.
"Perfect!" Palatak ko sa aking sarili. Natutuwa ako sa magandang kinalabasan ng itsura ko sa salamin.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at binuksan ko ang isang malaking cabinet. Dito naka display ang iba't-ibang bags ko. Namili ako at ang kinuha ko ay ang silver ko din na handbag.
"Ok na siguro ito." Sabi ko pa habang umiikot-ikot sa harap nang salamin.
Tamang-tama naman na ready na ako ng marinig ko ang doorbell kong tumunog. Nagmamadali akong pumunta sa pintuan dahil ang buong akala ko ay si Simon iyon. Pero nagulat ako ng makita si Isaiah na naka-longsleeves at slacks ang napagbuksan ko.
"Isaiah?" Napalunok pa ako. Tumalon na naman kasi ang puso ko nang makita ko ang kakisigan niyang taglay.
Bakit ba ganito si Isaiah? Kahit ata basahan ang ipasuot sa kanya ay labas at lalabas ang kakisigan niya. Sobrang gwapo niya talaga na nagkakagulo na naman ang mga insekto niyang fans na nasa loob ng sikmura ko. Nagliliparan na naman sila dahil nakikita nila ang kanilang amo.
"Zue." At tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Medyo itinago ko pa ng konti ang paa ko dahil naiilang ako na titig na titig siya doon. Habang sa utak ko ay nagtatanong ako sa akin sarili na, 'Bakit ba siya naandito?'
"Bakit?" Tanong ko sa tonong walang gana. Effort level ang ginagawa ko. Hirap na hirap akong magpanggap sa harap niya na parang wala lang ang lahat.
This is so hard for me. Kasi ang buong sistema ng katawan ko ay ayaw makisama. Ang totoo, gusto ko siyang yakapin pero pinipigil ko. Kailangan ko pa ding maisakatuparan ang plano kong siya mismo ang magbawi sa iwas iwas na sinasabi niya.
Nakatitig pa rin siya sa paa ko. "Hindi bagay sa iyo ang shoes mo. Palitan mo." Sabi niya sa akin.
Napanganga ako at sinilip na rin tuloy ang mamahalin kong sapatos. What is wrong with him? Ang ganda ng magara kong sapatos tapos ay pipintasan niya lang? Wala ba siyang taste?
"Maganda naman ang sapatos ko ah?" Pagtatanggol ko sa aking sarili. Hindi ako magpapalit ng sapatos sa ayaw niya at gusto.
"Bakit ka nga pala naandito?" Tanong ko pa nang maisip ko kung ano ang kanyang sadya. Napupunta na kasi ang usapan namin sa sapatos ko pero hindi naman siguro iyon ang sadya niya.
May iniabot siya sa aking notebook. "Ginawan kita ng reviewer. Naka-outline diyan ang mga pangalan na kailangan mo sauluhin." Paliwanag niya pero sa paa ko pa din nakatingin. Naiilang tuloy ako sa kanya. Kung makatitig kasi sa paa ko ay wagas.
Napakunot ang noo ko. Kung hindi ko lang masyadong kilala si Isaiah ay iisipin kong bakla siya talaga. Hindi na niya kasi maihiwalay ang mata niya sa sapatos ko. Gusto niya ba ang mga ito?
Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kung anu-anong pumapasok sa kukote ko. Hindi ko malilimutan na hinalikan niya ako noon nang mapagkamalan kong bading siya. Imposible talaga ang iniisip ko. Pero bakit nga ba ayaw hiwalayan ng mga mata niya ang shoes ko?
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...