-51-

1.9K 43 11
                                    

-51-

SELOSAN

Pumunta ako sa shooting. May scenes akong kukunan ngayong araw. I'm doing this new international movie na ipapalabas sa iba't-ibang ASIAN COUNTRIES. Sa pelikulang ito ay kapareha ko si Harvey at second lead si Ashley. Ang bilis din ng gulong ng buhay. Ngayon ay magkabaligtad na naman kami ng pwesto ni Ashley sa industriya. Kung may magagawa lang sana ako.

I care for Ashley because for me, she is still my friend. Kahit madami siyang bitchiness na ginawa sa akin, I still care for her. Siguro ay dahil ito sa wala akong kapatid na babae. Kaya siguro kahit anong masasamang salita ang nasabi niya, she will always have a spot part in my heart.

"Where's your boyfriend, ZL?" Tanong ng katabi kong si Harvey. Pahinga kami sa scenes namin. Nagiisip pa si Direk ng magandang effect para sa aming next scene.

"May lakad lang sandali. May inaasikaso." Nakangiting sagot ko.

Nagpaalam kasi sakin si Isaiah kanina na aasikasuhin niya lang ang mga assets na maiiwan niya. Maiiwan. Isipin ko pa lang na maiiwan niya ako ay parang kinukurot na ang puso ko. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang pag-alis niya.

"You really love him, don't you?" Nakangiti ring sambit niya.

Maisip ko pa lang ang tungkol sa love ay kinikilig na ako. Kaya napakagat labi ako habang nagpipigil ng kilig. "I do." Mabilis na sagot ko na hindi ko na mapigilan ang mapangiti. "And I never ever felt this way before, Harvey. Ewan ko ba. Sa kanya ko lang naramdaman ang ganito." Dagdag ko pa.

Hinaplos ni Harvey ang buhok ko. "I think, mahal na mahal ka din niya." Sabi niya na agad kong sinangayunan. Because I know kung gaano niya ako kamahal. Isuko niya ba naman ang kanyang buhay na almost eternity na just for me? Hindi pa ba love iyon?

"Bakit hindi pa kayo magpakasal?" Dagdag tanong pa niya.

Iyong ngiti sa labi ko ay unti-unting nawala. Hindi ako galit kay Harvey. Nauunawaan ko ang tanong niya. Kahit naman ang parents ko ay ganoon din ang tanong sa akin. Kahit ako ay iyon na lang din ang nararamdaman kong kulang.

Pero ano nga ba para sa akin ang kasal? Hindi ba't it's a lifetime promise of love? Isang bagay na ginagawa ng dalawang tao para magkaroon sila ng karapatan sa isa't-isa? Isang kasunduan na hindi lamang sa inyong pagitan, kundi isa ring pangako sa Itaas na wala ng ibang mamahalin pa? Sa katayuan namin ngayon, importante pa ba iyon sa amin?

We know that we love each other dearly. Alam kong panghabang buhay ang pag-ibig namin sa isa't-isa. Ibigay ko man ang buong karapatan sa kanya sa akin ay hindi pwede. Hindi namin kami pwedeng maging intimate kasi baka ikamatay niya. Pwede naman naming mahalin ang isa't-isa kahit na magkalayo ang aming mga bituin. Bakit pa kami magpapakasal? Wala rin naman akong apelyidong pwedeng angkinin bilang patunay na ako ay kanya lamang.

"ZL, bakit hindi pa kayo magpakasal?" Ulit ni Harvey sa akin.

"Hindi pa kami handa." Iyon na lang ang nasabi ko sa kanya. I don't know kung sapat na iyong paliwanag, pero iyon lang ang naisip kong madaling salita na mauunawaan niya.

"Ahh.." Tanging nasabi niya.

Nasa ganoon kaming pag-uusap ng makita ko ang magarang sasakyan ni Isaiah. Lalo kong nasiguro ng marinig ko ang tili ng mga tao sa paligid ko.

"ISAIAH!" Sigaw ng ilan.

Napawi agad ang lungkot ko ng makita ko siyang bumaba ng sasakyan. Naandito na ang aking kaligayahan! Kung hanggang kailan ay ayaw ko na munang isipin.

"Ang gwapo!" Wala sa loob na nasambit ko. Paano ba naman kasi, hindi ko mapigilang humanga ng hawiin niya ng kanyang kamay ang medyo humahaba na niyang bangs? Nalantad tuloy ang mamulamula niyang pisngi ng ginawa niya iyon.

My Alien BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon