-40-

2.2K 44 9
                                    

-40-

HUWAG MAKIALAM

"Uh.. uh.." Ubo ko kasabay ng paglabas ng tubig sa bibig ko.

Pagdilat ng mata ko ay mukha na ni Simon ang nabungaran ko. Siya ang may kandong sa ulo ko habang nakahiga ako sa poolside na pinalilibutan ng lahat.

"ZL, okay ka lang?" Na-aalalang lumapit sa akin si Harvey.

Parehas kaming basang-basa. Siya ba ang sumagip sa akin sa ilalim ng tubig? Nasaan kaya si Isaiah? Ang akala ko pa naman ay mukha niya agad ang mabubungaran ko.

"Anong nangyari sa iyo, ZL? Bakit parang nagtuloy-tuloy ka sa board at nahulog?" Kunot na kunot ang noo na tanong sa akin ni Simon.

Pinilit kong makaupo. Medyo nahihirapan pa akong huminga sa pagkakahiga. Mabuti naman at inalalayan ako ni Simon at Harvey.

"May masakit ba, ZL?" Tanong naman ni Harvey.

Umubo ako muli sa gilid para ilabas ang natitira atang tubig na pumasok sa ilong ko. Ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa pressure.

"M-medyo masakit ang ulo ko." Sabi ko sa kanila habang hinihilot ang noo ko.

Nanlalata ako kaya hinayaan ko na lang na buhatin ako ni Simon. Inihiga niya ako sa isang beach chair doon na kulay puti. Nakapalibot pa rin ang mga tao sa amin.

Pero saglit siyang natigilan nang mapatingin siya sa suot ko. Pagkatapos ay pumikit siya ng mariin. Huminga ng malalim. Para bang may kinakalma niya ang sarili niya. Dahil kaya sa basa ako kaya siya nagkakaganyan? Eh bakit parang nag-iwas na siya ng tingin sa akin?

"Dapat kasi hindi mo na ginawa ang eksena. Hindi ka naman pala marunong magdive." Nakataas ang kilay na sabi ni Sabrina habang nakahalukipkip.

Nilingon siya ni Simon kaya natigilan siya. "Shut the f*ck up!" Singhal niya pa kay Sabrina.

Namula si Sabrina sa hiya at tumalikod na para umaliis doon. Wala din ata sa hulog ang babaeng iyon. Nakuha pa talagang asarin ako? Muntik na kaya akong mamatay? Hello?

"May ground ang handle ng diving tower." Mahinang sabi ko.

"ANO??" Gulat na gulat na malakas na tanong ni Simon sa akin.

"Nakuryente ako kaya mabilis akong umakyat. Nang umakyat naman ako ay sobrang dulas ng diving board kaya nagtuloy-tuloy ako hanggang sa dulo at nahulog na nga sa tubig." Paliwanag ko habang hinihimas pa rin ang ulo ko.

Nag-angat ng tingin si Simon sa lahat ng nakapalibot sa amin. Parang may hinahanap ang mata niya na kung sino. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala.

"Direk!" Sigaw niya ng huminto ang mata niya sa director namin.

Nanginginig namang lumapit sa amin ang director. "Bakit po, Mr. Tan?" Kinakabahang tanong niya habang nakatungo.

Tumayo si Simon at itinulak siya sa balikat. Gusto ko sanang awatin siya pero agad akong pinigilan ni Harvey. Hinawakan ako ng huli sa balikat at tinabihan para manatiling nakaupo.

"Anong kapabayaan ito?? Bakit ganoon ang nangyari? Sinong nanadya na maaksidente si ZL? Sino?? Sabihin mo sa akin kung sino?!" Galit na galit na sigaw ni Simon.

Napaawang ang labi ko nang biglang lumuhod sa harapan niya si Direk. Mas matanda sa amin ng hindi hamak ang director. Pero kailangan niyang igalang si Simon dahil anak ito ng may-ari ng Tan Productions.

"Sorry po, Sir Simon. H-Hindi ko po alam kung bakit nagkaganoon. W-Wala naman po akong kinalalaman diyan. At lalong hindi ko po sinadya na m-mapahamak si Miss ZL. Ano naman p-pong mapapala ko kung gagawin iyon?" Nabubulol na sabi ni Direk Lino habang nakaluhod at nakatungo.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon