-49-
MANA
Kahit walang nakakatawa ay natawa siya. Lumapit sa may tenga ko si Silver at bumulong. "Swerte ka at nakaligtas ka. Pero sisiguraduhin ko na hindi matatapos ang araw na ito ay sasamahan mo na si Simon na nakaratay." Mariing sabi niya at ngumisi pa sa akin.
Kilabot ang bumalot sa buong pagkatao ko. Nanindig ang aking mga balahibo. Kinilabutan ako sa kanyang banta sa akin. Mas lalo pa akong kinilabutan nang maghinala ako kung sino ang may gawa ng kapahamakan ni Simon.
Pero bago pa ako makasagot ay napahawak na lang ako sa dibdib ko ng magkagulo.
"Ohmaygad!"
"Ayy!"
Tili ng mga nagulat na tao.
Kitang-kita ko kung paano sila nagsisunuran sa biglang paglayo ni Silver. Para itong tinangay ng mala-ipoipong si Isaiah. Sakal-sakal niya ito sa leeg. Habang si Silver naman ay nakaangat na sa lupa at nakangisi pa. Sa isang iglap na iyon ay nasa harapan na sila ng gilid ng pintuan ng hospital na sadyang malayo sa pwesto ko.
"ISAIAH! HUWAG! BAKA MAPATAY MO SIYA!" Ubod ng lakas na sigaw ko. Ayokong mapahamak si Isaiah. Kaya kahit ako mismo na gustong patayin si Silver ay hahayaan kong batas ang humusga.
Iyong paglingon ni Isaiah sa akin ay sinamantala ni Silver. Nakita ko na lang na sinuntok niya si Isaiah. Parang nanglambot ang tuhod ko. Nanghihinang napaupo ako nang makita ko siyang napasubsob. Ni hindi pa ako nakakasigaw nang makita kong lumipad na si Silver sa salaming pintuan ng hospital. Lalong nagkagulo ang reporters.
"ZL, tumayo ka. Puntahan na natin si Simon." Anang boses na pamilyar mula sa likod ko.
Tiningala ko ang nagaalalang mukha ni Harvey sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at itinayo ako. "S-Salamat, Harvey. Pero si Isaiah..."
Paglingon ko ay kitang-kita naming lahat na daklot-daklot ni Isaiah si Silver at nawala ng parang bula sa ere. Hindi ko na siya nagawang pigilan. May tiwala naman ako sa kanya. Umaasa akong alam ng nobyo ko ang kanyang gagawin kay Silver. Tamang paraan!
"Pumasok na tayo." Yaya ni Harvey at nagpatianod na lamang ako. Nagbalikan kasi sa akin ang mga manunulat. Hinihingan ako ng masasabi sa kakaibang napanood nila sa pagitan ni Isaiah at ni Silver.
Pinorotektahan ako ni Harvey sa mga mananayam. Kahit nahirapan kaming mahanap ang kwarto ni Simon ay nagtagumpay kami. Nakahawak lang ako ng mariin sa kanyang braso.
Malayo palang ay tanaw ko na ang umiiyak na si Tita Fatima sa balikat ni Mr. Henry Tan. Dating naging kasintahan ni Daddy ko si Tita. Pero nang piliin na ni Dad si Mama Steph ay noon naman siya nabuntis ni Mr. Henry.
Si Mr. Henry ay may asawa na siyang nanay ni Silver at nang isa pa daw na namatay na panganay nitong kapatid na lalaki. Dahil sa tulong nina Dad at Mama ay nagawang palakihin ni Tita Fatima si Simon sa sarili niyang sikap. Pero nang mamatay ang panganay ng mga Tan, hinanap na ni Mr. Henry ang anak na si Simon at kinilala.
"Tita Fatima." Tawag ko na maluha-luha na agad. Sa pagiyak pa lang ni Tita ay alam ko nang seryoso ang lagay ng kababata at kaibigan ko.
"ZL, Iha." Niyakap niya ako ng ubod ng higpit. Habang si Mr. Henry ay tinapik-tapik ang balikat ni Harvey.
Pwede naman talagang maging magkaibigan sina Harvey at Simon. Huwag lang nila akong pagtatalunang dalawa. Natatandaan ko na ayos naman sila dati. Gumulo lang ang samahan nila ng ligawan na ako ni Harvey.
"S-Si Simon po? Ku-kumusta po siya?" Kinakabahang tanong ko.
Inalalayan kaming maupo nina Mr. Henry at Harvey. Umiyak ng umiyak si Tita Fatima kaya napaluha na rin ako.
BINABASA MO ANG
My Alien Boyfriend
RomanceSa hindi inaasahang pagbibiro ng tadhana, magtatagpo ang mga buhay ng dalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Samahan natin ang ating mga bida kung paano nila haharapin ang malaking pagsubok para tawirin ang agwat ng magkalayong daigdig. (Fan-Fi...